Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 36 - One Wave Rush (2)

Chapter 36 - One Wave Rush (2)

Ang "Z Shake" ay isang mabilis na galaw na nagpapalit nang direksyon. Galaw sa kaliwa, galaw sa kanan, habang patuloy na tumatakbo pasugod. Kapag tiningnang mabuti ay para bang hawig ito sa letrang "Z". Pero kapag ginamit ang galawang ito nang mabilis, ang ginagalawang distansya ay masyadong maliit. At kapag natapos ito ng isang karakter, ay para bang hindi siya gumalaw kundi yumugyog lang.

Kung ipapakita lang na parang yumugyog lang ang karakter ay madaming nakakagawa nito. Pero para magamit nang isang manlalaro ang "Z Shake" sa totoong labanan, ay talagang magaling siya na eksperto. Ipinapakita dito kung gaano ka eksakto at tama ang mag dedesisyon at galawan ng manlalaro.

Hindi lang si Blue River, pero sina Thundering Light at ang mga iba pa'y naiintindihan ito. Sa mga panahong ito, habang sila'y nagugulantang sa nakitang husay at galing, nakita nilang tumakbo si Lord Grim papunta sa dalawang Goblins at tinamaan sila gamit ang kaniyang palad. Isang ihip ng hangin ang dumating at nagpalipad sa dalawang Goblins.

Level 15 Battle Mage Skill: Falling Flower Palm. Ang skill na ito'y may malakas na Blow Away effect, ang mga Goblins ay magaan, kaya gamit ang skill na ito'y tumilapon sila nang ilang mga metros palayo.

Hindi huminto para magpahinga si Lord Grim. Ang kaniyang pigura'y nawala at dumating sa ibang lokasyon. Ang lugar na iyon ay may dalawang Goblins. Sa pagpasok nang manlalaro sa kanilang lugar ay agad na ilalabas nila ang kanilang mga armas at aatake nang malapitan.

Sa oras na ito, si Lord Grim ay hindi lumapit sa kanila at nilagpasan sila. Sa harap, ang dalawang Goblins na tumilapon ay nakatayo na. Isa ay papatapon nang bato at ang isa ay nasa kalagitnaan nang paggamit sa Ice Arrow. Noong dalawang metros pa ang layo ni Lord Grim sa kanila, inilabas niya ang kaniyang battle lance. Pu pu, dalawang tunog. Ang bato ay hindi lumpiad at ang Ice Arrow ay natigil. Mabilis na iniwalis ni Lord Grim ang kaniyang batle lance at ang dalawang halimaw ay natumba. Umapak sa ibabaw nila, siya'y dumeretso.

Ang susunod na kalaban ay ang dalawang Goblins na nasa kaniyang harapan. Sa oras na ito'y ang isa sa kanila ay may dalang kahoy, habang ang isa'y gumagamit nang Ice Arrow. Noong lumipad ang Ice Arrow, mabilis na tumalon si Lord Grim at inilagan ang dalawang atake. Sa hangin, nakahanda na ang kaniyang lance at tinigil ang Ice Arrow ng Goblin. Pagkababa sa hangin, siya'y dumating sa likod nang isang Goblin na agad na bumaling sa kaniya, ang isa'y binunot ang kaniyang baston at hinabol siya. Itinaas ni Lord Grim ang kaniyang kamay at

ginamit ang Falling Flower Palm. Ang dalawang halimaw ay tumilapon at eksaktong tumama sa dalawang ranged Goblins at ang dalawang Goblins ay natigilan nanaman sa paggamit nang Ice Arrow at natumba.

Kagaya nito, lahat ng Goblin sa kahit na anong lugar, kahit na sila'y nakatayo o nagpapatrolya, ay nahila ni Lord Grim sa pamamagitan nang pag hatak o pagpapalipad sa kanila. Ang mga melee Goblins ay binunot ang kanilang mga malalaking baston at nagsisigawang hinabol si Lord Grim. Ang mga ranged ay abala sa paggamit nang kanilang mga skills. Bigla-bigla, ang Frost Forest ay napuno ng aktibidad. Sina Blue River at ang mga iba pa na nasa likod ay nagaatubili. Hindi nila matatanggi na si Lord Grim ay totoong mahusay, pero...ang paggawa niya nang ingay na para bang may mga asong tumatahol at mga ibong lumilipad; bakit parang may dumating na high-leveled na manlalaro para tapusin ang dungeon?

Sa mga oras na ito'y nawala sa paningin nila Blue River si Lord Grim. Sa harap nila'y madaming Goblins na nagsisigawan at nagiiyakan habang patuloy na hinahabol ang kung anong nasa harapan nila. Paano na si Lord Grim? Nalaman ni Blue River na buhay pa siya dahil sa dalawang mga rason. Una, sa kanilang party list, ang buhay ni Lord Grim ay nasa kalahati pa. Pangalawa, kasi nakikita nilang tumatalon-talon si Lord Grim. Sa isang iglap, ang kaniyang katawa'y hinarangan nang mga nagdadagsaang Goblins.

"Andun...Andun bente na ang nandoon!" Nangingilabot ang boses ni Returning Cloud, para magawa to habang isang Level 20, ay napakahusay at hindi kapani-paniwala.

"Hindi pa natin papatayin?" Inihanda na ni Lunar Grace and Doll Shururu.

"Gusto ko lang malaman kung paano siya babalik saatin." Tumingin si Thundering Light sa mga nagdadagsaang Goblins, ang kaniyang boses ay may paghanga.

"Hindi naman siguro niya gugustohin kung itatapon ko lang tong Doll Shururu nang ganito, hindi ba? Hindi ito gagana!" Nagaalalang sinabi ni Lunar Grace. Dahil may mga ranged at pangmalapitan na Goblins, masasabing sila'y dalawang hukbo ng Goblin. Ang isang hukbo'y may dalang mga baston habang naghahabol, at ang isang hukbo nama'y pumalayo at humahabol lang kapag nasa malayo na si Lord Grim.

"Anong plano niya? Wag mo akong tanungin, hindi ko rin alam." Sagot ni Blue River.

Pagkatapos masabi, biglang tumatalon-talon si Thundering Light. Gusto niyang makita ang mga pangyayari sa likod ng mga nakakumpol na halimaw. Kahit na nakakatawa ang kaniyang pagtatalon-talon, walang tumawa sa kanila. Mabilis na nagtanong si Blue River: "Ano ang sitwasyon?"

"Ang mga halimaw ay mainam na nakakumpol!" Tugon ni Thundering Light.

"Oh?" Parang nauudyok si Blue River na tumalon, pero bilang isa sa mga limang mga malalakas na dalubhasa sa Blue Brook Guild at ang Guild Leader sa ikasampung server, kinailangan padin niyang pangalagaan ang kaniyang dignidad. Ang resulta'y nagtanong nalang siya: "Paano niya ginagawa iyan?"

"Paano ko malalaman? Ang alam ko lang ay grupo grupo silang papunta dito." Habang sinasabi ito ni Thundering Light, patuloy siya sa pagtatalon-talon. Ang lahat ay biglang nakarinig nang sunod-sunod na sampalan.

"Falling Flower Palm! Tang**, ang sarap pakinggan nun!" Napasigaw si Thundering Light. Ang tatlo'y nakita na ang Goblin sa harap nila ay natuliro. Sinong nakakaalam kung ilang Goblin ang tumilapon sa Falling Flower Palm. Ang Goblin na may mga malalaking baston ay tumilapon at tumama sa mga ranged Goblins sa likod. Sa isang galawan, madami sa kanila ang tumumba. Ang field of view nila ay nabuksan at nakita nila si Lord Grim na hawak ang kaniyang lance sa kanang kamay. Ang kaniyang kasuotan ay bahagyang gumalaw kasabay nang hangin. Ang mga Goblins sa paligid niya'y nasa lupa, lahat ay magulo.

Ang screen ay hindi matagal na tumigil sa panahong iyon. Pero ang imahe at hitsura ni Lord Grim ay nakabakas na sa mga isip ng apat. Pagkatapos, ang mga Goblin na nagkakagulo ay nakatayo na at humandang sumugod. Tumalon si Lord Grim. Mabilis na humamak si Thundering Light: Anong ginagawa niya? Lilipad ba siya?"

Sa huli'y...

"Lumilipad siya. Talagang lumilipad siya." Bakas sa mukha ni Thundering Light ang pagkagalak habang sumisigaw.

Pagkatapos tumalon ang Lord Grim sa harapan nila, siya'y umikot at may narinig silang putok ng baril, pagkatapos ay tumilapon ang katawan ni Lord Grim papunta sa kanila. Sina Blue River at ang mga iba pa'y may nalalaman. Nakita nila na ang ginamit ni Lord Grim ay isang mid-air movement skill ng Gunner. Sa hangin, ang mga manlalaro ay ipuputok ang baril at gagamitin ang recoil para lumipad paatras. Mas malaki ang recoil, mas malayo ang kanilang liliparin. Ang recoil ay nagmukhang parang ginawa ito sa Rifle o mga matataas na kalibre ng baril. Pagkababa niya'y tumakbo siya sa likod ng apat.

Ang mga Goblin ay mabilis na bumaling at sinugod sila. Ang apat ay nagsimulang pagpawisan at mabilis na narinig nila ang boses ni Lord Grim: "Mages atake. Maghanda para gamitin ang Doll Shururu."

Tumingin sila sa harapan at nagulantang.

Sa mga panahong ito, ang mga sumusugod na Goblins; ang mga ranged ay inilabas ang kanilang mga atake na hindi gumagalaw habang ang mga melee Goblins ay nagpatuloy sa pagsugod papunta sa kanila. Lahat sila'y maayos na pagkahanay. Ito'y talagang pinakamagandang opportunidad para umatake.