Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 23 - Pagreretiro ni Ye Qiu (2)

Chapter 23 - Pagreretiro ni Ye Qiu (2)

Inimbita ng Club si Sun Xiang, kabilang sa mga eksperto ng bagong henerasyon ng Alliance. Nabawasan kahit papaano ang lungkot ng mga tagahanga ng Excellent Era Club dahil sa balitang ito. Ngunit paano naman ang hari ng mga hari? Ang hari ng unang henerasyon? Wala siyang magagawa kung hindi magtiis mag-isa at malungkot na umalis sa Club.

Kahit na nagmumukha siyang kalmado, hindi siya masaya dahil labag ang pag-alis niya sa kanyang kalooban. Nindi niya pa rin kayang isipin na tapos na ang professional career niya sa Glory. Gusto niya pa ring lumaban. Pero wala naman siyang magagawa. Tanggapin ang kondisyon na ibinigay sa kanya at maging training partner sa Club? Ipapahiya niya lang ang sarili niya kapag ginawa niya iyon. Nakikita at alam ni Ye Xiu kung ano ang tunay na pakay nila. Kilala siya ng Club at alam nilang hindi siya papaya sa ganoon. Alam nilang mas pipiliin niyang umalis sa Club. Kaya malakas ang loob ng Club nang pinipili siya ng mga ito. Kahit na tanggapin ni Ye Xiu ang isa pang kondisyon, alam niyang hahanap lang ng ibang paraan ang Club para pilitin siyang umalis.

Kahit na hindi tama ang ganitong paraan, sa mata ng mga negosyante, ito na lang ang nag-iisang paraan. Dahil sa commercialization ng Alliance, naging walang puso ang buong Alliance.

Ang tanda ni Ye Xiu ay hindi pa umaabot sa edad ng pagreretiro. Alam din ng Club ang puntong ito. Maliban sa pagtanggal ng pabigat na si Ye Xiu, gusto rin nilang siguraduhin na makuha siya ng mga kalaban at tumaas ang impluwensya at kapangyarihan. Takot silang mangyari iyon. Mas pipiliin nilang permanenteng mawala si Ye Xiu kaysa kalabanin siya.

Pagreretiro ni Ye Xiu ang nag-iisang naisip nilang paraan. Tiyak naman ang nagging tagumpay nila. Kahit na nakita ni Ye Xiu ang pakay ng mga ito, wala naman siyang magagawa kundi gawin ang gusto nilang mangyari at umalis. Kakalabanin niya ba ang buong Club para lang sa gusto niya? Wala naman siyang balak gawin iyon dahil delikado at may isa pa namang paraan. Isang taon ng pagreretiro, pwede niya namang gawin iyon at hindi naman siguro gaano kasama ang ganito. Kung ang kapalit ng paghakbang niya pabalik ay isang napakalaking at maraming oportunidad, bait hindi? Kaso nga lang parang masyadong malaki ang hakbang na ito.

"Tapusin na natin ang araw na ito…" Nang nagpakita ang pangungusap na ito, hindi na kinaya ni Ye Xiu ang manood. Halata naman para sa kanya na sinasadya ng programang ito ang pagpukaw ng emosyon hanggang sa puntong nagsi-iyakan na ang mga tao sa Café. Pero sila na nalulungkot ngayon, sino sa kanila ang makakakumpara sa kanya? Sumiksik si Ye Xiu sa kumpol ng mga tao para makaalis. Tumayo lang siya sa bungad ng pinto at bumuntong hininga. Sa kanyang gulat ay may narinig siyang humahagulgol. Humarap siya sa pinanggalingan ng tunog. Hindi niya inakalang si Chen Guo pala iyon. Mag-sa siya sa likod ng pinto. Pati siya ya may mugtong mata.

Nakita nila ang isa't isa. Hindi naman tama kung hindi siya babati kaya sinubukan ni Ye Xiu kausapin si Chen Guo: "Boss, umiiyak ka ba?"

"Hayop ka. Hindi ka man lang nalulungkot?" Sabi ni Chen Guo.

"Sobra, kung hindi napigilan, hindi pa dapat sumabog na 'to ngayon?" Sagot na lang sa kanya ni Ye Xiu.

"Pakamatay ka na!" Mura ni Chen Guo sa kanya, "May papel ka ba diyan?"

Sinubukang maghanap ni Ye Xiu ng papel sa sarili niya: "Gagana ba itong kahon ng sigarilyo?"

"…"

"Kukuha na lang ako." Hindi niya na hinintay pang sumagot si Chen Guo, tumakbo na agad siya papasok ng Internet Café para maghanap.

Lumakas pa lalo ang mga hagulgol kumpara kanina. Babae man o lalaki, karamihan sa lahat ng tao sa Internet Café ay umiiyak. Ngayon, hindi na mapigilan ni Ye Xiu ang malungkot. Kilalang-kilala niya kung sino ang iniiyakan ng mga ito ngayon. Habang iniisip ito, hindi na mapigilan ng mata niyang lumabo dahil sa luha. Buti na lang ay hindi tumulo ang mga ito. Mabilis na pinuntahan ni Ye Xiu ang kahero para manghingi ng bag ng papel na tuwalya. Pagkalabas niya ay inabot niya ito sa kamay ni Chen Guo. Sumandal siya sa pader at nagsindi ng sigarilyo.

"Anong ginagawa mo? Iiyak ka na rin ba? Kailangan mo ba nito?" Nilapit sa kanya ni Chen Guo ang bag. Nasenyasan ata siya nito.

"Paano yun? Bakit naman aako iiyak?" Humarap si Ye Xiu kay Chen Guo at nagbuga ng usok sa mukha niya. May luha na naman sa mata ni Chen Guo kahit kakapunas niya pa lang kanina rito.

Winagayway ni Chen Guo ang kamay niya para mawaksi ang usok na ibinuga sa kanya. Hindi inaasahan ni Ye Xiu na hindi siya sinigawan ni Chen Guo at binalik na lang sa kamay ni Ye Xiu ang mga papel na tuwalya. Tinalikuran niya lang si Ye Xiu at bumalik na sa loob ng Internet Café.

Sumandal muli si Ye Xiu sa pader at tahimik na nanigarilyo. Naglabas siya ng panyo at nagpunas ng sipon. Naglakad siya papunta sa maliit na kainan.

Pagkatapos kumain ni Ye Xiu hanggang kabusugan, bumalik na siya sa Internet Café na may pantingi pa sa bunganga niya. Naabutan niyang tapos na ang programang pangkomemorasyon sa pag-alis ni Ye Qiu, pag-alis niya. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin gumagaan ang mabigat na hangin sa loob ng Internet Café. Karamihan ng mga tao ay namumula na ang mata. Buti na lang at ramdam nilang marami silang katulad kaya wala silang ikakahiya. Sa kabaliktaran, ang mga may kalmadong ekspresyon sa kanilang mukha ay nakikita nila bilang pusong batong mga halimaw. Kapag hindi mo sinabing naglalaro ka ng Glory, ikaw ang mapapahiya kapag babati ka ng iba.

Hindi alam ni Ye Xiu kung saan nagpunta ang Boss Chen niya kaya dumiretso na lang si Ye Xiu sa kahero para magtanong. Maliban doon, gusting-gusto niyang tanungin kung bakit ipinalabas ang programa kanina.

Iyon naman pala ay sa bawat beses na may kompetisyon sa Glory, ipinapanood ng Internet Café ang live stream nila. Kahit na walang kompetisyon ngayon, ang mga malalaking balita katulad ng pagreretiro ni Ye Xiu ay ginagawan ng mga e-sports stream o espesyal na mga programa. Bilang resulta, ipinapakita rin ito ng Happy Internet Café.

'Yun naman pala ay sa bawat pagkakataong may kompetisyon sa Glory, ipapanood ng Internet Café ang live stream nila. Wala namang kompetisyon ngayon ngunit ang mga napakalaking bagay para sa mundo ng e-sports katulad ng pagreretiro ni Ye Xiu, ginagawan ng mga e-sports stream o ng mga espesyal na programa ang mga ito. Bilang resulta, ipinapakita din ito ng Happy Internet Café na para bang kompetisyon ito.

Dati, pagkatapos ng stream ng kompetisyon, maraming magagalit at didiretso sa kanilang units para maglaro ng Glory. Sobrang sigla pa nila sa bawat beses na may ganito. Lagi pang napupuno ang Internet Café noon at ang kanilang kinikita ay tumataas ng todo. Ngunit ngayon, pagkatapos ng stream, maraming umalis na may kasamang bihirang lungkot. May mga ibang umalis agad at umuwi para lang umiyak sa kanilang unan. May ibang lumabas para maglasingan. At siyempre, hindi lahat ay tagahanga ni Ye Qiu. May mga konting walang pakialam sa kanyang pagreretiro. Ngunit naapektuhan sila ng kabuuang atmospera. Kahit na tuloy lang sila sa paglalaro, ramdam nila na para bang may kulang at pati sila ay naging matamlay.

Parang sobrang tahimik ng Internet Café ngayon Kung isa lang ito sa mga ordinaryong araw, suot-suot ng lahat ng mga Glory players ang kanilang headphones at masiglang nagsisigawan.

Habang nag-iisip si Ye Xiu sa kung ano ang gagawin niya, nakita niya si Chen Guo na bumababa ng hagdan. Pumunta siya kay Chen Guo at nagtanong, "Boss, magsisimula na ba akong magtrabaho ngayon?"

"Oo." Sagot ni Chen Guo, "Pero habang nagtratrabaho ka, hindi pwedeng kung saan-saan ka uupo. Kailangan mong umupo sa kahero para mapanood mo ang buong Café."

"Pwede ba akong maglaro?"

"Pwede, basta iyon yung gamitin mo." Tinuro ni Chen Guo ang computer na ginagamit pa ng isang empleyado para manood ng K-Drama.

"Pwede ba akong manigarilyo?" Tanong ni Ye Xiu.

Walang magawa si Chen Guo kundi tumango. "Oo na. Pwede na. Pero pagdating ko rito sa umaga, dapat wala akong maamoy na usok at makikita na abo ng sigarilyo."

"Masusunod." Sabi ni Ye Xiu.

Pagkatapos noon, tinuruan ni Chen Guo si Ye Xiu kung paano magbukas at magpatay ng mga unit para sa mga kliyente. Sa huli, sinabi niya kay Ye Xiu, "Madalas ang mga kliyenteng mahilig mag all-nighter sa mga ganitong oras. Pag alas onse na, nakarating na rito ang mga kliyente at kinaumagahan, ang mga computer nila ay kusang mamamatay kapag alas siete. Wala ka naman masyadong gagawin. Basta nandito ka, ayos na 'yon. Kapag may problema naman sila, malalaman mo."

"Paano kung may magloko na computer?" Tanong ni Ye Xiu. Kahit na hindi siya mangmang sa mga computer, hindi niya pa rin naman kayang mag-ayos ng nasirang ganito.

"I-restart mo." Sagot sa kanya ni Chen Guo.

Pinunasan ni Ye Xiu ang pawis niya: "Paano kung hindi gumana iyon?"

"Palit ng computer station."

Pinapawisan na naman ulit si Ye Xiu. Magtatanong sana ulit siya pero naunahan na siya ni Chen Guo: "Nasa night shift ka. Maraming bakante na computer stations kaya pumili ka na lang ng kahit ano. Pero isulat mo kung ano ang problema ng computer na iyon, maghahanap ako ng mag-aayos noon kinabukasan."

"Okay. Naintindihan ko." Tumango si Ye Xiu habang sinasabi niya iyon.