Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 15 - Paghahamon

Chapter 15 - Paghahamon

CHAPTER 15: Paghahamon

Tumingin siya sa may bintana nang may kumplikadong expression sa kanyang mukha. Matagal din bago siya sumagot, "Bakit ba mahalaga kung mahal ko siya o hindi? Nangyari na ang mga bagay-bagay. Hindi na ito mababalik at wala rin mababago sa kung paano nangyari ang lahat."

Narinig ni Zhu Lingling ang sobrang pagkalungkot nito sa boses niya. Sobrang nasasaktan siya para sa bestfriend niya.

"Mian, noong nasa pa high school tayo, napaniwala niyo ako ni Qin Chu na pwede pala magkatotoo ang mga fairytale. Parehas kayong outstanding na tao… paano ba nahantong sa ngayon ang lahat? Sobrang sayang. May sasabihin ako pero huwag ka magagalit. Feeling ko hindi talaga bagay sayo si Ning Zhiyuan. Ang ibig ko sabihin, noong nasa school pa tayo, ikaw ay…"

Nagsalita si Huo Mian bago pa matapos ni Zhu Lingling ang kanyang sinasabi.

"Lingling, tigil na. Lahat yun nasa past na. Kahit ano pa itong nararamdaman ko kay Qin Chu, hindi na pwede maging kami ulit. Alam mo yung mga nangyari, yung insidente seven years ago, at kung ano ginawa noon sakin. Nawalan ako ng pamilya. Ano pa bang mas lalala doon? Hinihiling ko nga na sana ako nalang yung namatay noon. "

Sa point na 'to, parang naiipit ang boses ni Huo Mian sa kanyang lalamunan.

Alam ni Zhu Lingling ang mga nangyari. Itong insidente ang dahilan kung bakit nawala ang masiglang si Huo Mian at gusto nalang maging isang ordinaryong mamamayan.

Inilagay ni Zhu Lingling ang kanyang kamay sa balikat ni Huo Mian at sinabi, "Mian, makinig ka sakin. Matagal na yun, tama na ang paninisi mo sa sarili mo. Alam kong sinusubukan mong pagbayaran ito sa mga nagdaang taon pero hindi mo rin ito pwede isisi kay Qin Chu. Alam mo namang wala siya sa bansa natin ng ilang taon. Considering yung nararamdaman niya sayo, pakiramdam ko hindi niya alam ang mga nangyari."

"Ano naman? Member pa din siya ng Qin Family, di ba? Kaya ba niyang hindi pansinin ang mga bintang sa pamilya niya?" namumula ang mata ni Huo Mian.

"Mian…" mukhang madami pang gustong sabihin si Zhu Lingling.

Ngunit hindi na siya nakapagsalita dahil itinaas ni Huo Mian ang kanyang kamay. "Lingling, wala ka nang kailangan sabihin pa. Bestfriend kita, at alam kong iniisip mo lang ang nakakabuti para sakin, pero… hindi mo maiintindihan yung mga bagay na naranasan ko. Hayaan mo kong magdesisyon para sa sarili ko, okay?"

"Sige, basta kung ano mang maging desisyon mo, sana hindi mo sisihin ang sarili mo. Nakita ko kung paano ka naghirap nitong mga nakaraang taon. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ang high-and-mighty Huo Mian na kilala ko noon, yung taong hindi nagpapa-apekto sa mga taong nakapaligid sa kanya. "

Bitter na ngumiti si Huo Mian at hindi sumagot.

Ang gusto niya lang naman ay mag-enjoy kumain ng pork trotters pero dahil sa naging mabigat nilang usapan tungkol kay Qin Chu, nawalan siya ng gana kumain.

Hindi man lang niya nagalaw ang pagkain bago siya nagmamadaling umalis.

Habang pauwi, iniisip niya kung tatawagan niya ba si Ning Zhiyuan ulit kasi siya naman talaga ang unang may mali.

Pagkalabas niya ng phone para tumawag, nag-ring ito.

Lumabas sa screen ang number ng kanyang nakakabatang kapatid na lalaki.

Sinagot niya ito agad, "Zhixin."

"Ate, bilisan mo. Kailangan mo pumunta ng ospital. Nagcollapse si mama," puno ng pag-aalala ang boses ni Zhixin sa kabilang linya.

"Ano? Nagcollapse si Mama? Paano? Saang ospital? Pupunta na ako diyan kaagad."

"Nasa Fourth People's Hospital kami, malapit sa bahay. Seventh floor, room 709."

"Sige, pupunta na ako diyan kaagad."

Pagkababa, puno ng takot ang mukha ni Huo Mian. "Sir, please umikot ka. Sa may Fourth People's Hospital na po tayo pupunta."

Pagkatapos ng twenty minutes--

Nagmamadaling umakyat si Huo Mian at binuksan ang mga pintuan ng hospital room.

Ang kanyang nanay ay nakahiga sa kama, walang malay. Maputla ang mukha nito at nakasuot ng oxygen mask.

Sa tabi niya ay isang lalaki na nasa kanyang late teens at nakasuot ng itim na Nike tracksuit. Medyo mahaba ang buhok nito at may maamong mukha.

Siya ang half-brother ni Huo Mian, si Jing Zhixin, at related sila sa side ng nanay niya.

"Ate andito ka na."

"Zhixin, anong nangyari kay mama? Bakit wala ka sa school? Bakit kayo nasa ospital?"