Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 30 - Dalawang Hidden BOSS Clears

Chapter 30 - Dalawang Hidden BOSS Clears

Siguradong isang napakagandang noob talaga si Immersed Jade. Sa simula noong unang pasok niya sa dungeon, hindi siya nagsalita, mariing nakikinig sa mga utos, at masikap na ginawa ang mga iyon. Kahit na madami siyang nagagawang pagkakamali dahil siya ay baguhan pa lamang, siya'y palagiang humihingi ng pasintabi para sa mga kamaliang iyon. Nang dahil dun, ang lahat ay parang hindi ginaganahang sitahin ang kaniyang pagkakamali. Kapag si Immersed Jade ay nagkakamali, sina Seven Fields at ang mga iba pa'y mas kabado kaysa sa kaniya. Sila'y takot na mainis si kuyang mahusay nang dahil dito! Madaming mga eksperto ang walang masyadong pasensya para sa mga walang alam na newbies.

Pero pagkatapos tapusin ang kalahati ng dungeon, sawakas ay nakakarelax na sina Seven Fields. Kahit na si sobrang galing ni kuyang mahusay, hindi siya kagaya nung mga mapagmataas na eksperto. Sa mga newbies, sa totoo lang ay mas mataas pa ang kaniyang pasensya kaysa kina Seven Fields. Tungkol sa mga utos na hindi naiintindihan ni Immersed Jade, hindi nagatubili si kuyang expert na ipaliwanag ang mga special na terminolohiyang ginamit niya.

Kahit na mas humina ang kanilang pag-clear dahil nadagdagan sila ng isang miyembro. Nung makita nilang parang wala lang si kuyang mahusay. Hindi na ito pinintasan nila Seven Fields at ang iba pa. Habang pumapatay sila ng halimaw, tinutulungan nila ang isa't-isa at totoong naging maligaya.

Sa pakikipag-usap sa kaniya, nalaman nilang hindi pa palanakakapasok si Immersed Jade sa isang dungeon. Noon, nagkokompleto lang siya ng mga quest para maglevel up. Ang mga natitirang quests ay yun nalang mga quests na kinakailangan ang pagpasok sa isang dungeon, at sa huli'y nakaspok siya sa isang sikat na party. Makikitang siya'y talagang natutuwa.

Sa payo ng eksperto, pagkatapos tapusin ang dungeon, bumalik sila para sa isa pang round. Nagbago na si Immersed Jade. Pero sa kadahilanang hindi pa siya masyadong naglalaro ng Glory, hindi pa masasabing may alam na siya sa laro.

Sa wakas, pagkatapos ng mga hindi mabilang na dungeon clears, Sina Lord Grim at ang mga iba pa'y nakatungtong na ng Level 20, habang si Immersed Jade ay malapit-lapit na sa Level 19. Nakita ni Ye Xiu na mas mabuting balikan uli nila ang dungeon para maging Level 20 din si Immersed Jade.

Sa mga panahong iyon, nakakita sila ng dalawang hidden BOSSes. Dinala ni Ye Xiu ang party at mabilisang napatay silang dalawa. Pero wala pa silang nakikitang Purple Equipment, kundi mga common materials lang. Pero syempre, hindi alam ni Immersed Jade na yun pala ang mga pinaka-importanteng materials sa loob ng isang low-leveled dungeon at ang hinahanap lang niya ay yung mga rare equipments. Pero ang pag-iisip niyang ito ay nagdala ng kahihiyan sa iba, kaya ipinaliwanag nila kay Immersed Jade ang kahalagahan ng mga items na iyon. Sa huli, masyadong napakamaamo ni Immersed Jade. Sinabihan niya sila na siya'y isang hamak na newbie lang at hindi kailangan ang mga materials na iyon, pinili niyang isuko ang mga materials.

Sina Seven Fields at iba pa ay agad na nagustuhan ang ugali ng kanilang maliit na kasama. Sinabihan nila siya na hindi nila makakalimutan ang pagpaparaya niya. Pagkatapos ibenta ang mga materials, sisiguraduhin nilang bibigyan siya ng pera.

"Sige, una na muna ako." Pag-alis sa dungeon, nagpaalam na si Ye Xiu sa party.

"Kuyang mahusay, hindi ka pipili ng class?" Sa Level 20, ang lahat ay dapat pumili ng class at umalis sa beginner village.

"Hindi pa ngayon, umuna na muna kayo!'

"Sige kuyang mahusay, magkontakan tayo." Sagot ni Seven Fields.

"Paalam dakilang diyos!" Maayos na ang pakikutungo ni Immersed Jade sa kanilang lahat na para bang nagkasama sila sa kalahati ng kanilang mga buhay. Idagdag pa, pagkatapos palagiang naririnig sina Seven Fields at ang mga iba pa na pinupuri ang lakas ni Lord Grim, sa wakas ay tinawag na niya siya na isyang dakilang diyos.

Napatawa si Ye Xiu at nagpaalam as kanila, ang apat ay bumalik sa beginner village para kunin ang kanilang class quest. Habang si Lord Grim ay dinala ni Ye Xiu sa Green Forest's dungeon, umikot siya at inilagay ang account card ni Chen Guo. Pumasok siya sa tenth server gamit ang Level 5 Chasing Haze.

Tama, kahit na hindi pwedeng magbukas ng dalawang Glory sabay-sabay. Hindi nito napipigilan ang mga manlalaro na maglaro ng dalawang accounts sa dalawang computers. Ito ang plano ni Ye Xiu. Habang may dalawa o madami pa na manlalaro sa isang party, pwedeng may makita silang hidden BOSS. Kailangan pa ni Ye Xiu ng iba pang mga materials galing sa Midnight Phantom Cat!

Ang hidden BOSS ay hindi nagpakita sa unang round, walang ano-anoman ay umalis siya sa dungeon. Ang dalawang karakters ay nasa malubhang kalagayan. Sa kalagayang ito, ang kanilang HP at MP ay halos maubos at ang kanilang attributes ay bababa ng 80%. Ang dalawa'y naging walang silbi at kinakailangan nang sampung minuto para gumaling. Pero ang paraang ito ay mas mabilis na kaysa diretsuhin ang dungeon. Si Lord Grim ay hindi na nakakakuha ng experience galing sa Green Forest.

Sa simula palang, ay dadalhin niya at ipalevel up si Chasing Haze, pero dahil sinabi ni Chen Guo na bahala siya sa kung anong gusto niyang gawin, ginawa niya ang gusto niyang gawin.

Tumayo siya, nanigarilyo, uminom ng tubig, at naglakad-lakad, at nung bumalik siya, si Lord Grim at Chasing Haze ay gumaling na. Pagpasok sa dungeon, wala parin ang hidden BOSS, kaya umalis ulit si Ye Xiu sa dungeon.

Sa ten minutes kada round, sa isang oras, nakakapasok siya ng anim na beses. Kapag na tapos niya ang dungeon, kinakailangan niya ng 15-20 minutes kada round, kaya nakakatipid siya ng oras. Ang paraang ito, ay magagawa lamang sa beginner village. Pagkatapos ng beginner village, may limit ang mga totoong dungeons. Isang araw, limang beses, isang araw, tatlong beses, o kahit nga isang araw, isang beses, isang linggo, isang beses. Bawat dungeon ay may kani-kanilang limits.

Sa panahong ito, umalis para tumingin ng patnubay si Ye Xiu sa loob ng sampung minuto. Medyo nakalimutan na niya ang mga bagay na pambeginner. Palagiang tumatakbo sa dungeon tapos tumitingin sa patnubay ay hindi magandang pag-iralin.

Pagkatapos ng sampung minuto, pumasok siya sa Green Forest pero ang hidden BOSS ay hindi parin dumating. Hindi nagmamadali si Ye Xiu at umalis muli para manuod ng patnubay.

Apat na beses, limang beses...

Parang uubusin na ni Ye Xiu ang buong araw para maghintay sa hidden BOSS. Nung pumasok siya sa pang-limang beses, hindi parin nagpakita ang hidden BOSS. Sa wakas, sa pang-anim ay nagdeklara ang system tungkol sa pagpapakita ng Midnight Phantom Cat. Kumalma si Ye Xiu at nagsimulang makipaglaban. Sa tiyorya, pagkatapos pumasok ni Chasing Haze ay wala siyang kwenta at iniiwan lang malapit sa entrance na hindi gumagalaw. Pero naisip ni Ye Xiu na mas mainam na dalhin nalang niya si Chasing Haze para magkaroon din siya ng experience. Ang resulta, nagsimula siyang pagalawins ilang dalawa. Una, pinapunta niya si Chasing Haze sa isang magandang lokasyon, at si Lord Grim naman ay pinapatay ang mga halimaw malapit sa kaniya para makakuha siya ng experience.Sa pagpapalit at pagpapalit niya sa dalawa, naging sobra siyang abala

Lahat ng mga customer na dumaan malapit sa counter pagkatapos nilang gamitin ang kubeta ay nagulantang sa kanilang nakita.

"Kuya, mas mabuti pang maglaro ka nalang mag-isa. Paglalaro sa dalawang computers, hindi ba sobra na yang ganyan?"

Umikot si Ye Xiu at napatawa, pero hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalaro. Basta lumabas lang ang Midnight Phantom Cat, hindi na niya papansinin ang iba pa. Ang materials na kinakailangan ni Ye Xiu ay nahuhulog 100% sa lahat ng oras, pero swerte ang nagdidikta kung ilan. Sa huli, Maswerte si Ye Xiu at nakakuha ng apat na Midnight Cat Fingernails. Idinagdag ang dalawang nakuha niya sa first clear, may anim na siya. Kailangan ni Ye Xiu ng walo, kaya isang run nalang at sapat na.

Pagkatapos patayin ang Midnight Phantom Cat, walang problemang umalis si Ye Xiu mula sa dungeon. Pinagpatuloy niyang gamitin ang ten minute per round method.

Sa unang round wala, sa pangalawang round, wala. Sa ikatlong round, ang swerte niya'y nawala, pero sa panahong ito, may system message na biglang lumitaw. Binuksan niya ito at nakita na ang manlalarong si Blue River ay gusto siyang maging kaibigan. Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya o hindi.

Blue River? Sino ba yun? Tumingin si Ye Xiu sa paligid at walang nakita na ganoong pangalan. At napaisip siya na baka siya ay nakatayo sa labas ng Green Forest bilang isang Level 20, kaya ang manlalaro ay gusto siyang kaibiganin para magpabuhat. Pinindut ni Ye Xiu ang ignore. Sa huli, nadiskubrehan niya ang isa pang request. Hindi nanaman niya ito pinansin. Isa pa, isa pang ignore, isa pa...

Palagiang iniignore niya ang mga requests. Sa loob ng sampung minuto, ang manlalarong tinatawag na Blue River ay hindi sumuko at nagpadala ng kung susumahin ay 18 friend requests kay Lord Grim.

Ang Ignore ay hindi pagtanggi. Ang mensaheng inignore ay maaring maipadala ulit. Napukaw ang damdamin ni Ye Xiu dahil sa pagkasigasig ng manlalarong ito. Ang resulta, binuksan niya ang message at pinindut ang accept.