Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 16 - Emperor (1)

Chapter 16 - Emperor (1)

Magkatulad lang sina Blue River, at Lord Grim na dalawang beses na natawag ng Announcement System. Pero hindi isang ordinaryong tao si Blue River, sa likod niya ay isa sa Three Great Guilds na Blue Brook Guild. Sa Heavenly Domain, siya ay isang Blade Master na kilala sa tawag na Bridge Spring Snow, isa sa Five Great Experts ng Blue Brook Guild.

Pero alam ng mga beteranong manlalaro na ang lahat ng mga nangungunang Guild na katulad ng Blue Brook Guild ay may kani-kanilang samahan sa likuran nila. Hindi ang Five Great Experts ang pinakamagaling na manlalaro ng Blue Brook Guild, kundi ang kanilang mga propesyonal na manlalaro.

Sa likod ng Blue Brook Guild ay ang Blue Rain Club. Ang pinakamagaling nilang manlalaro dito ay si Huang Shaotian siya ay isang Blade Master, na tinatawag na Troubling Rain. Sa buong Glory ay kilala siya bilang Sword Saint na kasing-sikat ng kilalang manlalarong Battle God, One Autumn Leaf.

Nung nagbukas ang ika-sampung server, pinadala ng Blue Brook Guild si Blue River kasama ang iba pang mga manlalaro para manguna sa ika-sampung server, at para madagdagan ang kanilang lakas kasabay ng pagdadagdag nila ng mga bagong manlalaro sa kanilang guild.

Wala ng iba pang maghahangad na pagharian ang mga dungeon records sa sisang bagong server liban sa mga manlalaro ng Three Great Guilds. Pero sino ba namang mag-aakala na matatapos na ang lahat ng kanilang mga pangarap pagdating sa Spider Cave? At hindi lang iyon, sampung segundo lamang ang pagitan nila sa mga manlalarong tumalo sa kanila. Kaya naman lahat ng kanyang mga kasamahan pati na rin si Blue River ay sumama ang pakiramdam.

"Lord Grim…" Habang pinag-uusapan itong pangalan na ito, walang masabi sina Blue River. Marami-rami rin naman kasi silang kalaban na guilds dito sa ika-sampung server kaya hindi na kakaiba na may mauuna sa kanila.

Sa mga ilang taon nilang pakikipaglaban sa isa't-isa ay alam na alam na nila ang pangalan ng mga dalubhasang mayroon ang isa't-isa. Dahil dito ay marami-rami na rin ang nakalap nilang impormasyon tungkol sa mga ekspertong iyon, pero wala silang nakikitang Lord Grim na nakalista.

Hindi kaya ay nakatakas siya sa mga mata namin?

"May nakuha ba kayong impormasyon tungkol sa apat pa niyang kasama?" tanong ni Blue River.

"Wala," Sagot ng mga kasama niya.

"Subukan niyong kontakin ang mga kasamahan natin sa bawat village. Tignan niyo kung may nakakakilala sa kaniya." Sabi ni Blue River.

Ang mga baguhang manlalaro ay inilalagay sa iba't bang beginner village, at walang kahit na sinong manlalaro ang nakakaalam kung saan sila mapupunta. Dahil dito ay hindi madalas na nagkikita ang mga miyembro ng Blue Brook Guild.

Kadalasan mag-isa silang nagpapalakas, habang naghahanap ng mga manlalarong maari nilang mahatak sa kanilang samahan. Pagdating nila ng Level 20 magsasama-sama na silang lahat para bumuo ng isang malaking guild.

Ang mga manlalarong taga Blue Brook Guild na pumunta sa ika-sampung server para tumulong ay pinangungunahan ni Blue River, kaya naman tama lang na siya ang susundin ng lahat.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga maaring masakop ng isang guild ang lahat ng mga Beginner Village dahil sa sobrang lawak at dami ng mga lugar na iyon.

Iyan ang dahilan kung bakit masyadong mahirap na mahanap ang isang manlalaro sa kasalukuyang estado ng laro.

Pero nung nagpatuloy si Blue River patungong Spider Cave, para magpalevel ay saka naman dumating ang impormasyong inaantay nila.

Kaya lang, ang impormasyong ibinigay ay 'di nagbigay linaw sa mga bagay-bagay tungkol sa mga manlalarong iyon, bagkus ay mas lalong nagpagulo sa sitwasyon ang natanggap niyang mensahe

Nakalagay sa impormasyon, na sa labas ng Green Forest ay siniraan ni Sleeping Moon si Lord Grim. Doon ay sinabi niya na nilinlang siya ng kabilang kampo at ninakaw ang kaniyang hidden BOSS.

"Anong klaseng kalokohan ito?" gulong gulo na sabi ng grupo matapos nilang malaman ang impormasyon.

Itong Lord Grim na ito ay nanlinlang ng mga manlalaro para makuha ang First Kill sa hidden BOSS na iyon, pero nakipagsanib pwersa siya sa mga manlalarong iyon para makamit ang First Clear sa Spider Cave?

Ang kakaibang sitwasyong nasa harapan nila ang naging dahilan kung bakit lubhang naguluhan ang limang ekspertong nakatanggap sa mensaheng iyon.

"Huwag na nating isipin 'to, tayo na't umalis na muna tayo para mapataas ang ating Level. Makakahanap rin tayo ng pagkakataong makaharap sila pag narating na natin ang Level 20." Malungkot na sabi ni Blue River sa kanyang mga kasamahan.

Sa labas ng isang village, malapit sa Spider Cave, puno pa rin ng kasiyahan sila Seven Fields at ang iba pa niyang mga kasamahan, dahil nakamit nila ang First Clear sa dungeon.

Para sa kanila, ang makamit ang First Clear sa isang dungeon kalaban ang mga manlalaro ng mga nangungunang guild ay isang malayong pangarap na natupad.

At ang kanilang dakilang pinuno na si Lord Grim? Tahimik pa rin siya't hindi nagsasalita, mga ilang maikling kataga lamang ang kaniyang binitawan: "Isang magandang karanasan na rin iyon para sa inyo!"

"Lahat ng ito ay dahil sayo, Kuya!" Pinalibutan nila Seven Fields at ng mga kasamahan niya si Lord Grim. At ngayon, sa mga sandaling ito ay alam na nila ang tunay na ibig sabihin ng isang mala-Diyos na manlalaro.

Ang isang mala-Diyos na manlalarong kagaya ni Lord Grim ay mayroong sapat na kakayahan para tulungan ang mga gaya nilang baguhan na tapusin ang isang napakahirap na dungeon. Ramdam nilang lahat na isang magandang desisyon na sundin nila ang isang mala-Diyos na manlalarong gaya ni Lord Grim.

Kung ikukumpara sa kanilang tatlo ay hindi naging maganda pakiramdam ni Sleeping Moo. Ang dati niyang kaaway ay naging idolo na ng kaniyang mga kasama. Hindi lang iyan, kanina sa dungeon ay nagmukha siya na isang masamang tao sa mga mata ng kaniyang mga kasamahan.

Kung hindi pa siya magsasalita ngayon ay mawawalan na talaga siya ng dignidad. Kaya naman ay naglakas loob siyang pumunta sa harapan ni Lord Grim.

"Oo inaamin ko magaling ka nga! Pero sinasabi ko sayo darating ang araw na malalampasan rin kita!"

"Seryoso ka?" Natatawang sabi ni Ye Xiu.

"Oo naman!" Paghahamong sabi ni Sleeping Moon.

"Kaya mo yan!" Matapos itong sabihin ni Ye Xiu ay agad itong tumalikod at umalis.

"Put*ngina..." Parang masisiraan na ng bait si Sleeping Moon.

Dapat minamaliit mo ko! Dapat kinamumuhian mo ako! Dapat sinisiraan mo ako! Hindi ba dapat ganoon ang mga eksperto kapag hinahamon sila? Hindi yung sinabing "Kaya mo iyan!" na para bang walang nangyari, ano iyon?

"Tigilan mo na iyan, Little Moon Moon," Isang pagbibirong sabi ni Seven Fields.

"G*go, ikaw yung Little Moon Moon!" Galit na sabi ni Sleeping Moon.

"Tama na, Tama na iyan, tayo na't magsanay," Pagtawag ng kanilang dalawang kasamahan na sina Sunset Clouds at Drifting Water. Dahil dito ay agad naman silang sumunod kay Lord Grim para kaibiganin siya.

"Sy**, bakit hindi rin nila ako tinawag?" Sabi ni Seven Fields habang nagmamadaling sumunod sa iba pa niyang kasama.

Sa mga sandaling ito, nagngangalit ang galit ni Sleeping Moon nang makita niya ang Friend Request na pinadala ni Lord Grim sa kaniya.

Decline. Masayang tinanggihan ni Sleeping Moon ang Friend Request

Paano kung manghingi ulit ito… Pag-aalala ni Sleeping Moon. Pero walang ganitong pangyayari na naganap dahil pumasok na si Lord Grim sa loob ng dungeon, habang sila Seven Fields ay nakasunod lang sa malapit.

Si Sleeping Moon naman ay nakaligtaan na ng kaniyang mga kasamahan, kahit na matapos lamang ng ilang mga sandali ay nakatanggap siya ng isang imbitasyon mula kay Seven Fields ay nalungkot pa rin siya't sumama ang kaniyang pakiramdam.

Dahil may mas magandang pinagsamahan si Seven Fields kay Sleeping Moon, madali nitong naramdaman na hindi maganda ang pakiramdam niya. Kaya naman nagpadala siya ng pribadong mensahe para pagaanin ang loob niya, nagpagaan sa pakiramdam ni Sleeping Moon ang mga natanggap niyang mensahe.

Ngayon, katulad ng nangyari kanina sa dungeon, madali lang at sa isang iglap ay natapos nila ng ganun-ganun lang ang dungeon.

Matapos ay muli silang pumasok sa pangatlong beses, ngunit may kakaibang nangyari sa pagpasok nila sa mga sandaling ito.

System Prompt: You have mistakenly entered the Spider Emperor's Cave.

"Hidden BOSS!" Natatarantang sigaw ni Seven Fields sabay sulyap kay Lord Grim.

Kung hindi nila kasama si Lord Grim hindi sila magtatangkang kalabanin ang hidden BOSS, kaya naman malinaw na pinuna ito ng system.

Maaring mamili ang mga manlalaro kung kakalabanin ba nila ang hidden BOSS o tatapusin na lamang ba nila ang dungeon.

Ang kailangan lang naman para matapos ang dungeon ay ang mapatay nila ang panghuling BOSS.

Ngayon sila ay napatingin kay Lord Grim, gusto nilang malaman kung may kakayanan o paraan ang dalubhasang ito na talunin ang hidden BOSS

"Oh! May hidden BOSS," sabi ni Ye Xiu "Kung hidden BOSS lang naman ay…"

"Hindi nating kayang patayin?" Bahagyang nanghihinayang na sabi nila Seven Fields at ng iba pa.

"Hindi naman sa hindi natin kayang patayin ito, kaya lang ay may ilan akong kondisyon."

"Siguradong maglalaglag ang Spider Emperor ng Strong Spider Silk, pwede niyo bang ibigay ang mga iyon sakin? Sa inyo na lahat ng iba pang malalaglag na mga materyales at mga kagamitan basta akin lang iyon." Sabi ni Ye Xiu.