Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 12 - Ang Katotohanan

Chapter 12 - Ang Katotohanan

CHAPTER 12: Ang Katotohanan

"Ang kailangan ko lang ay 'oo' o 'hindi.' Gusto ko ng kasagutan," pagkasalita niya, naging nakakatakot ang expression ni Qin Chu.

"Chu, ginawa namin yun para sa ikakabuti mo. Tapos na din naman ang lahat ng yun. Kaya naman…" tumayo si Qin Chu bago pa matapos ni Mrs. Qin Chu ang kanyang sasabihin.

"Sabi na nga ba."

Nakuha na niya ang sagot na hinahanap niya sa tono palang ng kanyang nanay. Inasahan na din naman niyang mangyayari ito. Umakyat siya papunta sa kwarto niya sa second floor nang walang imik.

"Chu, kumain ka muna bago ka umakyat para magpahinga," tawag ni Mrs. Quin sa kanyang anak, nagaalala sa kalagayan nito.

Imbes na makakuha ng sagot, ang tanging nakuha niya lang ay ang likod ng kanyang anak.

"Yumin… si Chu… hindi kaya… may gusto pa din siya yung babaeng yun? Ang tagal na nun at ngayong nakabalik na siya. Sana walang mangyaring masama. Ano sa tingin mo?" natakot si Mrs. Quin sa inasal ng kanyang anak.

Pagkatapos ng seven years, sa wakas nakabalik na din ang anak niya sa bansa. Ayaw niyang mag-away ulit sila tulad noon dahil lang sa isang babae.

"Hayaan mo siya. Malaki na siya ngayon at kaya nang magdesisyon para sa sarili niya," kinuha ni Qin Yumin ang kanyang chopsticks at pagalit na kumain.

Pagkabalik ni Qin Chu sa kwarto niya, inilabas niya ang kanyang cell phone at may tinawagan.

"May gusto ako patingnan sayo at kailangan ko agad as soon as possible," pagkasabi niya, binaba niya agad ang phone.

Pagkatapos, binuksan niya ang isa sa mga drawers at may nilabas na halos naninilaw ng picture.

May naka-ponytail na babae sa picture. Maganda siya at may distinct facial features. Sa bawat ngiti niya ay lumalabas ang kanyang dalawang dimples at napakacute tingnan ng mga ito.

Kahit pa malaki ang kanyang school uniform, maganda pa din siya.

"Mian, sobra kitang namiss."

Ang boses niya ay mababa at may halong pagkamalat habang sinasabi ito. Para siyang isang lalaking hopelessly in love.

Bumalik ang mga alaala niya tungkol sa eksenang makikita sa picture mula seven years ago.

Asul na langit, puting mga ulap, school grounds at… ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Kinaumagahan –

Maagang nagising si Huo Mian at sumakay ng bus papunta sa pinagtatrabahuhan niyang ospital. Pagkatapos niya magawa ang mga kailangan niyang gawin, inilabas niya ang nilutong pork bone soup nitong umaga at hinanap si Ning Zhiyuan. Gusto niya ipaliwanag ang mga nangyari kahapon.

Sa may Outpatient Ophthalmology Department –

Pagkapasok ni Huo Mian, nakita niya si He Man, isa sa mga nurses, dahan-dahan nitong bina-bandage ang sugat ni Ning Zhiyuan sa noo.

"Paano nangyari ito, Doctor Ning? Bakit masyado kang nagpabaya?" sapilitan na pinapataas ng nurse ang kanyang boses at ito'y nakakairita.

"Zhiyuan," mahinang pagtawag ni Huo Mian sa may pintuan.

Parehas na humarap sa kanya ang dalawa. Blangko ang mukha ni Ning Zhiyuan habang nakatingin kay Huo Mian. Hindi masabi kung ano ang nasa isip nito.

"Ah, Huo Mian, andito ka na pala. Sige mag-usap lang kayo, aalis na ako."

"Wag kang umalis," hinila bigla ni Ning Zhiyuan si He Man."Tapusin mo muna itong paggamot mo sa sugat ko."

"Doctor Ning, um… dapat yung girlfriend niyo na ang gumamot sayo," sabi ni He Man habang awkward itong tumatawa.

May gusto sanang sabihin si Huo Mian, pero bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang sinabi ni Ning Zhiyuan, "Hindi ko na siya girlfriend."

"Anong sabi mo?" napasimangot si Huo Mian.

"Ang sabi ko, nagbreak na tayo kahapon. Hindi na kita girlfriend at hindi ako karapat-dapat para sa isang katulad mo na isang upper-class girlfriend. So bakit hindi mo hanapin yung sobrang yaman mong ex-boyfriend? Madami siyang luxury cars at may mansion pa samantalang ako ay isang mahirap na doctor lang. Mas mapapasama ka lang kung sakin ka pa rin sasama!" galit na pagkakasabi ni Ning Zhiyuan.

Malalim na bumuntong-hininga si Huo Mian. "Zhiyuan," kalmadong sabi niya, "Andito ako ngayon para ipaliwanag sayo lahat ng mga nangyari kagabi."