Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 20 - Hindi Karapat-dapat

Chapter 20 - Hindi Karapat-dapat

CHAPTER 20: Hindi Karapat-dapat

Kung pakikingan kung paano magsalita Ning Zhiyuan, mukhang kilala na niya kung sino si Qin Chu.

Sa totoo lang, hindi siya mahihirapang alamin ito. Madalas nasa finance newspapers at TV shows ang pangalan ni Qin Chu.

"Zhiyuan, kinausap ko siya ngayon at hindi ko na siya kikitain kahit kailan," matiyagang pagpapaliwanag ni Huo Mian. "Ikaw ang gusto ko makasama. Wag ka nang magalit, okay?"

"Parang maniniwala pa ko sa mga kasinungalingan mo. Sa tingin mo ba magpapakasal pa rin ako sayo? Kailangan muna mabaliw ako! Ano to, hihintayin kita makipag-affair ulit pagkatapos ng kasal?" pagkatapos, kinuha ni Ning Zhiyuan ang kanyang leather suitcase at dumiretso sa pinto.

Sinubukan ni Huo Mian pigilan siya. "Zhiyuan, kumalma ka na ba? Sigurado ka na ba sa mga sinabi mo?" Tanong niya ulit.

"Umalis ka sa dadaanan ko! Ayaw ko makipag-usap sayo. Kung tatanungin mo ko, mas makakabuti kung mag-resign ka na. Tutal, hindi makakaganda sa'tin kung parehas tayo ng ospital na pinagtatrabahuan. Ako ang doktor, kaya naman hindi ako ang dapat mag-quit. Nurse ka lang at hindi ganoon kahalaga. Bakit hindi mo hanapin yung ex- boyfriend mo at mamuhay nang mayaman?"

Galit na tinanggal ni Ning Zhiyuan ang kamay ni Huo Mian, malakas na binuksan ang pinto at umalis…

Habang pinapanuod niya si NIng Zhiyuan maglakad papalayo, nagulat si Huo Mian na wala siyang naramdaman ni katiting na lungkot.

Sa wakas nakahinga na din siya ng maluwag pero… bakit nga ba?

Nagulat siya nung na-realize niya…

Matapos ang ilang sandali, nilabas niya ang kanyang cell phone at nagsend ng WeChat message kay Zhu Lingling.

"Lingling, anong ginagawa mo ngayon?"

"Kakagaling ko lang sa flight at kumakain ako ngayon ng instant noodles."

"Tara inom tayo, kaka-break lang namin ng boyfriend ko. Dapat malungkot ako, tama ba?"

"Ahem… Naghiwalay na kayo? Anong nangyari? Nag-ibang bansa ba ulit si Qin Chu?"

"Please, girl. Si Ning Zhiyuan ang boyfriend ko ngayon."

"Oo nga pala. Dapat hiniwalayan mo na siya matagal na. Hindi naman siya ganoon nakakabuti para sayo."

"Oo na, tama na ang dadal. Sasama ka ba?"

"Syempre! Pag nakahanap ka na ng lugar, punta ako agad diyan."

Si Zhu Lingling, bestfriend ni Huo Mian ay totoo sa kanyang salita. Pagkalipas ng twenty minutes, dumating siya agad sa Dark Night Bar.

Bilang flight attendant, hindi mo makwekwestiyon ang appeal nito at mas lalo pa siya naging maganda sa suot niyang hapit na black dress.

Samantalang si Huo Mian ay mukhang hindi nandito para mag-enjoy. Sa totoo lang, mukha siyang waitress.

"Tara, andito tayo para magsaya. Bakit hindi ka man lang nag-ayos kahit kaunti? Wag ka nga umastang parang matandang dalaga."

Ngumiti si Huo Mian, "Wala naman talaga kasi akong damit."

Sa mga nagdaang taon, kalahati ng sweldo niya ay napupunta sa pagaaral ng kanyang kapatid habang yung isa pang kalahati, para sa bahay nila ni Ning Zhiyuan. Wala siya masyadong ginagastos para sa sarili niya.

Totoo na hindi marami ang mga magaganda niyang damit. Kahit yung dress na sinuot niya para sa high school reunion ay galing kay Zhu Lingling. Binili ito ni Zhu Lingling pero hindi niya ito nagustuhan kaya naman binigay niya ito kay Huo Mian.

Para sa isang twenty-four years old na maganda at batang babae, hindi niya pinagkagastusan ang sarili.

"Mian, hindi big deal ang pag-alis ni Ning Zhiyuan. Hindi niya alam kung anong nawala sa kanya. Sabi nga nila, may mga taong hindi alam na yung makakabuti sa kanila ay nasa harap na nila. Bulag siya kaya ka niya iniwan."

"Huwag mong sabihin yan. Hindi ako perfect katulad ng iniisip mo," mahinang sabi ni Huo Mian habang kinukuha ang kanyang cocktail glass.

"Sino nagsabi? Sa nakikita ko, one of a kind ka. Matalino ka at may IQ na 130 -- --"

"Okay, tigil na." Mabilis siyang pinigilan ni Huo Mian bago pa siya matapos. "Sinusumpa ko, sasabihin mo yan lagi habang nabubuhay pa tayo."

Ngunit, hindi naman mali ang sinabi ni Zhu Lingling. 24 palang si Huo Mian habang yung iba niyang classmate ay nasa 27 o 28 na. Lumaktaw kasi siya ng tatlong grade.

Maliban pa dito, natanggap siya sa 2nd High School, isang exclusive academy para sa mga mayayaman at may grade na 697.

Ang exam ay may 700 points lahat-lahat. Noong mga panahon na yun, naging isang sikat na event ito at na-feature pa siya sa isang dyaryo.

Buhay pa ang stepfather niya noon. Noong gabing yun, buong pamilya silang nag-celebrate sa isang five-star hotel para kumain sa isang luxurious buffet.

Ngayon, nag-iba na ang lahat…

Kung hindi siya nakipag-date kay Qin Chu, hindi niya sana nagalit ang Qin Family at hindi mamamatay ang stepfather niya.

Siguro mas maayos din ang buhay niya ngayon. Noong nasa second year high school siya, nakatanggap siya ng acceptance letter mula sa isang top school sa America at may kasama pa itong full scholarship.

Ngunit, hindi niya tinanggap ang mga ito para lang makasama si Qin Chu at ito ang napala niya, namatay ang kapamilya niya at naging magulo ang kanilang pamilya.

Bigla siyang may narinig na boses at natigil siya sa pag-iisip.

"Hi, Huo Mian, long time no see."

Inikot niya ang kanyang ulo at nagulat sa lalaking nakita niya.

"Bakit ka nandito?" biglang naging palaban si Huo Mian.