Chapter 25 - Mga Utos

CHAPTER 25: Utos

Hindi lalagpas sa ten minutes ang paglalakad galing sa Obstetrics and Gynecology Department papunta sa Director's Office, pero inabot si Huo Mian ng fifteen minutes dahil sa mabagal nitong paglakad.

Si Director Wu Zhongxing ay higit fifty na, square face, matatalas na mata at old-fashioned gumalaw.

Kaya naman bilang nurse intern na nagtatrabaho para sa First Hospital ng less than a year, masaya si Huo Mian makilala ito sa personal.

Madalas niya lang nakikita ito sa hospital's official webpage. Base sa kanyang mga narinig, isang magaling na Othopedics professor ang Director noong kabataan niya.

Isa din siyang visiting professor sa Europe noon.

Di niya namalayan, na nasa labas na pala siya ng Director's Office. May nakatayong lalaki sa may pintuan, nakasuot ng crisp suit at gold-rimmed glasses.

"Ikaw ba si Huo Mian?" unang nagsalita ang ito.

"Opo."

"Hinihintay ka ng director sa loob. Pumasok ka na."

"Okay," tumango si Huo Mian. Kahit siya ay medyo kinakabahan, kumatok siya sa pinto.

"Pasok," isang malalim at seryosong boses ang nanggaling sa loob.

Pumasok si Huo Mian sa loob para makita ang director. Katulad ng inaasahan, parehas ang itsura nito sa mga litrato at sobrang puti ng physician's lab coat nito.

Kahit wala pa sa 60 years old ang director, may mga puting buhok na ito at kita na din ang wrinkles nito sa gilid ng kanyang mga mata.

"Ikaw ba si Huo Mian?" ang Director ang nag-umpisa ng usapan.

"Ako nga po."

"Lumapit ka at maupo," nakakagulat na friendly ang Director kaya naman mas lalong kinabahan si Huo Mian.

"Ayos lang po. Tatayo nalang po ako," nahihiya pa din si Huo Mian.

"Huwag kang matakot. Umupo ka muna at mag-uusap tayo," sumenyas ang director na umupo si Huo Mian.

Naisip ni Huo Mian na pag humindi siya ulit baka magmukha siyang walang galang. Kaya naman umupo siya sa black sofa.

"Here's the thing: Tinawag kita dito ngayon dahil may sobrang mahalaga akong ipapagawa sayo."

Tumango si Huo Mian, "Okay, Director. Please sabihin mo sakin. Kung ano man yan basta kaya ng capabilities ko, promise gagawin ko lahat ng makakaya ko."

"Kahapon, may isang official galing sa capital City of Jing para mag-inspect sa C City. Kaso biglang siyang nag-suffer ng acute cerebral hemorrhaging at dinala sa 'ting hospital's most exclusive VIP suite kagabi. Sa totoo lang, ang mga medical facilities natin at equipment ay hindi top of the line. Ngunit, nasa sobrang critical condition siya at hindi pa ganoon ka-stable kaya hindi siya pwede malipat ng ospital. Onting galaw lang ay pwede na ito magresulta sa isang severe intracranial hemorrhaging. Kaya naman nagkaroon ng emergency meeting ang mga executives at nagdesisyon na gawin ang craniotomy dito sa ospital natin. Gaganapin ang surgery three hours from now, at ang mga top neurosurgeons ang gagawa ng procedure."

Pagkatapos masabi ng Director ang lahat, tumango si Huo Mian. Naiintindihan na niya ang sitwasyon ngayon; ito ay sobrang seryoso.

Dahil galing ang official sa Jing City, paniguradong sobrang importanteng tao nito sa government. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit seryoso ang director tungkol dito.

"Director, anong kailangan ko gawin para makatulong?"

"Gusto kita maging scrub nurse para sa surgery na ito."

Biglang humindi si Huo Mian, "Director, bakit ako ang pinili niyo? Isa lang akong delivery nurse na nagtatrabaho sa OB/GYN Department at wala akong alam tungkol sa neurosurgery. Dapat si head nurse ang pinatawag niyo para mag-assist, hindi ang intern na katulad ko. Alam kong nakita niyo naman yung resume ko. Hindi ako graduate sa isang sikat na institution. Isa lang akong graduate galing sa isang advanced nursing program sa isa sa 'ting mga city's ordinary medical academies."

"Alam ko," sagot ng director.

"Kung alam niyo pala, bakit sa akin niyo binibigay itong responsibilidad? Hindi… ito isang makatwirang desisyon," kalmadong pagkasabi ni Huo Mian.