CHAPTER 11: Imbestigasyon
Hindi alam ni Huo Mian kung paano siya nakauwi. Mag-isa siyang umupo sa dilim nang matagal at pakiramdam niya lahat ng mga nangyari ay isang panaginip lamang. Nararamdaman pa rin niya ang sakit ng sampal ni NIng Zhiyuan sa kanyang pisngi.
Kilala na nila ang isa't isa simula college at niligawan siya ni Ning Zhiyuan nang matagal. Pagkatapos ng mahabang pagpapasya, sinagot na niya siya. Wala man siya masyadong mapagmamalaki, naging mabait naman ito kay Huo Mian. Akala niya mamumuhay siya ng ganito ka-ordinaryo habangbuhay.
Hindi niya inaasahan na may mangyayaring ganito sa pinakahindi-magandang oras. Ginulo ni Qin Chu ang lahat sa kanyang pagbalik.
Maya't maya, bumalik na rin siya sa kanyang katinuan at tiningnan ang kanyang cellphone. Mahigit isang dosenang tawag ang natanggap niya galing kay Zhu Lingling.
May tatlo rin siyang di pa nagbabasang messages sa WeChat…
"Mian, bakit hindi mo sinasagot ang phone mo? May nangyari ba?"
"Mian, umalis agad si Qin Chu pagka-alis mo. Ano bang meron sa inyong dalawa? Sinusubukan niya ba kayong magka-ayos?"
"Mian, magsalita ka naman. Okay ka lang ba?"
Ang daming gustong sabihin ni Huo Mian ngunit sa sobrang lungkot ay wala na siyang gana magsalita.
Pagkatapos niya mag-isip ng matagal, nagreply siya sa message.
"Medyo pagod ako ngayong araw. Sasabihin ko sayo lahat pag nagkita tayo ulit. Okay lang ako, huwag ka mag-alala."
Nagreply agad si Zhu Lingling. "Okay, ang mahalaga, alam kong ayos ka lang. Mian, sana maintindihan mo na may mga bagay kang kailangan harapin someday."
Walang nakakaalam sa mga nangyari sa pagitan nila Huo Mian at Qin Chu maliban kay Zhu Lingling.
Bilang bestfriend ni Huo Mian buong high school, nakita ni Zhu Lingling kung paano sobrang magmahalan silang dalawa ni Qin Chu.
Kaso nga lang, naghiwalay ang dalawa pagkatapos ang isang insidente.
Kinuha ulit ni Huo Mian ang kanyang phone at tinawagan si Ning Zhiyuan pero naka-off ang phone nito.
Alam niyang, masyadong mabilis at masakit ang mga nangyari para kay Ning Zhiyuan.
Past niya ito pero siya ngayon ang nasasaktan. Sino ba ang dapat sisihin?
Habang nasa dilim, marahang bumuntong-hininga si Huo Mian. Alam niyang may mga bagay siyang hindi niya pwede takbuhan habangbuhay. Itong mga bagay na ito ay di kayang iwasan.
Sa city outskirts, sa may upper-class district --
Isang silver Audi R8 ang dumating sa loob ng isang malaking manor at nasa isang dosena o higit pang guards ang yumuko bilang respeto.
Ito ay huminto sa harap ng front door ng manor at lumabas si Qin Chu sa sasakyan nang walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Binuksan niya ang pinto at pumasok.
Biglang tumayo si Mrs. Qin, ngumiti at sinabing, "Chu, bumalik ka na pala. Hinihintay ka namin ng dad mo para kumain ng dinner. Tara,maghugas ka muna ng kamay mo."
Hindi sumagot si Qin Chu. Naglakad siya papunta sa dining room at tumabi sa kanyang tatay, si Qin Yumin. Tiningnan niya ang kanyang tatay ng may iba't ibang emosyon.
"Dad, may itatanong ako sayo."
"Ano yun?" pagkakita niya sa hindi maamong mga mata ng kanyang anak, hindi mapigilin ni Qin Yumin ang makaramdam ng pag-aalala.
"Dati ba, para mapaghiwalay niyo kami ni Huo Mian, anong ginawa niyo sa pamliya niya?"
Pagkatapos itanong ito ni Qin Chu, nag-iba ang expression nila Qin Yumin at Mrs. Qin.
"Chu, anong… pinagsasasabi mo?" matigas na ngumiti si Mrs. Qin.
Hindi sumagot si Qin Chu at patuloy lang ito nakatingin sa kanyang tatay, naghahanap ng sagot sa mukha nito.
Pumunta si Qin Chu sa abroad seven years ago at hindi pa nakakabalik simula noon. Hindi niya alam ang mga nangyari noong panahon na iyon.
Ngunit kanina, naramdaman niya ang sobrang pagkamuhi sa tono ni Huo Mian.
Paniguradong tama ang hula niya na may hindi magandang ginawa ang kanyang mga magulang sa pamilya ni Huo Mian.
Hindi mapakali si Qin Yumin sa tingin ng kanyang anak.
Matapos ang isang minuto, napatingin sa baba si Qin Yumin. Halata na ang sagot niya ay pag-iwas sa kanilang pinag-uusapan.
"Matagal na yun, bakit kailangan mo pang ibalik?"