Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 24 - Dungeon Record

Chapter 24 - Dungeon Record

Mukhang payapa na muli si Chen Guo na para bang hindi niya iniyakan ang pagreretiro ni Ye Xiu. Maingat niyang inulit ang mga kailangang malaman ni Ye Xiu at naghanap ng kahit anong station para maglaro ng Glory.

Tumayo si Ye Xiu malapit sa kanya at tumingin-tingin sa screen niya. Nakita niyang pumasok si Chen Guo ng arena at nakipag-PK. Pero halatang may iba siyang iniisip dahil habang nakikipag-PK, marami siyang nagagawang mali na karaniwang nagagawa ng mga low-skilled na manlalaro. Pagkatapos maglaro ng tatlong beses, nag-log out na siya sa laro. Lumingon siya at nakita si Ye Xiu na nakatayo sa tabi-tabi at nagtatanggal ng tinga na para bang wala siyang magawa. Pagkatapos samaan ni Chen Guo ng tingin si Ye Xiu, tumakbo na siya pabalik sa ikalawang palapag.

Tiningnan ni Ye Xiu ang oras. Halos wala nang natirang oras bago niya kailanganing magtrabaho mamayang alas onse. Mukhang alam rin ng empleyado sa kahero ang oras niya dahil sakto ang pagtatapos ng K-drama na pinapanood niya. Pagkatapos matapos ng pinapanood niya ay sakytong alas-onse na. Tumayo ang empleyado mula sa kahero at ngumiti kay Ye Xiu: "Kuya Ye, mauna na ako."

"Sige lang!" Matagal nang hinintay ni Ye Xiu ang computer. Hindi lang ang empleyado ssa kahera kanina ang natatapos magtrabaho ng alas onse. Hindi kasing konti ng pang-magdamagan ang pang-umaga at pang-gabi. Hindi sapat ang isa para alagaan ang lahat. Hindi pamilyar ang mga empleyado ng Internet Café si Ye Xiu pero kilala nila ito. Lahat sila ay nagpaalam sa kanya at isa-isang umalis.

Parang may malaking kulang sa Internet Café. Rinig na rinig ang tunog ng mga mouse at keyboard ngunit kumpara sa masiglang reaksyon sa pagbubukas ng tenth server kagabi, bumaliktad ang lahat. Nang naisip na Ye Xiu na dahil ito sa balita ng kanyang pagreretiro, mahinang napabugtong hininga si Ye Xiu at umupo sa harap ng computer.

Pagkatapos isalpak ang kanyang account card at maglog in sa Glory, maraming mensahe ang bumungad sa kanya. Galing pala iyon kay Seven Fields at ng mga kasama niya. Nakalinya silang bumati sa kanya.

"Nag-iinarte na naman ba?" Naisip ni Ye Xiu ang batang iyon.

"Hindi, pero hindi maganda ang kalagayan niya ngayon. Hindi ba naibalita yung pagreretiro ni Ye Qiu ngayon? Gustong-gusto niya talaga si Ye Qiu kaya sobrang lungkot niya ngayon. Hindi niya kayang pumunta para maglaro ngayon." Sabi ni Seven Fields.

"Hindi alam ni Ye Xiu kung matatawa ba siya o maiiyak. Hindi niya naisip na isa si Sleeping Moon sa mga tagahanga niya. Kapag hinayaan niyang malaman na siya si Ye Qiu at kamuhi-muhi't kapal mukha niyang inataake ang kanyang idolo, hindi niya alam kung ano ang iisipin ng batang ito.

"Kung kulang tayo, hindi gaano kadali ang pagpatay ng mga hidden BOSS sa Spider Cave." Saad ni Ye Xiu.

"Magdagdag na lang tayo ng kahit sino?" Patanong na mungkahi ni Seveen Fields.

"Punta na lang kaya tayo sa Skeleton Graveyard?" Saad ni Ye Xiu.

"Sige! Sige!" Agarang pagsang-ayon ni Seven Fields.

Ang Skeleton Graveyard ay isang Level 15-20 dungeons. Matagal na itong naiisip ni Seven Fields at iba pa. Umaasa din silang papamunuan sila ni Ye Xiu para makakuha na naman ng mga bagong first clear. Pero ang iniisip at ang kailangan ni Ye Xiu ay iba sa kanila. Walang pakialam si Ye Xiu sa karangalan ng pag-first clear ng dungeon. Maliban doon, para makakuha ng first clear, kailangan din nilang manatili sa tuktok ng leaderboard ng mga may pinakamataas na level. Walang paraan si Ye Xiu para gawin ito. Hindi dahil kulang ang kanyang kakayahan ngunit dahil wala siyang sapat na oras para gawin ito.

Sa umaga nang mag-offline siya, panglima si Lord Grim sa level standings ng tenth server, ngunit ngayon? Binuksan ni Ye Xiu ang standings at tumingin ulit. Wala na nga ang pangalan ni Lord Grim doon. Ang mga layers na nasa tuktok ng rankings ay mga Level 22.

Bakit? Dahil ang players galing sa mga big guild ay nakaayos para mag-level up ng napakabilis at kunin ang lahat ng first kills. Ang isang account ay ginagamit ng dalawa o tatlong players para online ang karakter ng 24 oras. Naglaro sila gamit ang wheel tactics, binubuo ang kakulangan nila sa kakayahan ng matinding sipag. Kahit gaano kagaling si Ye Xiu, hinding-hindi siya mananalo laban sa kanila kahit ano pa ang gawin niya.

Dahil ditto, ordinaryo lang ang rewards na nakukuha ng mga nakakafirst clear. Maliban sa magandang pangalan, ipinapakita nito na nataasan ng leveling speed nila ang kanilang tunay na kakayahan.

Sa paghahambing, ang dungeon clearing records ay nagpapakita ng mas tunay na representasyon ng kakayahan at lakas.

Ginagamit ng record na ito ang oras para pangsukat. Sa umpisa, maglalagay ang system ng oras. Kapag may grupong nakatalo nito, ang oras nila ang magiging bagong record. Kapag may nakatalo na naman ditto, magpapalit ulit ang record. Pault-ulit an record breaking na ito ay pauliy-ulit na ginagawa at marami ang binibigay na rewards. May 100% pag-asang magbibigay ito ng Purple equipment at ang iba pa ay kung anu-ano.

Ang ganitong karangalan ay wala sa beginner are dahil magsisimula lang ito sa Level 20 pataas na dungeons. Tumingiin si Ye Xiu at nakita na tapos na ang first clear ng Frost Forest. Natalo na rin ang orihinal na system record. Sa likod nito ay nakalagay kung ilang beses itong natalo. Sa kasalukuyan, natalo na ang record ng tatlong beses. Ang kasalukuyang record ay galing sa Herb Garden. Ang kanilang record ay 26:12:48 (min:sec:ms) kaninang 18:23.

Napakamot si Ye Xiu sa ulo niya na para bang nahihiya ng konti. Hindi niya gaano maalala ang detalye ng dungeon ngunit alam niyang matatalo a naman ang record na ito. Ang player na may pinakamataas na level ngayon ay Level 22 ngunit ang mga pinal na record ay kadalasang tinatakda ng grupo ng mga Level 25. Pero kapag lagpas Level 25 na ang player, hindi na bilang iyon sa record.

"Kuyang mahusay, nakarating na tayo sa Skeleton Graveyard." Nagmenssahe na si Seven Fieldds ngayon. Ang level nilang lahat ay nanatiling pareho sa level noong nag-oofline sila. Parang katulad lang ila si Ye Xiu na natutulog sa umaga.

"Okay, pupunta na ako kaagad diyan." Kinontrol ni Ye Xiu si Lord Grrim para pumunta sa Skeleton Graveyard. Makakapunta na san asila kaagad sa dungeon pagkalagpas nila ng Level 15 ngunit ang pagtaas ng level ng Thousand Chance Umbrella ni Ye Xiu ay nangangailangan ng napakaraming "Strong Spider Silk". Kahapon, direktang tinapat ni Ye Xiu ang kanyang mga demanda kila Seven Fields at ng mga kasamahan niya. Ang ibig sabihin niya ay pagkatapos maabot ang Level 15, maaari silang magpalit ng dungeons ngunit hindi siya sasama. Sa huli, naiwan din ang apat at sinundan si Ye Xiu sa Spider Cave.

Pagkatapos ng lahat ng ito, hindi pa rin ssapat ang nakuha niyang "Strong Spider Silk". Ang ganitong mga materyay ay may 100% drop rate mula sa Spider Emperor at ang mga normal na BOSS ay may mababang porsyento ng drop rate. 11 beses silanng nagclear ng dungeon. Nakatagpo sila ng tatlong hidden BOSS. Isa sa kanila ay ang Emmperor na nagdrop ng 5 "Strong Spider Silk". Ang dalawa pang idden BOSS ay Spider Waarriors na hindi nagdrop ng ganoong material. Mula saa ibang BOSS, nakakuha siya ng pito. Karagdagan sa apat na nakuha niya sa first kill, mayroon siyang 16 sa kabuuan. Kailangan ni Ye Xiu ng 40, kaya may kulang pa siyang 24.

Kung itinuloy nila ang bilis kahapon, kakailanganin pa rin nila ng dalawa pang araw. Nagkalkula si Ye Xiu, sinamahan siya ni Seven Fields at ng iba pa sa Spider Cave at malapit na silang umabot sa Leeveel 18. Pagkaabot nila ng Level 20, 5 Level na ang lamang nila sa Spider Cave. Sa glory, 5 levels ay lagging isa sa mga iimportanteng punto para ssa mga equipments, skils, at experience. Sa puntong iyon, ang leveling ay hindi na mabisa. Nahihiya na siyang dalhinn si Seven Fields at ang iba pa sa Spider Cave para gawin ang kanyang trabaho.

Hindi magandang plano ang pag-asa sa kanila para gawin ang trabaho ko. Kailangan kong maghanap ng ibang paraan. Habang iniisip ito ni Ye Xiu, nakarating na si Lord Grim sa SSkeleton Graveyard. Nahanap niya sila Seven Fields sa kumpol at inimbita silang dumalo sa party. Pagkatapos masala sa party, nagmensahe sa kanya si Seven Fields. "Kailangan ba natin ng isang tao?"

"Hindi na kailangan." Sagot ni Ye Xiu. Naisip niya uli. Mayroon ang iba niya pang mga kailangan a Skeleton Graveyard ngunit hindi niya pa kailangan ang mga ito ngayon. Hindi pa gaano katagal noong sinimulan kong gamitin ang Thousand Chance Umbrella ngunit nagiging pabigat na ito ngayon. Hindi talaga madaling umulit. Napabuntong-hininga si Ye Xiu at saka pumasok sa Skeleton Graveyard.