Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 18 - Emperor (3)

Chapter 18 - Emperor (3)

"Ang stratehiya na iyan ay mula sa patnubay?" Hindi mga baguhang manlalaro sina Seven Fields at ang mga iba pa niyang kasamahan. Ang mga patnubay na nabasa nila ay walang kahit na anong sinabi tungkol sa mga sinabi ni Lord Grim sa kanila.

Pero kung totoo may mayroon ngang ganoong klase ng patnubay ay paniguradong tutuligsain ng lahat ang taong gumawa ng patnubay na iyon. At bakit? Ito'y dahil sa lubhang mahirap gawin ang mga sinabi ni Lord Grim.

Para dumepende sa isang manlalaro para mapuksa ang mga hindi mabilang sa dami na mga maliliit na gagamba, malamang ay walang kahit na sinong manlalaro ang mangangahas na magsabi na kaya nilang gawin iyon ng walang nagagawang pagkakamali.

Kapag kahit na isang gagamba lang ang nakatakas at nakagat ang isa sa kanila, paniguradong masisira ang lahat nilang plano. Marami ang maaring magawa ng Spider Emperor, kaya nitong tumalon sa ere, ibaon ang sarili sa lupa, at maglabas ng isang nakakamatay na hamog.

Sa lahat ng mga hidden BOSS sa dungeon na ito, ang Spider Emperor ang pinakamahirap talunin sa kanilang lahat. Kapag pinalibutan nila ang halimaw na iyon, at may biglaang mangyayari na mali ay paniguradong mamamatay silang lahat sa kamay ng Spider Emperor.

"Ano sa tingin niyo? Kaya niyo bang gawin ang kung ano ang sinabi ko kanina?" Pero tinanong pa rin silang lahat ni Ye Xiu.

"Sa totoo lang ay hindi naman tungkol sa amin ang problema, ito'y tungkol sa iyo. Masisigurado mo bang walang kahit na isang gagamba ang makakatakas sa mga kamay mo't makagat kami?" Sabi ni Sleeping Moon.

"Syempre, iyan ang dahilan kung bakit sinabi ko na sa inyong apat nakasalalay kung magtatagumpay ba ang lahat ng ito. Dahil ang Spider Emperor na ito ay lubhang mataas ang Level, malamang ay magiging mabilis ang takbo ng labanan, at hindi ko kayo maaring matulungan."

"Kapag inutusan ko naman kayo't umaksyon kayo batay sa mga sinabi ko ay magiging huli na ang lahat sa bilis ng takbo ng labanan. Kaya ngayon, ang labanang ito ay nakasalalay sa koordinasyon niyong apat. Ano sa tingin niyo? Kaya niyo bang gawin ang mga sinabi ko?" Nagtanong si Ye Xiu.

"Wala na ba talagang ibang paraan?" Nagtanong si Seven Fields. Sa totoo lang ay hindi talaga kampante sa kanilang sariling kakayahan ang apat.

"Sa mga Skill na kinuha niyo ay wala na akong maisip na iba pang paraan." Sabi ni Ye Xiu.

"Ginawa mo ang stratehiyang ito matapos makita ang mga Skill na kinuha at natutunan namin?"

"Tama."

Nagulantang silang lahat, para makabuo ng isang stratehiya batay sa mga Skill na natutunan at kinuha ng kaniyang mga kasamahan. Si Lord Grim ay hindi na maaring matawag na isang eksperto lamang, paniguradong siya nga ay isang eksperto sa mga eksperto...

Pero ngayon ay natatakot pa rin silang lahat dahil hindi na sila maaring dumepende kay Lord Grim sa paparating na labanan, kinailangan nilang gawin ang lahat nilang makakaya nang hindi humihingi ng tulong sa kaniya.

Nagdalawang-isip silang apat, pero hindi sila minadali ni Ye Xiu. Silang lima ay nakatayo lang sa labasan ng Spider Emperor's Den at tahimik na nag-iisip.

Pero sa mga sandaling ito ay biglang lumitaw ang isang System Announcement na nagsasabing: The first Spider Cave hidden BOSS kill has been completed.

Inihanda ni Seven Fields ang kaniyang sarili, at naisip niya na hindi naman siguro ito ang panahon para magdalawang-isip pa siya sa lahat. Dahil kung hindi naman talaga nila makakaya ang dungeon na ito ay maari naman silang sumuko at umalis.

"Subukan kaya natin?" Tiningnan ni Seven Fields ang tatlo niyang kasamahan. Matapos makita ng tatlo ang System Announcement ay para bang nabuhayan sila't nagkaroon ng tiwala sa kanilang sarili, dahil dito ay hindi sila nagdalawang-isip na sumagot.

"Tara!" Naging kinatawan si Seven Fields sa kanilang lahat, at idineklara niya ang kanilang desisyon kay Lord Grim.

"Sapat na ang apat na tayo para sa stratehiyang ito. Alalahanin niyo kung papaano niyo ginawa ang mga nakaraan nating ginawa sa Spider Cave. Kapag naalala niyo iyon ay bilis-bilisan niyo lang, at saka. Huwag niyo masyadong isipin ang lahat, makiramdam lang kayo." Sabi ni Ye Xiu.

"Sige."

"Sisimulan ko na ang labanan." Sabi ni Ye Xiu at pinatakbo niya si Lord Grim sa lagusan ng kuta. Pero hindi siya pumasok, itinaas lang niya ang kaniyang armas at kaagad na tumalikod para balikan silang lahat.

"Tapos na?" Natulala ang apat.

"Tapos na." Sabi ni Ye Xiu.

Hindi mapigilang mapakalmot ang apat tungkol sa nangyari. Papaano niya inatake ang Spider Emperor nang hindi pumapasok sa lungga?

Wala silang nakitang kahit na anong ginamit niya para magawa iyon, pero bigla nilang naalala na maari palang magawa ng mga manlalarong may class na pang-malayuan ang ganoong klase ng pagsisimula sa labanan!

"May dala ba siyang baril?"

"Sigurado akong may dala siya."

Habang nag-iisip sila ay bigla silang nakarinig ng sigaw mula sa loob ng lungga. Ang Spider Emperor na masarap na sana ang pagtulog ay biglang nagising. Isang lindol ay yumanig sa buong kweba at alam nilang lahat na papalabas na ang Spider Emperor.

"Maghiwa-hiwalay kayo sa kaliwa, at kanan!" Sumigaw si Ye Xiu, at kaagad naman sinunod nila Seven Fields ang kaniyang utos. Deretsahang nagbulwak ng lason ang Spider Emperor at tumalon para atakihin si Lord Grim.

Imbis na umatras ay sumugod si Lord Grim, at sa mga sandaling tatamaan na sana siya sa atake ng Spider Emperor ay bigla siyang yumuko. Kasabay ng isang malakas na putok ng baril ay lumusot siya sa ilalim ng Spider Emperor.

"Hindi ba sabi ko sa inyo na may dala siyang baril!" Sigaw ni Drifting Water.

Si Lord Grim na sumuot sa ilalim ng Spider Emperor ay biglang tumalon sa itaas, sa isang kumpas ng kaniyang kamay ay bumaon ang kaniyang Lance sa pwetan ng Spider Emperor.

Gamit ang lakas sa ginawang pagtalon ng Spider Emperor sa kaniya ay sinipa niya ang halimaw na iyon sa apat niyang mga kasamahan na nakaantabay sa isang tabi.

"Sige!" Sigaw ni Ye Xiu, at ang apat ay gumalaw habang naguguluhan. Hindi nila inakala na magiging ganito kabilis ang takbo ng labanan.

"Sisimulan ko na!" Sumigaw si Seven Fields at lumapit para atakihin ang halimaw.

"Ako naman." Sumunod naman si Sunset Clouds.

Sumunod sa kaniya ay si Drifting Water.

"..." Walang nagawa si Sleeping Moon kundi ang sumunod nalang.

Sa mga sandaling natapos ni Sleeping Moon ang kaniyang atake ay nagsalita si Seven Fields: "Nasa cooldown pa ang aking mga skill!"

"Nagmadali ka kasi." Lumapit na ang Lord Grim ni Ye Xiu sa Spider Emperor at sinaksak ang dambuhalang gagamba na iyon para hindi ito makagalaw.

"Bilisan niyo't pakiramdaman niyo na ang isa't-isa" Dineretso ni Ye Xiu ang kaniyang Lord Grim sa mga maliliit na gagambang lumitaw sa paligid.

"Sige!" Sabi ni Seven Fields, hindi gaya ng kanilang inaasahan ay naging mabagal ang Spider Emperor sa paggamit ng kaniyang mga skill. Dahil dito ay nagawa pa rin nilang tulungan si Lord Grim habang patuloy na pinapatigil ang galaw ng Spider Emperor.

"Masyadong mabilis pa rin..." Matapos subukang muli ay nasa cooldown pa rin ang mga Skill ni Seven Fields.

"Huwag kang mataranta, pakiramdamam mo lang." Paalala ni Ye Xiu.

"Mabilis, nagmadali si Drifting Water."

"Mabilis pa rin, si Drifting Water na naman."

"Mabilis pa rin, ngayon kasalanan ito ni Little Moon Moon. Naging maganda ang pag-aakma ni Drifting Water sa sitwasyon." Tinulugan silang lahat ni Ye Xiu habang kinakatay ang mga maliliit na gagamba sa paligid niya.

Nagpatuloy sa pagbagsak ang Health ng Spider Emperor. Hindi nagtagal ay mas lalong dumami pa ang bilang ng mga maliliit na gagambang lumilitaw sa paligid.

"Sige, naging maganda ang ipinakita niyo ngayon, alalahanin niyo kung papaano niyo ginawa iyon, at ipagpatuloy niyo lang!" Sa wakas ay naging tama na ang bilis ng kanilang pag-atake sa halimaw.