Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 36 - Kasikatan at Kayamanan

Chapter 36 - Kasikatan at Kayamanan

CHAPTER 36: Kasikatan at Kayamanan

"Uhm, in theory, ganoon nga," medyo awkward na sabi ng middle-aged man.

Nauubusan siya ng pasensya sa pakikipag-usap sa batang ito, isa rin itong batang doktor at presidente ng isang business empire.

"Ngayon sabihin mo sakin, sino ang nagsabi sayo na wala akong girlfriend?" tanong ni Qin Chu sa middle-aged man habang naka-cross arms at nakatingin siya dito.

Napatigil ang middle-aged man nang ilang segundo. Pagkatapos, naglabas pa siya ng ibang papeles, tiningnan niya nag mga ito,at tumingala para sabihin, "Nagresearch kami, Doctor Qin. Matapos ang ilang taon, napansin namin na hindi ka malapit sa kahit sinong babae."

"Bakit hindi niyo naisip na baka isa akong bakla?" tanong ulit ni Qin Chu.

"Dahil base din sa investigation namin, hindi ka rin masyadong lumalapit sa mga lalaki," sagot ng middle-aged man.

Hindi makapagsalita si Qin Chu; mukhang inimbestigahan siya ng mga ito ng mabuti. Tiningnan nila pati ang mga lalaki at babaeng nakapalibot sa kanya, siguro hanggang sa ancestors niya ay alam nila.

"Kunin mo 'tong mga documents na ito, hindi ko kailangan ng socialites," ma-pride na sinabi ni Qin Chu. Hindi siya deperado to the point na makikipag-blind date siya. Siguro nga hindi aabot sa hundred ang babaeng may gusto sa kanya, ngunit sa nakalipas na mga taon, eighty na babae ang nagconfess sa kanya. Iba't ibang klase rin ang mga admirers niya, pero walang nakaabot sa standards niya.

"Bakit ayaw mo? Ito ang paraan ng official bilang pasasalamat niya sayo."

"Sagutin mo nga ko, ibig sabihin ba nito ay pwede mangdukot ng babae ang official mo at sapilitang ipakasal siya sakin?" seryosong tanong ni Qin Chu.

Napangiwi ang middle-aged man sa tanong niya.

"Mukhang… hindi. Kahit gaano pa ka-powerful ang boss namin, labag sa batas ang mangdukot ng iba at pilitin siya magpakasal. Ito ay pinagbabawal, pinapahalagahan ng bansa natin ang ating human rights."

"Edi kalimutan na natin to. May minamahal ako, kaso di niyo siya kayang dukutin at ipakasal sakin, wala na kasi akong kailangan pa na iba."

"Baka pwede ka namin matulungan sa ibang paraan…?"

"Okay lang, hindi ko kailangan ng tulong niyo, makakaalis na kayo," pinapaalis na ni Qin Chu ang mga imbitadong guest.

Napabuntong-hininga ang middle-aged man at nag-isip, hindi sinabi ng batang ito kung ano ang gusto niya, paano ako babalik sa boss ko nang hindi ko nagagawa ang mission ko?

Kaya naman, siya na ang gumawa ng paraan…

- Makalipas ang tatlong araw -

Naglabas na ng official statement ang C City: Tatlong araw na ang nakakalipas, may isang high-level official ang bumisita sa Jing City para tingnan ang economic situation ng city. Natuwa ang official sa isa sa mga leading enterprises, ang GK Corporation.

Pagkatapos mailabas ang statement, madaming nagre-print at repost nito sa mga major media outlets…

Tumaas din ang GK's corporation stocks ng 25% pagkatapos ng araw na yun.

Sobrang natuwa si Qin Yumin nang makita niya ito sa news. Mukhang tama nga na pinasa niya sa anak ang GK.

Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng contact sa isang Jing City official, pero nakikinabang dito ang corporation.

- Kinagabihan –

8:30 PM na nang makarating si Qin Chu sa bahay.

"Chu, kumain ka na ba?" masayang tanong ni Mrs. Qin.

"Kumain na," sagot ni Qin Chu habang naakyat sa hagdan.

"Chu, nakita ko ang balita ngayon at mukhang pinatunayan mong mali ako. Curious tuloy ako kung paano mo na-contact ang misteryosong official na ito," pormal na tanong ni Qin Yumin habang nilalapag ang dyaryo na kanyang binabasa.

"Halos ibuwis ko ang buhay ko" tumalikod si Qin Chu pagkatapos ng maikling sagot.

Ito naman talaga ang totoo – kung may nangyaring masama sa surgery, paniguradong makukulong siya at mapipilitang kumain ng lugaw habangbuhay.

Madaming humahanga, naiinggit o naiinis sa exceptional exterior ng isang tao ngunit onti lang ang nakakaalam kung gaanong kadaming effort ang kailangan ialay para rito.

"Bakit ganyan siya umasta?" galit is Qin Yumin.

"Yumin, sobrang busy ng anak natin sa trabaho, kaya intindihin mo nalang. Ngayon, nasa stable pace na ang corporation, di ba ito ang pinakagusto mong mangyari?" pinapaboran ni Mrs. Qin ang anak.

- Sa First People's Hospital –

Habang nasa night shift, nakasalubong ni Huo Mian si Ning Zhiyuan sa hall.

Mukhang pauwi na ito galing sa trabaho. Nakasuot siya ng blue t-shirt, beige khakis at puting sneakers; mukha siyang malinis at maayos.

Nakalimutan niya na hindi na pala sila nagkikita nang mga ilang araw na.

"Huo Mian," pinigilan siya nito.

Tumingala siya at tumingin sa mga kalmadong mata ni Ning Zhiyuan, para ba siyang nakatingin sa isang katrabaho lamang.

Nalungkot si Ning Zhiyuan sa naging reaksyon ni Huo Mian, akala niya ay magiging masaya ito pagkakita sa kanya.

"May kailangan ka?" kalmadong tanong ni Huo Mian.