CHAPTER 18: Negosasyon
Walang imik na pinapaikot ni Qin Chu ang black ink pen sa kanyang kamay…
Tahimik din ang bente o higit pang executives sa room, pinipigil ang kanilang hininga sa takot na magulo ang isip niya. Ramdam mong tense ang paligid.
Matapos ang ilang sandali, nagsalita na din si Qin Chu at sinabing, "Ganoon ba? Paano ba yan na-reject ko na ito."
"Huh? Rejected? Bakit mo ginawa yun, President Qin? Tatlong buwan pinaghirapan ng department namin ang proposal at last year pinagplanuhan namin mabuti ang budget at business metrics nito. Paniguradong kikita ito at approved na rin ito ni Chairman."
Pagkarinig ni Qin Chu sa mga salitang ito, inangat nito ang ulo niya at tumingin sa Director of Land Development bago sabihin ang, "Nasa pamumuno ko na ang GK ngayon at di ko kailangan ipaliwanag ang mga desisyon ko. Kung di mo kaya tanggapin yun, magpasa ka na ng letter of resignation."
Pagkatapos niya bitawan ang huling salita niya, lumipad ang pen sa mesa, natakot at natahimik ang lahat.
Pagkatapos, lumabas na siya ng conference room…
Alam niyang kikita ang Greenfield Manor project, pero kung itutuloy nila ang pagtayo nito, sapilitang malilipat ang 2nd High School. Walang nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanya ang 2nd High School, katulad din sa pagmamahal niya sa isang babaeng pangalan ay Huo Mian.
-Sa loob ng opisina ng President-
"President Qin, may tawag para sayo. Sinagot ko ito pero di niya sinabi kung sino siya."
Ang secretary niya, si Yang, ay maingat na inabot sa kanya ang cell phone…
Pagkakita ni Qin Chu sa caller ID, bumalik ang sigla sa mga mata nito.
Tinawagan niya ito kaagad…
"Mian, hinahanap mo daw ako?"
"Qin Chu, mag-usap tayo," mas kalmado na ngayon si Huo Mian kaysa kanina.
"Sure, sunduin kita. Nasaan ka ngayon?"
"Hindi mo na kailangan gawin yan. Magkita tayo sa Café en Seine sa Half-Mountain Road."
"Sige, papunta na ako."
Pagkababa niya ng phone, ngumiti si Qin Chu. Ibang-iba ito sa Qin Chu na nasa loob ng meeting room kanina.
Halos malaglag ang panga ni Yang sa pagkagulat…
Simula ng maupo siya bilang president last week, kailanman ay hindi ito nakita ni Yang o ng iba ngumiti, kahit pa ang chairman.
Pero itong tawag na ito, napangiti si boss. Oh gosh…
Mukhang importanteng taong ang tumawag sa president kaya naman tinandaan ng secretary ang number nito para sa susunod na tumawag ito.
Gamit ni Qin Chu ang kanyang Audi R8 papunta sa kanilang tagpuan, dumating siya nang hindi lalagpas sa fifteen minutes. Samantalang, si Huo Mian ay naghihintay sa loob.
Malayo palang, makikita nang nakaupo ito sa may bintana.
Ang tanging nakikita palang niya ay ang gilid ng mukha nito pero dahil alam na niyang andito na ito, kinilig siya.
Sa loob ng seven years, siya lang ang laman ng isip niya at halos mabaliw siya sa kaka-isip dito…
Pinigilan niya ang kanyang sarili at mabagal na naglakad papasok…
Simple lang ang suot ni Huo Mian. Bago siya makipagkita kay Qin Chu, bumalik siya sa apartment para magpalit.
Nakasuot siya ng white pants at yellow shirt; simple lang pero may dating.
Tamad din maglagay ng makeup si Huo Mian maliban nalang kung may okasyon. Pakiramdam niya kapag pinapahid niya ang chemicals sa kanyang mukha, ito ay nagiging malagkit at dahil mukha naman ito walang anti-aging effects, hindi siya mag-aaksaya ng panahon para dito.
Naglakad papunta sa kanya si Qin Chu at umupo sa harap nito…
Bumalik sa wisyo si Huo Mian at kalmadong sinabi, "Anong gusto mo inumin?"
"Kung ano man yung iinumin mo," sagot niya.
"Pero tubig lang ang iinumin ko."
"Edi, tubig din ang iinumin ko," pagpipilit niya.
Alam ni Huo Mian na wala na siyang magagawa kaya tinawag niya ang waiter at sinabing, "Excuse me, pwedeng makahingi siya ng isang basong tubig?"
Tiningnan niya muna ang mukha na nasa harap niya bago magsalita, pamilyar ito pero distant.
"Qin Chu."
"Mhm."
"Mag-usap tayo."
"Sure."
"Ano ba talagang gusto mo sakin?"
"Gusto ko lang bumalik tayo sa dati," mabilis at walang pag-aalinlangang sagot ni Qin Chu.
"Ha, imposible yun, Qin Chu. Iba na ang mga bagay-bagay ngayon. Nag-iba na ang lahat," bitter na ngumiti si Huo Mian.
"Sorry, ngayon ko lang nalaman yung tungkol sa stepfather mo."
Nakakagulat, makikita na sobrang sincere si Qin Chu sa paghingi ng tawad.
Matagal na niyang kilala si Qin Chu, alam niya kung gaano kataas ang pride nito. Mahirap para kay Qin Chu ang umamin sa kanyang mga kasalanan.
"Hindi na mabubuhay ang patay, ano pa bang magagawa ng paghingi mo ng tawad?"
"Babawi ako sayo," dagdag ni Qin Chu.
Umismid si Huo Mian, "Babawi ka sakin? Gamit ang buhay mo? O ang pera mo? Alam mo bang nagkaroon ng hypertension ang nanay ko dahil nakipagkita ka sa kanya at ngayon nasa ospital siya? May isa ng namatay sa pamilya namin, ano pa bang gusto mo? Gusto mo rin ba mamatay ako? Tapos magiging masaya ka na, tama ba ako?"