Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 23 - Nangangailangan ng Pera

Chapter 23 - Nangangailangan ng Pera

CHAPTER 23: Nangangailangan ng Pera

Hindi masyadong nakatulog si Huo Mian kagabi. May dark-circles na siya sa ilalalim ng kanyang mga mata. Tumayo siya at nagluto ng plain congee at dalawang omelette rolls, dadalhin niya ito sa Fourth People's Hospital.

Buti na nga lang night shift siya ngayong araw kaya free siya sa umaga. Kahit pagod siya, ayaw niyang hindi pumasok si Zhixin para lang alagaan ang kanilang ina.

"Ma, dinalhan kita ng pagkain."

"Umalis ka dito. Di ko kakainin yan," nagtatampo pa din si Yang Meirong.

"Kahit wala kang gana, dapat kumain ka pa rin. Masarap yan. Ako ang nagluto kaya siguradong malinis yan. Iiwan ko nalang ito dito."

Pagkaiwan niya ng breakfast sa mesa, naglinis si Huo Mian ng kaunti at lumabas na ng kwarto.

Pagkalabas ni Huo Mian, tiningnan ni Yang Meirong ang pagkain sa mesa, at tumunog ang kaniyang tiyan.

Tumingin siya sa may pintuan. Dahil mukhang hindi naman na babalik si Huo Mian, mabilis niyang kinuha ang pagkain at kinain agad ito.

Sa totoo lang, mainitin talaga ang ulo ni Yang Meirong pero hindi ito masamang tao. Hindi rin naman talaga ganoon kalaki ang pagka-ayaw niya sa anak niya. Sadyang hindi pa siya maka-move on sa pagkamatay ng asawa niya.

Sa loob ng doctor's office--

"Doc, umaayos na po ba ang kalagayan ng nanay ko?" nag-aalalang tanong ni Huo Mian.

"Umayos naman na ang kundisyon niya. Pwede na siya maka-uwi pagkatapos ng ilang araw pero kailangan niya pa rin inumin ang gamot niya para sa blood pressure."

"Sige po, salamat," pagkarinig na okay na ang nanay niya, nakahinga na rin ng maluwag si Huo Mian.

"Ngunit yung binayaran mong hospitalization fee ay hindi pa covered yung iba pang gastos, kailangan mo magbayad ulit," ipinaalala ng doktor sa kanya.

Nagulat si Huo Mian dahil nagbayad na siya ng seven thousand yuan para sa mga bayarin sa ospital nung isang araw. Kulang pa pala ito para sa mga susunod na araw. Naku po…

Maxed out na ang credit card niya nung isang araw. Idagdag mo pa ang gastusin para sa araw-araw nila Zhixin, sobrang wala na siyang pera.

Kung nangyari ito bago pa sila magbreak ni Ning Zhiyuan, panigurado makakahiram siya ng pera. Kaso, base sa mga nangyari, wala ng pag-asa.

Dahil wala na siyang choice, tinawagan niya si Zhu Lingling, mabilis naman itong nagbigay ng 10,000 yuan gamit ang banking app nito sa phone.

"Lingling, salamat!" nahihiyang pag-message niya sa kaibigan.

"Huwag mo sabihin yan. Kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang. Ang mahalaga ay ang health ng nanay mo. Huwag mo na alalahanin ang pera."

Napasaya ng husto ni Zhu Lingling si Huo Mian dahil sa reply niya. Sobrang nagpapasalamat siya sa pagkakaibigan nila.

Noong naaksidente ang stepfather niya, nag-offer ang Qin Family ng malaking compensation pero hindi ito tinggap ng pamilya ni Huo Mian.

Pinilit nilang hatulan ng death penalty ang driver bilang retribution. Ngunit sa huli, nakasuhan lang ito ng drunk driving at limang taong pagkakakulong.

Wala man lang silang natanggap na pera sa settlement. Ngayon, seven years na ang nakalipas, paniguradong nakalaya na ito sa kulungan.

Samantala, ang kanyang Uncle Jing ay mahimbing na natutulog pa rin sa North Hill Public Cemetery at kailaman hindi na magigising.

Kaya naman kahit ganun siya tratuhin o kamuhian ng kanyang ina, tatanggapin niya ito ng maluwag sa kanyang puso at sa nakalipas na seven years, hindi niya napatawad ang sarili.

"Ma, night shift ako ngayon at aalis na rin ako maya-maya. Magpahinga ka ha. Ako na bahala magpadala ng lunch at dinner mo. Walang pasok si Zhixin bukas kaya siya na ang magbabantay sayo."

"Umalis ka na," ganoon pa rin ang turing niya kay Huo Mian.

Galing doon, sumakay ng bus si Huo Mian papunta sa First Hospital.

Tiningnan niya ang kanyang relo pagkadating niya. May forty minutes pa siya bago magsimula ang shift.

Pagkasuot niya ng nurse's uniform, dumiretso siya sa ophthalmology building.

Gusto niyang subukan ulit na makipag-ayos kay Ning Zhiyuan. Naging sila rin naman for three years. Kahit walang maramdamang love sa pagitan nila, may natitira pa ring attachment dito kahit kaunti.

Hindi sobrang nakasara ang pinto pagdating ni Huo Mian. Kakatok palang siya nang marinig ang naglalandiang boses sa loob.

"Doctor Ning, nakakainis ka. Ginulo mo ang buhok ko."