Isang uri ng mapanlinlang na skill ang Shadow Clone Technique, pero para sa mga may karanasan ay madali nilang nakikita ang katotohanan. Kaya naman sa mga NPC lang talaga gumagana ang mga ganitong klase ng Skill. Ang Shadow Clone Technique ay madalas na ginagamit ng mga karakter na Ninja ang class para madaling makatakas o mapuntahan ang isang lugar.
At ginamit nga sa ganoong paraan ni Lord Grim ang Shadow Clone Technique. Iniwan niya ang kaniyang pekeng katawan sa isang tabi, habang ang kaniyang tunay na katawan ay dumeretso sa 4 o'clock na posisyon ni Sleeping Moon.
Ang lahat ay nag-alala dahil wala pang mga Crowd Control Skills ang mga Battle Mage kapag sila ay nasa Level 10 pa lamang. Papaano kaya papaatrasin ni Lord Grim ang dambuhalang BOSS na ito?
Mukhang masyadong nag-aalala lang sila, kahit walang Skill si Lord Grim na maaaring gamitin para maitulak ang halimaw, mayroon naman siyang mga kakaibang pamamaraan. Bahagyang pinaatras ng Sky Strike ang BOSS, at hindi pinaglagpas ni Lord Grim ang pagkakataong iyon, at sumugod kaagad siya. Matapos ang dalawang saksak ay tumilapon ang BOSS sa lugar na kung nasaan si Sleeping Moon.
Nakatayo na si Sleeping Moon sa orihinal na posisyon ni Lord Grim na 11 o' clock, kung saan nakatayo sa tabi niya ang pekeng katawan ni Lord Grim. Hiyang-hiya si Sleeping Moon na ginusto niyang pagalitan siya ni Lord Grim dahil sa maling nagawa niya. Sa huli ay hindi nagsalita si Lord Grim at ipinasa ang boss sa kanya.
Ngayon alam na ni Sleeping Moon ang kailangan niyang gawin. Gamit ang Lunge, ay tumilapon na naman papalayo ang BOSS. Hinanda niya ang sarili niya sa mga masasamang salita ng kanyang mga kasamahan, pero ni isa ay wala siyang natanggap, ang tanging narinig niya lang ay ang paghanga ng mga ito, "Nagdurugo!"
Hindi siya ang nagdurugo, kung 'di ang boss na gagamba. Hindi basta-bastang makapaglapat ng Bleed Status gamit ang mga ordinaryong atake. Sa kasalukuyan, walang may dala ng kagamitang nagbibigay epekto nang ganito sa kanila.
Pero mayroong mga Skill na maaaring magresulta sa Bleed Effect
Isa na doon ang Double-Stab ng Battle Mage, pero ang Bleed Effect ng Double Stab ay isang Hidden Effect, kaya hindi ito madaling paganahin. Pero hindi ito nangyayari dahil sa swerte lang, talagang nakasalalay ito sa mismong manlalaro.
Para mapagana ang epektong ito ay kinakailangang tumama ang dalawang saksak ng Skill na ito sa parehong lugar, at dapat na magkasunod-sunod. Kung talagang didiinan sa pagsabi ay dapat na tumama sa parehong butas ang dalawang saksak ng Double Stab.
Pagkatapos ito magawa ay magpapagana na ang Bleed Effect. Dahil walang kasiguraduhan ang tyansang mangyari ang mga hidden effect, sinasabi ng mga manlalarong sumubok gawin ito na nasa 50% lamang ang chansa na mangyari ito.
Kung tutuusin, malaki na ang probabilidad na mangyari ang epektong ito. Ngunit mahirap pa rin itong gamitin, lalong-lalo na kapag ang kalaban mo ay isang manlalaro o isang halimaw na palagiang nagpapalit-palit ng pwesto.
Sa mga sandaling iyon ay nangangailangan ng husay, galing, at karanasan ang manlalaro para makamit at mapagana ang Hidden Effect na iyon.
Maraming Skills ang Glory na mayroong mga Hidden Effect, at silang lahat ay nangangailangan ng sapat na husay, galing, at karanasan para mapagana.
Kung ang isang ordinaryong tao ay sumaksak at nakapaglat ng Bleed Effect, ang sasabihin nila Seven Fields ay sineswerte lang siya. Pero kapag si Lord Grim na ang gumawa nito talagang sasabihin nilang siya ay isang pambihirang manlalaro. Dahil sa mga pinakitang kakayahan ni Ye Xiu sa mga labanan, at ang kakayahang ipinamalas niya sa pamumuno ay malinaw na hindi lang siya isang ordinaryong eksperto.
Isa siyang eksperto sa mga eksperto.
Nahihiya na nga sila Seven Fields sa kanilang hangarin na hatakin si Ye Xiu sa kanilang Full Moon Guild, dahil hindi nga nila masabi na isa sa mga nangungunang guild ang Full Moon Guild sa buong ika-sampung server. Kung susumahin sa Heavenly Domain, nasa 50 pataas ang ranggo nila. At wala ring records sa mga dungeon ang guild nila. Sa ganitong klase ng guild, naramdaman ni Seven Fields na parang hindi sila nararapat na magkaroon ng ganitong kagaling na manlalaro.
Walang nakakaalam kung tumutugma ba ang iniisip ng iba pa niyang kasamahan sa iniisip ni Seven Fields. Pero hindi sila nagsalita, tahimik na umatake na lamang sila.
Sa kalagitnaan ng lahat ng ito ay hindi maiiwasang may mangyayaring pagkakamali, pero dahil sa mabilisang tulong na ibinigay ni Ye Xiu ay naagapan ang mga pagkakamaling iyon, at hindi sila naging isang trahedya.
Sa mga ilang sandali lamang ay napatay na nila ang BOSS #1
Matapos nilang makuha lahat ng nilaglag ng bangkay ay nakakita sila ng isang Blue Equipmentt. Mababa lang ang level nito kaya walang kahit na sino sa kanila ang may pakialam tungkol sa kagamitang iyond, mawawalan rin naman ito agad ng silbi kaya naman iniwan nila ito para kay Lord Grim. Tahimik na hinayaan silang lahat ni Sleeping Moon, at hindi na siya nagsalita pa.
Matapos makita na walang halos pinagkaiba sa isang Level 10 na Green Equipment ang Blue Equipment na iyon ay ayaw sanang pulutin ni Ye Xiu ang gamit na iyon.
Pero dahil sa sumuko ang lahat na kunin ang gamit na iyon ay wala na siyang nagawa pa kundi pulutin na lamang ang gamit, at suotin ito bilang senyales ng respeto.
Ginamit din nila ang parehas na taktika nang kanilang kalabanin ang Boss#2 na isang gagambang pang-malayuan na umaatake gamit ang mga sapot. Nakakainis kasi madalas itong gumagalaw at naglalabas ng sapot kung saan-saan na para bang siya ay si Spiderman.
Pero nang dahil sa mga utos ni Ye Xi nahuli din nila ang kalaban. Kaya lang hindi sila naglaro ng billiards ngayon. Ginamit nila ang kanilang mga Skill na maaaring magpatigil sa kalaban sa loob ng ilang mga sandali para hindi ito makapagluwa ng mga sapot at para hindi sila magtamo ng pinsala.
Natural lang na sambahin nila ulit si Ye Xiu sa panibagong level. Hindi lang siya MT nila kundi siya rin ang pangunahing manlalaro na naglalapat ng pinsala, paminsan-minsan ay dinaragdagan pa niya ang kanilang mga Health Bars, at tinutulungan pa.
Matapos ng lahat na iyan ay tinitipon niya silang lahat para magplano ng mga taktikang gagamitin nila. Wala nang masabi ang apat na manlalaro tungkol kay Lord Grim kundi ang walang humpay na papuri at pagsamba.
Isa sa pinaka mahirap ng parte ng dungeon ay ang Spider Lord ng Spider Cave. Mayroon itong Skill na nagtatawag ng dalawang maliliit na Spider BOSS na nagbubuga rin ng sapot at mga lason. Dalawang beses itong mas malaki kaysa sa maliliit na BOSS at ang walong paa nito ay mabuhok na may tyan na puno ng ibat-ibang guhit at kulay.
Kaharap ang panghuling boss, hindi kinakabahan sila Seven Fields dahil alam nilang nandyan si Lord Grim na ginagabayan sila. Walang problema kung kakalabanin nila ang BOSS na ito.
Katulad ng inaasahan, madali rin nilang natapos ang laban na ito. Kahit na mas malaki at may kakaibang istilo ang Spider Lord ay madali nilang nakontrol ang laban dahil sa mga utos ni Ye Xiu.
First clear!
Sa mga oras na iyon, inanunsyo ng Announcement System ang mga pangalan ng limang manlalaro na nasa iisang grupo.
Sleeping Moon, Seven Fields, Sunset Clouds, Drifting Water, Lord Grim; Tenth Server First Spider Cave Clear!
Nagulantang sina Seven Fields at ang mga kasamahan niya matapos makita ang mensaheng ito, pero sa isang iglap lang ay bigla silang nagdiwang at nagsaya. Hindi nila inaasahang sila ang unang makakatapos ng Spider Cave. Itong lahat ay dahil sa napakagaling na dalubhasang si Lord Grim, kung hindi ay hindi magiging madali ang laban na ito.
"Tang***!" Sigaw ng isa pang grupo na nasa loob Kweba ng Gagamba rin matapos marinig ang balitang ito.
Sa harapan nila, makikita ang naghihingalo na Spider Lord. Matatapos na sana nila ito sa loob ng sampung segundo, ngunit malinaw na hindi na nila makakamit ang kanilang mga hangarin.
Nanghihinayang at puno ng paghihinagpis ay walang nagawa ang mga manlalarong iyon kundi ang tanggapin ang katotohanan, ang pangarap sana nila ay makuha ng kanilang guild ang First Clear Achievements sa lahat ng dungeon sa Glory. Pero sa ikalawang dungeon pa lamang ay nadurog na ang kanilang mga pangarap.
Sampung segundo, nalampasan lang sila ng sampung segundo.
"Lord Grim? Hindi ba siya iyong nakakuha sa First Kill ng Midnight Phantom Cat?"
Kahit napatay na nila ang Spider Lord at natapos nang matiwasay ang dungeon, ay hindi sila naging masaya.
"Sa tingin ko."
"Saan ba nanggaling itong taong ito? Dalawang beses na siyang nabanggit sa Announcement. Malinaw na magkaparehas yata kayo, Blue River!"