Nang makita ang ikinilos ng matanda, nagningning ang mga mata ni Zhao Feng. Ibang-iba ang ikalawang palapag ng Martial Arts Libray sa una nito.
Walang mga tunay ng kopya ng skills dito, sa halip, may mga nakalagay na jade tokens. Wala namang masyadong nakalagay sa dapat na buod ng mga jade tokens tungkol sa abilidad ng martial art na iyon, at higit sa lahat hindi pa ito ganoon kalinaw. Nangangahulugan lamang na mahirap malaman kung anong mga skills ang malakas at kung ano ang mahina.
Hindi makapagpuslit si Zhao Feng ng isang daang skills gaya ng ginawa niya noong nakaraan matapos pag-aralan ito nang mabuti.
Bilang bantay sa Martial Arts Library, kitang kita na alam talaga ni Elder Zhao ang mga skills doon. Isa pang mahalagang bagay ay nakita na rin ni Elder Zhao kung paano lumaban si Feng kung kaya't alam niya kung saan siya may pagkukulang.
"May tatlong peak ranked martial arts dito na bagay sa iyo. Ito ay ang Mesmerizing Wind Fist, Star Finger, at Sky Striking Leg," ipinakita ni Elder Zhao ang tatlong jade tokens.
Lahat ng ito ay mga offensive skills? Biglang naging interesado si Zhao Feng nang marinig ang mga pangalan.
"Masyadong low ranked ang mga offensive skills mo, kung kaya limitado ang potensyal nito. Pero sinanay mo ang iyong Metal Wall Technique bilang isang defensive skill, na hindi naman nalalayo sa isang peak ranked martial art. Kung sakaling mahahanap mo ang Holy rank Silver Wall Technique, perpekto na ito," paliwanag ng matanda.
Hindi na nakakapagtaka kung bakit isang siyang Martial Master!
Totoong ang sinabi ng matanda. Maayos naman ang depensa ni Zhao Feng, kaya ang kailangan niya ay mga offensive skills.
"Magkakaiba ang tatlong peak ranked martial arts na ito: ang Mesmerizing Wind Fist ay may katangian ng hangin at gumagamit ito ng skill para matalo ang isang kapangyarihan. Kapag gagamitan ng high tier movement skill, dodoble ang pinsala. Ang Star Finger naman ay tinitipon ang chi sa isang parte ng katawan at kaya nitong atakehin ang kahit sino o ano sa itinakdang distansya. Samantalang ang Sky Striking Leg ay kayang makabuo ng mga ipo-ipo na kayang makasakit ng malaking bilang ng mga tao, napakaepektibo nito lalo na sa mga human wave tactics…"
Natuwa si Zhao Feng sa lahat ng tatlong skills na ito. Magkakaroon siya ng higit na kapangyarihan sa pagsasanay ng kahit alin man sa mga nabanggit.
"Ano sa tatlo ang pinakamakapangyarihan?" Diretsong pagtatanong ni Zhao Feng. Kahit lahat naman sila ay peak ranked, may pagkakaiba pa rin naman sa pagitan ng mga skills na iyon.
"Hehe, sa tatlong ito, ang Star Finger ang pinakamalakas, halos malapit na ito sa Holy martial arts. Mas malakas pa nga ito sa Spatial Cloud Finger ni Zhao Linlong, pero ang tanging problema lang ay mahirap ito matutunan, at may kasamang panganib ito," nakangiting sabi ni Elder Zhao.
"Kung ganoon, yan ang pipiliin ko," hindi man lang nag-atubili si Zhao Feng.
Nakita niya na ang Spatial Cloud Finger ni Zhao Linlong at napakalakas nga nito. At itong Star Finger ay mas malakas pa raw rito. Matapos makumpirma kung anong skills ang nais niya, nagtungo na si Elder Zhao upang kumuha ng kopya ng Star Finger.
Bahagyang maligalig si Zhao Feng nang makuha ang libro. Kinalaunan, ang nilalaman ng Star Finger na libro ay nasa utak na niya. Ang Star Finger ay nahahati sa anim na baitang, at ang pinakamababang kakailanganin ditto ay pagiging fourth rank sa Martial Path. Ang finger skill na ito ay kayang umipon ng chi sa pinakasukdulan. Kapag nasa mababang lebel, ang atakeng ito ay makatatagos sa isang metal block na dalawang pulgada ang lapad.
Kahit ang mga body strengthening techniues ay walang kwenta sa Star Finger. Higit pa roon, ang skill na ito ay pinangangalagaan lamang ang kapangyarihan at wala ng iba.
"Hahaha, ito talaga ang gusto ko," sambit ni Zhao Feng na halatang sobrang nasisiyahan.
"Ang Star Finger ay talagang nakaaangat. Kahit hindi ka pa Seventh rank, pero fourt grade ka na, pwede ka nang umatake sa hangin," hindi mapigilang papuri ni Elder Zhao sa skill.
Pag-atake sa hangin?
Lalong natuwa ang puso ni Zhao Feng. Alam ng lahat na tanging ang mga cultivator lamang na seventh rank ang may kakayanan na paalisin sa kanilang katawan ang kanilang Inner Strength at umatake sa hangin.
Nangangahulugan ito na hindi nila kailangang makipaglaban nang malapit, sa halip pwede silang umatake sa hangin mula sa malayo. Ito ang pinagkaiba ng sixth at seventh rank. At ang peak ranked skill na Star Finger ay kayang makapagbigay ng kakayanan na umatake sa hangin kahit hindi pa naaabot ang seventh rank!
"Ang finger skill na ito ay mas mahirap nang tatlong beses na isanay kaysa sa isang normal na peak rank martial skill. Ilang mga tao ang nagsasabig kalahating Holy rank skill na raw ito. Sinubukan ko rin itong gawin, pero naiwan ako sa third grade sa loob ng matagal na panahon at dahil sobrang hirap makaabot ng fourth grade, sumuko na ako at napagdesisyunang magsanay na lamang ng ibang skill," binigyan ni Elder Zhao ng komplikadong tingin si Zhao Feng na tila umaasa siyang magawa niya ito.
"Bakit kaya umaasa nang ganoon sa akin si Elder Zhao?" tanong ni Zhao Feng.
"Sapagkat ang pagkakaunawa mo sa martial arts ay napakalalim. Nakapagsanay ka na ng core at middle ranked martial arts sa kalubus-lubusan. Nagagawa mo na nga rin ang Lightly Floaring Ferry sa mataas na antas," pagpupuri ni Elder Zhao.
Naintindihan agad ni Zhao Feng na alam ni Elder Zhao ang kanyang mataas na pang-unawa na maaaring makatulong sa kanya upang pagkadalubhasaan ang Star Finger.
"Pero babalaan kita," nag-iba ang mukha ng matanda.
"Sabihin niyo po."
Tumalas ang tingin ni Elder Zhao, "Magkakaroon ka lamang ng pagkakataon na labanan si Zhao Linlong kung matututunan moa ng Star Finger, pero walang kasiguraduhan na mananalo ka."
Bakit?
Hindi maintidihan ni Zhao Feng, hindi ba ang Star Finger ay mas malakas kaysa sa Spatial Cloud Finger?
"Ito ay dahil sa…"
Bumuntong hininga nang matagal si Elder Zhao, "Dahil si Zhao Linlong ang top disciple at step son ng head of the sect, hindi lamang siya nakatanggap ng extra thousand blood plant, pinapayagan rin siyang makapasok sa ikatlong palapag ng Martial Arts Library."
Ikatlong palapag ng library? Ang misteryosong ikatlong palapag?
Nagulat si Zhao Feng. Alam ng lahat na ang ikalawang palapag ay puno ng high ranked skills, at kakaunting peak ranked skills. Pero ang ikatlong palapag, isa itong alamat.
"Nakatanggap si Zhao Linlong thousand year blood plant at mataas ang tsansa niya na maging sixth rank ng Martial Path sa mga susunod na buwan at maging pinuno ng apat na henyo. Ang mga nakatataas sa sect ay susuportahan siya sa kahit ano mang paraan," nang masabi ang lahat ng ito, nagpakawala ng isang buntong hininga si Elder Zhao habang iniisip ang kalagayan ni Zhao Feng.
Ang potensyal ni Zhao Feng ay hindi naman nalalayo kay Zhao Linlong. Sa kasamaang palad, isa lang siyang side branch disciple, samantalang si Zhao Linlong ay nagmula sa direct branch at stepson pa ng head of the sect.
Kahit matalo pa ni Zhao Feng si Zhao Linlong sa araw na iyon, iba pa rin ang pagtrato sa kanya.
"Elder Zhao, pwede mo bang sabihin sa akin kung anong mayroon sa ikatlong palapag? Ito na baa ng mga maalamat na Holy ranked martial arts?" mabilis na ang paghinga ni Zhao Feng.
Ang mga holy ranked martials arts ay isang alamat, maaari lamang marating ang Holy Martial Path sa pamamagitan ng pagcucultivate.
"Haha sa tingin mo ba na ang isang maliit na siyudad gaya ng Sun Feather City ay magkakaroon ng buong kopya ng isang Holy martial art?" Umiling si Elder Zhao at saka nagpatuloy, "Pero may tsansa pa rin na makakuha ng enlightenment si Zhao Linlong mula sa mga piraso ng Holy martial arts."
Nagpakawala ng buntong hininga si Zhao Feng. Binigay na ni Zhao Feng pabalik ang kopya ng Star Finger kay Elder Zhao.
"Hindi mo ito gusting kopyahin?" pagtatanong ng matanda.
"Natandaan ko na," nagpasya si Zhao Feng na hindi na itago ang bagay na ito.
Ang hindi pagkalimot ay hindi naman ganoon kalaking bagay. Nasorpresa si Elder Zhao, pero mukhang nasisiyahan siya; nararamdaman niya na isang henyo si Zhao Femg.
Nakapili na rin si Zhao Feng ng dalawang high ranked martial arts pagkatapos pumili ng isang peak ranked skill. Nirekomenda ni Elder Zhao ang movement skill na Lightly Micro Step.
"Ang skill na ito ay diumano parehas ang pinagmulan sa Lightly Floating Ferry, isa pa malapit na rin ito sa isang high ranked martial art," paliwanag niya.
Isang peak ranked finger at isang high ranked movement skill.
Makakapili pa siya ng isa. Sa pagkakataong iyon, pinili niya ang Withering Wood Technique.
Halos parehas ang Withering Wood Technique sa Hiding Air Technique, kaya nitong itago ang aura at amoy ng isang tao. Ayon sa paglalarawan, kapag naisanay ito sa mataas na antas, pwedeng mag 'fake death' ang cultivator at makatakas sa kanyang kalaban.
"Magaling ka pumili, ang skill na ito ay may magandang epekto," ngumiti si Elder Zhao.
Pagkatapos niya pumili ng skills, nagpasalamat si Zhao Feng at iniwan na ang matanda.
Deng! Deng! Deng…
Mismong iyon, may mga yabag ng paa ang maririnig sa labas ng library.
Tatlong katao ang yumapak sa ikalawang palapag. Ang una ay isang matanda na nakasuot ng puti, ang ikalawa ay isang medyo matanda na payapa ang mukha, at ang huli ay isang kabataan na nakasuot ng ginto. Ang huling tao ay si Zhao Linlong!
Agad na yumuko si Zhao Feng sa unang dalawa "Nakikita ng batang ito ang elder at ang head of the sect."
At ipinukol niya ang tingin sa lalaking nakadamit ng ginto at sabay sabi nang nakangiti, "Kuya Linlong."
"En," ang head of the sect at ang elder ay tumango.
Pero tumingin lang ng bahagya si Zhao Linlong at agad na inialis ang tingin nang walang sinasabi. Nairita si Zhao Feng sa inasal nito.
Bagkus, ikatlo si Zhao Feng sa mga inner disciples, at kahit si Zhao Linlong ang nangunguna, hindi siya dapat nito balewalain.
"Ang head of the sect at ang elder ay narito, hindi kaya…" nanghula si Zhao Feng.
Kung pupunta lamang sila ng ikalawang palapag, iisa lang namang ang kakailanganin at hindi dalawa. Nangangahulugan ito na ihahatid nila si Zhao Linlong sa ikatlong palapag. Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Elder Zhao.
Nagsimulang magalit si Zhao Feng, pero agad niya itong nabawi nang maisip niya ang dimensyon sa kanyang kaliwant mata.
Umuwi agad si Zhao Feng pagkatapos.
Sa loob ng kwarto, ipinikit niya ang kanyang mata at inaalala ang tatlong skills na Star Finger, Lightly Micro Step, at Withering Wood Technique. Una munang sinanay ni Zhao Feng ang Lightly Micro Step at nalaman niyang ang estilo nito ay kahawig ng Lightly Floating Ferry.
Kalahating oras ang lumipas, naabot niya na ang unang antas!
******************
Night..
Nalaman ni Zhao Feng na kapag pinagsama ang Air Crossing Breathing Technique at Lightly Micro Step, mas mabilis ito.
Sa mga sumunod na araw, ibinaling niya lamang ang atensyon sa mga bago niyang skills.
Napagtanto ni Zhao Feng na madali lang pala matutunan ang parehas na high ranked martial arts na Lightly Micro Step at Withering Wood Technique. Hindi ito dahil sa dagdag na enlightenment na nakukuha niya sa kanyang kaliwang mata, pero dahil ang Lightly Floating Ferry at Hiding Air Technique ay may halos magkaparehas na pundasyon.
Sa loob lamang ng sampung araw, nakapagsanay na ng dalawang skills sa mataas na lebel si Zhao Feng.
Sunod naman niyang aaralin ay ang pinakamahalagang skill, ang Star Finger! Ang finger skill na ito ay isang peak ranked martial art na mahirap icultivate. Kahit si Elder Zhao ay hindi nagtagumpay.