Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 42 - Tuktok ng Fifth Rank, Martial Arts Library

Chapter 42 - Tuktok ng Fifth Rank, Martial Arts Library

Habang magkatabing naglalakad si Zhao Feng at Zhao Yufei, nakatingin ang mga disipulo sa kanila nang may halong selos at inggit. Nagsimulang mamula si Zhao Yufei. Ang kanyang mga mata ay palihim naman na napatingin kay Zhao Feng, pero wala man lang itong reaksyon sa mukha, kung kaya't nadismaya rin siya.

Nararamdaman niyang si Zhao Feng lamang ang makapagtatago sa kanya sa sekta, at ito rin ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng awa sa sarili.

Nang makauwi, nagtungo si Zhao Feng sa siyudad upang iulat ang mga nakuha niya sa Sky Cloud Forest. Hindi niya binanggit na sinubukan siyang patayin ng isang taong inutusan ni Zhao Tianjian, o kahit man lang ang paghihirap niya nang makasagupa ng mga high tier na halimaw. Samantalang si Zhao Yufei naman ay lubos na pinagpapawisan.

Huminga nang malalim si Zhao Feng pagkarating sa kanyang kwarto, "Nagpadala na si Zhao Tianjian ng taong papatay sa akin, siguradong uulitin niya pa iyon nang uulitin. Kung ganun, dapat kong itago ang antas ng cultivation ko at gelatin siya."

Ang dahilan kung bakit hindi niya hinamon si Zhao Linlong ay dahil ditto. Umupo nang magkasalubong ang paa si Zhao Feng habang nilalagay niya ang kanyang kamalayan sa isang dimensyon ng kanyang kaliwang mata. Sa isang madilim na parte, isang mapusyaw na berdeng liwanag ang umabot na hanggang sa 1.8 na metro, na siyang nangangulugan na ang kanyang cultivation ay malapit na maging fifth rank.

Hindi ito iniisip ni Zhao Feng.

"Magpakita!" ibinuhos ni Zhao ang lakas sa kaliwang mata.

"Shua!"

Kaagad na napalitan ang berdeng liwanag ng isang senaryo. Sa senaryong iyon may dalawang anyo; ang isa ay high tier na Azure Eyed Hyena, at ang isa naman ay isang mahiyang babae na halos kasing-edad ni Zhao Yufei.

Sumunod, ang Azure Eyed Hyena at ang babae ay tumalon nang mataas patungo sa isa't isa. Ang babaeng ito na nakaberde ay biglang naglaho sa hangin. Mula dito, isang kulay asul na liwanag ang masisilayan, higit itong matingkad kaysa sa isang normal na chi. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay at ang kulay asul na liwanag ay naging wind blades na agad namang pumutol sa ulo ng Azure Eyed Hyena.

"Saan kaya galing ang babaeng iyon? Malamang walang kahit sino ang makadedepensa sa kanyang mga atake sa Sun Feather City," malamig ang hininga ni Zhao Feng.

Paulit-ulit niyang nakikita ang senaryong ito. Tumingin si Zhao Feng mula sa iba't ibang anggulo at posisyon upang makita kung paano umatake ang babae. Sa wakas, dahan-dahan na rin siyang nakakakuha ng ideya.

Ang simpleng kumpas ng kanyang mga kamay ay naglalaman ng isang kapangyarihan na higit pa sa pang-unawa ng isang may lebel na Martial Artist. Nakakuha ng kaunting ideya si Zhao Feng nang panoorin itong umatakeng muli. Sinubukan niya itong gayahin pero masyadong malayo pa ang kanilang pagitan sa aspeto ng lakas ng pinsala. Pero ang simpleng paggaya pa lamang dito ay may lakas na agad ng isang high ranked martial art.

Ikinagulat niya ito nang lubos. Ibig sabihin ba nito kung magagaya niya nang buo ang atake ng babaeng ito ay malalagpasan na niya ang peak ranked martial arts? Nang maisip iyon, lalong naging maligalig si Zhao Feng.

"Bakit kaya hindi ko ito tawagin na Mysterious Wind Palm!" natutuwa niyang sabi sa sarili.

Noong gabing iyon sinubukan niya ulit na makakuha ng ideya kung paano magagawa ito. Sapagkat super high tier na ang antas nito, hindi ito maunawaan agad ni Zhao Feng sa loob ng maiksing oras. Malalim na ang gabi nang makaramdam ng pagod si Zhao Feng. Hindi na kaya ng kanyang kaliwang mata na patuloy na ipakita ang senaryong iyon.

"Nauubos lahat ng aking enerhiya para lamang makakuha ng impormasyon sa atakeng ito," biglang sabi ni Zhao Feng.

Kung gayon, nagsanay na lamang siya muli ng Air Crossing Breathing Technique. Nakakuha siya ng blood pill sa tournament na makatutulong upang pataasin ang kanyang cultivation level. Ang pills ay kaiba sa mga pure plants, mas malinis ito kung kaya't madali para sa mga cultivators na makakuha ng mas maraming enerhiya na mataas ang kalidad mula dito.

"Mayroon tatlong halaman pa naman ako na higit pa ang kakayanan sa blood pill dahil sa libong taong gulang nito," inisip ni Zhao Feng bago tuluyang nginuya ang pill.

Hindi nagtagal dumaloy na sa kanyang katawan ang kapangyarihan ng pill. Ang enerhiya nito ay nakikiisa sa kanya. Matapos, sinimulan na rin ni Zhao Feng na gawin ang Air Crossing Breathing Technique upang makakakuha ng enerhiya.

*****************

Sumunod na umaga….

Nakakuha na ng sapat na enerhiya si Zhao Feng mula sa pill at nadama niyang tumaas ang kanyang cultivation level ng isang pulgada. Ang berdeng liwanag sa kanyang kaliwang mata ay lumagpas na ng 1.8 metro.

"Peak fifth rank! Nakakatulong nga talaga ang pill," patango-tangong sabi ni Zhao Feng nang nasisiyahan.

Si Zhao Linlong lamang ang katapat niya sa aspeto ng cultivation. May natitira pa namang oras, kung kaya't nagsimula uli siyang sanayin ang Mysterious Wind Palm.

Hu~

Bigla umangat ang kanyang katawan mula sa lupa at naramdaman niyang namumuo ang chi sa gitna ng kanyang palad.

Shua!

Isang sangay na kasinglapad ng kanyang braso ang biglang nagpirapiraso. Hindi ganoon kalakas ang nagawang atake ng palad ni Zhao Feng, pero mayroon itong elemento ng spinning at slicing.

"Sa wakas nakaabot na rin ng mataas na antas ng high ranked martial art ang atakeng ito!" Masayang ibinulalas ni Zhao Feng.

Nang handa na muli si Zhao Feng para pag-aralan ang Mysterious Wind Palm-

"Kuya Feng maaari ba akong pumasok?" isang pamilyar na boses ang kanyang narinig.

"Hm?" Biglang napataas ang kilay ni Zhao Feng.

Sa labas ng hardin, may isang babeng nakadamit ng puti. Kinakagat niya ang kanyang labi at ni hindi niya man lang sinubukang tumingin sa mata ni Zhao Feng. Walang duda na ang babae ay si Zhao Xue.

"Pasok ka," nakabalik na rin sa kanyang ulirat si Zhao Feng.

Nagkatinginan silang dalawa. Halatang umiiwas ng tingin si Zhao Xue.

"Bakit ka pumunta rito?" walang ekspresyong tanong ni Zhao Feng.

Natutuwa si Zhao Feng sa kanya dati, lalo na't magkakabata sila. Pero simula nang pumasok sila sa Zhao sect, nawala ang interes niya rito.

Namumula ang mata ni Zhao Xue habang kinakagat ang labi niya, "Nababagabag talaga ako simula nang pumasok tayo sa Zhao Sect. Hinahangad ko lang Kuya Feng n sana huwag mong kalimutan ang masasaya nating alaala at sana huwag ka ring magalit sa akin."

Habang tinitignan ang malungkot na mukha ni Zhao Xue, hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kanyang puso sa pagdadalawang-isip, pero ilang sandal, napirmi ulit ito.

"Lahat naman tayo ay may kalayaang pumili… Hindi naman ako galit sa'yo," ngumiti nang bahagya si Zhao Feng, na para bang normal lang ito.

Totoo iyon, hindi naman talaga nagalit si Zhao Feng kay Zhao Xue, pero nadismaya siya sa mga ikinilos nito.

"Hindi ako nagalit sa'yo kailanman!"

Gulat ang puso ni Zhao Xue sa sinabi ng gwapong binata sa kanya, "Hindi mo ba ako nagustuhan… kahit dati sa Green Leaf Village?" nag-aalangang tanong ni Zhao Feng matapos sabihin iyon.

Wala pa labing-apat na taon si Zhao Feng. Anim na buwan ang nakakaraan, labing-tatlo pa lamang siya. Sobrang puro at inosente pa ng kanyang puso kung kaya't hindi niya alam kung ano ang gagawin sa pag-ibig ni Zhao Xue.

Ngayon, labing-apat na nga si Zhao Feng pero ang landas na tinatahak niya ay ang Martial Path, kung kaya't mabagal ang kanyang pag-intindi sa relasyon ng isang babae't lalaki.

Nang titigan ang reaksyon ni Zhao Feng, nanlamig ang puso ni Zhao Xue. Alam niya nang hindi talaga siya nagustuhan ni Zhao Feng. Mukhang nagigiliw sa kanya ang binate noong kamusmusan pa nila.

"Kuya Feng!" Sa labas ng hardin isang boses na naman ang malinaw na naririnig.

Masayang naglakad si Zhao Yufei patungo sa hardin ni Zhao Feng. Magkapitbahay naman sila at medyo malapit sa isa't isa kung kaya't pumasok na lamang siya nang hindi kumakatok. Biglaan, nakaramdam siya nang kakaibang hangin, may pinag-uusapan pala.

Nakatayo si Zhao Feng at Zhao Xue nang tahimik, at umiiyak ang babae.

"Anong kailangan mo?" Nabaling ang atensyon ni Zhao Feng kay Zhao Yufei.

Sa pagkakataong iyon, dalawang magandang babae ang nakatayo sa kanyang hardin. Ang balat ni Zhao Xue ay kasingkinis ng ibabaw ng tubig at ang kanyang mukha ay nakapakaganda. Ngunit, kung ihahambing ito sa mala-anghel na awra ni Zhao Yufei, tila nasa dilim siya.

Sa aspeto ng talent, awra, at katawan, halatang talo si Zhao Xue kay Zhao Yufei.

"Kuya Feng, hindi ka pa ba pumupunta ng Martial Arts Library para kumuha ng mga skills? Pwede kang makakuha ng peak ranked martial art doon sapagkat nasa top three ka," sabi ni Zhao Yufei na medyo naguguluhan.

Pumunta nga si Zhao Yufei sa Martial Arts Library para pumili ng skills. Ang top ten ay maaaring makapili ng dalawang high ranked martial arts. Samantalang ang top three naman ay makakakuha ng isang peak ranked at dalawang high ranked martial arts.

"Haha, muntik na akong makalimot," ngumiti si Zhao Feng nang banayad.

Nang tignan na nagngingitian si Zhao Feng at Zhao Yufei, nakaramdam ng lungkot at pagsisisi si Zhao Xue. Pinagsisihan niya ang kanyang desisyon na piliin si Zhao Yijian.

Hindi nagtagal, nakarating na rin si Zhao Feng sa Martial Arts Library. Isang matanda na may puting balbas ang nagbabantay sa library. Hindi niya matukoy pero alam niyang pamilyar ito.

"Ikaw yun?" Nagningning ang mga mata ng matanda.

Nakilala agad siya ni Zhao Feng matapos niyag magsalita, "Nakikita ng batang ito ang elder."

Ang matandang ito ay isa sa mga punong tagapaghusga na sumuporta kay Zhao Feng.

"Tinatawag nila akong Zhao Yusong. Pwede mo akong tawagin na elder Zhao," banayad na sinabi ng tagapaghusga.

"Opo, elder Zhao."

"Sumama ka sa akin," dinala ni Zhao Yusong sa ikalawang palapag si Zhao Feng.

Mahigit dalawang daang martial arts ang nasa ikalawang palapag. Karamihan roon ay mga high ranked, at kakarampot lang ang mga peak ranked. Ang mga peak ranked martial arts ay talagang napakahalaga sa Zhao sect.

Sinuri ni Zhao Feng ang paligid at saka nagulat, "Elder Zhao, bakit may token lang dito imbis na martial art?"

Walang martial arts sa ikalawang palapag ng Martial Arts Library. Sa halip, mayroong jade token dito na may pangalan ng skill at maiksing buod tungkol ditto.

"Hehe, ang martial arts na high rank o mas mataas pa ay sobrang halaga. Hindi namin maaaring ilagay ang tunay na kopya rito. Kapag nakapili ka na ng skill, ako ang kukuha ng libro para sa'yo," paliwanag ni Zhao Yusong.

Nadismaya si Zhao Feng. Masyadong strikto ang sect pagdating sa mga high ranked martial arts kung kaya't hindi siya makakapagpuslit. Pero ang makapili ng isang peak at dalawang high ranked martial arts ay ayos na rin. Naglibot-libot muna siya sa palapag na iyon at binasa ang mga buod ng bawat skill.

"Bakit, hind ka pa rin ba makahanap ng skill na gusto mo?" tanong ni Zhao Yusong.

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng at tumawa, "Elder Zhao… dahil matagal na kayong nagbabantay ng Martial Arts Library, rekomendahan niyo naman ako ng mga skills na nababagay sa akin."

"Hahaha, alam mo bang bawal 'yan ayon sa mga patakaran ng sect?" May kislap rin sa mga mata ni Zhao Yusong.

Kahit sinabi niya ito, tumulong pa rin si Zhao Yusong. Naglakad siya sa ikalawang palapag at kumuha ng iilang jade tokens.