Ang lahat ay humanga kay Lord Grim dahil nagagawa niyang gamitin ang mga galawang hindi nagagamit ng mga ordinaryong manlalaro sa Level 10. Talagang napakapambihira ng ginagawa niya.
"Kaibigan, parang sumosobra yata ang paraan mo sa paggamit ng mga Battle Mage skills na iyan…" Seryosong sabi ni Seven Fields. Nakahinga na siya matapos sabihin ang mga katagang ito.
"Ha, ha. Hindi na masama" Napapaligiran si Lord Grim ng pitong halimaw. Sinasaksak, hinahampas, at hinahati niya sa dalawa ang mga halimaw na parang nagkakatay lang ng mga baboy ng walang kahirap-hirap.
Nakakahiya lang para sa kanila kasi kahit na pare-parehas silang mga beterano at marunong kumontrol ng agrro, hindi sila kasing galing ni Lord Grim na kayang kumontrol ng pitong halimaw nang sabay-sabay.
Ang pinakamahirap na parte ng dungeon ay natapos ng mabilis, at walang kahirap-hirap. Naiintindihan nilang lahat na hindi dahil sa tulong ni Lord Grim ay hindi nila ito matatapos ng mabilis at madalian.
Matapos mamatay ng pitong gagamba ay nakarinig sila ng isang kakaibang sigaw, dumating na ang BOSS ng mga gagamba. Hindi pa man rin nila nakikita ang gagamba ay may mala-kulay uba na ulap na ang lumabas at bumalot sa kalangitan.
"Ang BOSS ay isang nakakalason na gagamba!!" Sabi ni Seven Fields, pero dahil biglaan ang pagdating ng kulay-ubeng hamog, at malawak ang nasasakupan nito. Hindi na nagawang umilag pa ng dalawa sa kanilang mga kasamahan, binunot nila ang kanilang mga gamot at ininom ito.
Pero nagulantang sila matapos makita na nagpapatuloy pa rin sa pagbaba ang kanilang Health!
"Bakit hindi ito gumagana?" Natatarantang sabi ng dalawa.
"Masyadong mababa ang uri ng Antidote na ginamit niyo," Si Ye Xiu ang sumagot.
"Tang**" Hindi mapigilang magmura ng dalawa. Noong una ay hindi sila pumunta sa dungeon na ito dahil lubhang mababa pa ang Level nila.
Pero ngayong sapat na ang Level nila ay hindi dapat sila magkakaproblema ng ganito sa pagpasok nila sa dungeon na ito.
Agad namang kumilos si Lord Grim at ginamot ang dalawa gamit ang Heal. Mabilis naman niyang sinagupa ang unang Boss sabay utos kay Seven Fields at Sleeping Moon na hindi nagtamo ng lason, "Seven Fields 1 o'clock. Little Moon Moon doon ka tumayo sa 4 o'clock".
"Little Moon Moon…" Halos sumuka ng dugo si Sleeping Moon nang marinig niya ang palayaw na binigay ni Lord Grim sa kaniya.
Walang alinlangang tumakbo agad si Seven Fields sa posisyong sinabi ni Lord Grim, tumakbo rin naman agad si Sleeping Moon sa kaniyang posisyon. Kumakalat na ang Poison Mist ng BOSS #1.
Kahit na dambuhala ang katawan ng BOSS ay hindi pa rin ito naging mas mabagal kaysa sa mga ordinaryong gagamba. Mataas at mabilis rin ang kakayahan nitong tumalon, at sa laki ng BOSS ay naging parang isang bundok ito na dudurog kay Lord Grim mula sa ibabaw.
Sa isang iglap ay gumulong papalayo si Lord Grim at nailagan ang atake, ang manlalarong binigyan niya ng palayaw na "Little Moon Moon," ay nagsalita't bumulong ng: "Kaya ba pinapunta mo kami rito para malabanan mo na naman ng mag-isa ang BOSS?"
"Edi isa sa inyong dalawa ay lumipat 7 o'clock, ang isa naman sa 9 o'clock," Pasigaw na sumagot si Ye Xiu.
"Gaano dapat kalayo ng agwat namin sa isa't-isa?" Nagtanong ang dalawa habang tumatakbo sila sa kanilang napiling posisyon.
"Mga dalawang metro," Sumagot naman si Ye Xiu.
Matapos marating ang kani-kanilang pwesto ay naguluhan pa rin sila sa kung ano ang gagawin nila. Papatayin niya bang mag-isa ang BOSS, kaya niya nilagay kami rito para makita namin ng husto kung gaano siya kagaling?
Pagkatapos umiwas ni Lord Grim sa kaliwa at kanan ay sumugod na ang BOSS patungo sa kanilang. Habang naghahanda ang apat para lumaban ay biglang tumalon nang mataas ang BOSS patungo sa direksyon ni Sleeping Moon. Gusto sanang umiwas ni Sleeping Moon, pero narinig niyang sumigaw si Ye Xiu, "Wag kang aalis!"
Naghihiganti siya sakin! At talagang nakuha pa niyang maghiganti sa mga oras na ito. Dahil nataranta siya ay nablanko ang isipan ni Sleeping Moon sa mga oras na ito, at walang anu-ano'y umilag siya't umalis sa kaniyang pwesto. Paglingon niya muli ay nakita niyang ginagamitan na ni Lord Grim ng Sky Strike ang tiyan ng BOSS.
Matapos tamaan ay makikitang naging matamlay at mabagal ang paggalaw ng Gagambang BOSS, at dahil ito ay nasa ere.
Sa mga sandaling tumama ang Sky Strike ay kaagad na lumipad ang BOSS sa kabilang direksyon at dumapo sa kalagitnaan nilang lahat.
"Seven Fields, Front Kick. 9 o' clock Lunge, 7 o' clock Repel. Little Moon Moon, bumalik ka na sa posisyon mo, bilis!" Dahil matagal-tagal na ring nakasama ni Ye Xiu silang lahat ay alam na niya kung anong mga skill ang mayroon sila. Dahil dito ay kampante siyang nagbigay ng utos sa kanila.
Sumugod si Seven Fields at gumamit siya ng Front Kick, ito ay isang Striker Skill na may Knockback Effect. Kahit na magiging mas mahina ang epekto ng Knockback dahil isang BOSS ang kalaban nila ay bahagyang matutulak pa rin papalayo ang BOSS.
Ang manlalarong nasa 9 o'clock na posisyon naman ay gumamit ng isang Skill na Lunge, dahil may Knockbak Effect rin ang skill na iyon ay tumilapon ang BOSS sa kabilang direksyon na kung saan nakatayo ang manlalarong nasa 7 o'clock.
Sinalubong ng manlalarong iyon ang BOSS gamit ang isang Repel. Ito ay isang Knight Skill na sa pangalan pa lamang ay paniguradong malalaman mong ito ang mayroong pinakamabisang epekto sa lahat ng mga skill na tinapon nila sa BOSS.
Sa pagtama ng Skill ay tumilapon ang BOSS papunta sa 4 o'clock na posisyon, pero dahil wala doon si Little Moon Moon ay walang sumalubong sa pagbagsak ng BOSS.
Kahit na papatakbo na sana si Little Moon Moon para makabalik sa kaniyang posisyon ay nahuli pa rin siya sa kaniyang hangarin.
Ngayon ay naiintindihan na nilang lahat ang hangarin ni Ye Xiu. Gusto niya na maglaro sila ng billiards gamit ang Gagambang BOSS bilang bola, naging maganda na sana ang takbo ng lahat.
Kaya lang, nang dahil sa pagkakamali ni Sleeping Moon ay nasira ang lahat. Pati na si Seven Fields at ang iba pa niyang mga kasamahan ay sumama ang pakiramdam dahil sa ginawa ni Sleeping Moon.
Buti na lang ay bago nakatayong muli ang BOSS ay biglang lumitaw sa 4 o'clock na posisyon si Lord Grim.
Hindi nila nakitang umalis si Lord Grim sa kaniyang pwesto sa 11 o' clock kaya naman nagulat sila sa biglaan niyang pagdating sa posisyon na iyon. Pero sa mga sandaling tiningnan nila ang nakaraang posisyon ni Lord Grim ay nagulat sila matapos makita ang isang hitsurang kahawig ni Lord Grim.
"T*ngina, kaya pala!" Biglang nalaman ni Seven Fields ang sagot sa katanungang iyon.
Level 10 Ninja Skill: Shadow Clone Technique.