Isa-isang inatake nila Sunset Clouds, Drifting Water, at Sleeping Moon ang Spider Emperor. Sa sobrang takot at tarantang naramamdan nila sa mga nangyari kanina ay pinagpawisan sila ng malamig. Kahit nga sa paghawak ng kanilang mga mouse ay natatakot sila na baka dumulas ang kanilang kamay.
Kaso nga lang ay hindi sila nagkaroon ng sapat na oras para punasan ang kanilang mga kamay, dahil nakadilat ngayon ang kanilang mga mata sa screen. Takot na may mangyari na namang pagkakamali.
Naging maganda na naman ang kanilang sitwasyon. Hindi nangahas ang apat na manlalaro na kumalma dahil lubhang mahirap pa rin naman ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Sa ilalim ng walang tigil nilang atake ay bumagsak ang Health ng Spider Emperor. Mula sa kalahati ay halos maubos na ito.
"Malapit na ang Red Blood. Mag-ingat kayong lahat." Paalala ni Ye Xiu sa kanila.
"Anong gagawin natin pag naging Red Blood na siya?" Nagtanong si Seven Fields. Kapag ang isang Hidden BOSS ay naging Red Blood, paniguradong magkakaroon ang BOSS na iyon ng isang kakaibang lakat at kakayahan.
Sa patnubay nakasulat na kapag naging Red Blood ang Spider Emperor, magkakaroon siya ng Super Armor, kapag ang isang BOSS o manlalaro ay may Super Armor. Hindi sila maaring maapektuhan ng mga Crowd Control Skills, ang ibig sabihin ay hindi na nila mapipigilan pa ang Spider Emperor.
(TLNote: Crowd Control = Stuns, Blind, Confuse, Stasis)
(TLNote: Super Armor = Invincible to Crowd Control Skills)
"Susubukan nating patayin ang Spider Emperor ng mabilisan." Sumagot si Ye Xiu.
Matapos marinig ang mga katagang ito ay imbis na matakot, ang apat na manlalaro ay nakaramdam ng pananabik.
Lubhang matagal-tagal na rin nilang paulit-ulit na ginagawa ang mga ginagawa nila ngayon. Mas gugustuhin pa nilang mamatay sa mga kamay ng Spider Emperor kaysa ang gawin pa ang mga ginagawa nila ngayon.
"Red Blood na!" Sigaw ni Seven Fields.
"Sunset Clouds, apakan mo 'yung gagamba sa tabi." Pasigaw na sabi ni Ye Xiu.
"Ano?" Kahit na hindi naiintindihan ni Sunset Clouds kung bakit ibinigay ni Ye Xiu ang utos na ito ay sumunod pa rin siya't hinarap ang isang maliit na gagambang nakatayo sa tabi niya. Sa lapit ng gagamba ay para bang inihanda ang gagambang iyon para sa kaniya.
Kinagat siya ng gagamba at kaagad siyang nalapatan ng Stasis Debuff, hindi siya nakakagalaw at nakakagawa ng kahit na anong bagay. At sa mga sandaling ito, hind inaasahang kakagatin siya bigla ng Spider Emperor.
Sa gulat ay napasigaw si Sunset Clouds.
Pero sa huli...
Sa huli ay walang nangyaring kahit na ano.
Matapos siyang kagatin ng maliit na gagamba ay hindi siya nakakagalaw dahil sa Stasis Debuff. Pero sa mga sandaling iyon rin ay hindi siya maaring malapatan ng kahit na anong pinsala. Kahit na ang Spider Emperor ay hindi maaring isawalang-bahala ang patakarang iyon ng laro.
Matapos makita ang nangyari ay kaagad na nalaman ni Sunset Clouds kung ano ang ibig ipahiwatig ni Lord Grim, at dahil doon ay siya pa nga ang nagkusang-loob na lumapit sa mga gagambang maliliit para siya ay makagat.
Pati na ang mga kasamahan niya ay sumunod na rin sa kaniyang mga yapak.
Dahil lubhang malaki ang aggro nilang apat sa Spider Emperor ay sila ang pinagbuntunan ng galit ng dambuhalang gagambang iyon. Pero dahil sa kinakagat sila ng mga maliliit na gagamba't nalalapatan ng Stasis Debuff, walang nagagawang kahit na anong pinsala ang Spider Emperor sa kanila.
Gamit ang pamamaraang ito ay dahan-dahang binabawasan ni Lord Grim ang Health ng Spider Emperor, pero hindi nagtagal ay nagpalit ito ng pinupuntirya. Ang sunod niyang inatake ay si Sleeping Moon na malapit lang kay Sunset Clouds.
Napaghandaan na ni Sleeping Moon ang mga pangyayaring ito, at gaya ng ginawa ng kaniyang kasamahan na si Sunset Clouds, tumakbo siya sa pinakamalapit na gagamba.
Pero si Lord Grim na namamahala sa populasyon ng mga gagamba ay nakapagpadala na ng isang maliit na gagamba papunta sa kaniya. Hindi pa man nakakalayo si Sleeping Moon ay nakagat na siya ng gagamba't nanigas.
Ang pinakamahirap na parte ng mga dungeon na Red Blood ay ginawang kasiyahan nilang lahat.
Napuno ng tawanan at halakhakan ang buong labanan habang binubugbog-sarado nila ang Spider Emperor. Sa wakas, ay nabugbog na nila hanggang sa mamatay ang pinakamalakas na hidden BOSS na ito sa Spider Cave.
Lumitaw ang System Announcement sa harapan nila.
System Announcement: Lord Grim, Seven Fields, Sunset Clouds, Drifting Water, Sleeping Moon are the first to kill the Spider Emperor.
"SA WAKAS!" Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya ay napasigaw sa saya at tuwa. Kung maari lang ay inihagis na nila si Lord Grim sa kalangitan dahil sa tuwa nila. Kung hindi dahil sa tulong niya ay hindi nila magagawa ang lahat ng ito.
Saksi silang lahat sa kagitingan at lakas na ipinamalas ni Lord Grim sa kabuuan ng labanan. Dahil dito ay wala na silang nasasabi pa.
Talagang walang masabi sina Seven Fields at ang mga kasamahan niya. Mga beteranong manlalaro naman sana sila ng Glory, pero ngayon pa lang sila nakakita na talagang may ganitong klase ng manlalarong kagaya niya.
"Kuyang Mahusay, apat na Strong Spider Silk ang nahulog." Lumapit si Seven Fields para makita kung ano ang inihulog ng Spider Emperor. Iniulat niya ang lahat ng ito kay Ye Xiu at hindi siya nagdalawang-isip na sukuan ang mga materyales na iyon.
Ang iba namang kasamahan niya ay walang agam-agam rin na sinukuan ang mga materyales na iyon.
"Salamat." Sabi ni Ye Xiu at pinulot niya ang apat na Strong Spider Silk.
"Sa inyo na ang iba pa!" Sinunod ni Ye Xiu ang kaniyang pangako.
"Hindi, kunin mo na ang lahat! Kunin mo na!" Matapos lumitaw ang mga kagamitang nahulog mula sa halimaw ay tumanggi silang kunin ang mga iyon. Alam nila na si Ye Xiu ang dahilan kung bakit nandirito silang lahat ngayon.
Bukod sa Strong Spider Silk, ang Spider Emperor ay naghulog rin ng dalawang Spider Venoms, isang pares ng Level 15 Chestnut Boots, isang armor na nagbibigay ng karagdagang tatlong puntos sa Strength, at kasama na ang isa pang Purple Weapon.
[Mahogany Tachi] – Level 15
Weight: 2.6kg, Attack Speed: 8
Physical Attack: 165; Magic Attack: 178
Strength +!0, Intelligence +14.
Kahit na ang kagamitang ito ay low-leveled lamang at madali rin itong malalaos dahil sa pagpapatuloy na paglakas ng mga manlalaro. Gamit ang Purple Weapon na ito ay paniguradong mas magiging malakas rin ang manlalarong may hawak ng armas na ito kaysa sa karamihan sa mga manlalaro.
Hindi lang iyan, pero ang mga Purple Weapon ay maaring magamit hanggang sa pagdating mo ng Level 25. Malinaw na ang espadang ito ay isang mainam na kagamitang paniguradong kaiingitan ng lahat.
Napalunok ang lahat, lalo na sina Sleeping Moon at Sunset Clouds. Ang mga pangunahing karakter nilang dalawa ay isang karakter na Swordsman Type ang Class. Malinaw na ang armas na ito ay talagang bumabagay sa kanila.
"Hahaha, walang kwenta ang armas na ito sakin. Kunin niyo na 'to!" Matapos sulyapan ang armas ay napasiyahan niyang isuko na lamang ito. Isinuko rin niya ang Spider Venom at ang Chestnut Boots, talagang sinusunod niya ang pangakong ibinigay niya bago sila nagsimula kanina.
"Kuyang mahusay, talagang dapat na kunin mo pa rin silang lahat." Sabi ni Seven Fields, "Kung hindi mo kami tinulungan at binuhat ay hindi nga namin masisilayan ang mga kagamitang ito!"
"Hahaha, kung hindi dahil sa ginawa niyo kanina, kahit na ako ay mahihirapang patayin ang Spider Emperor!" Sumagot naman si Ye Xiu.
Natulala ang lahat.
Tama ba ang narinig nila? Hindi niya sinabi na hindi niya makakayang patayin ang Spider Emperor, ang tanging sinabi lang niya ay mahihirapan siyang gawin iyon...