Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 2 - Ang witch na nagngangalang Anna(Unang Parte)

Chapter 2 - Ang witch na nagngangalang Anna(Unang Parte)

Sa loob ng ilang panahon, kinulong ni Roland ang kanyang sarili sa kanyang silid habang matiyagang inaaral ang memorya ng mundong ito, at kumain ng hapunan na dinala sa kanya ng kanyang mga taga-pagsilbi.

Dahil sa tindi ng kagustuhan niyang mabuhay, pilit pinigilan ni Roland ang kanyang takot at pagamba sa kakaibang mundong kinalalagyan niya ngayon. Alam niyang kung gusto niyang makasalimuha at hindi paghinalaan ng mga tao sa paligid niya, kailangan niyang kumuha ng dagdag impormasyon sa madaliang panahon.

Dapat din malaman na, maliban sa impormasyon sa kanyang sarili na nakikipaglokohan sa ibang kabataang maharlika, walang ibang nilalaman ang kanyang bagong memorya. Wala siyang makuhang mahalagang impormasyon katulad ng kaalamang pangmaharlika, sitwasyong politikal ng kanyang sariling bansa, o ang relasyong diplomatiko nito sa mga karatig bansa. Kahit na mayroon siyang kaalaman katulad ng pangalan ng mga lunsod, at mga taon ng mahahalagang pangyayari, ibang-iba ito sa kasaysayan ng Europa na kanyang nalalaman.

Samakatuwid, ito'y nagpatunay lang sa kaniya na wala siyang tsansa o pagkakataon na makamit ang trono. Siguro alam ito ng Hari ng Graycastle sa kanying sarili, at marahil dito kaya niya pinadala si Roland sa mala-impyernong lugar na ito. Na kahit na gumawa siya ng gulo, hindi ito makadudulot ng malaking pinsala.

Ang susunod na memorya na naalala ni Roland ay patungkol sa kanyang mga kapatid na lalaki't babae, at hindi siya sigurado kung iiyak ba siya o tatawa sa kanyang mga nakita.

Ang pinakamatandang kapatid ni Roland ay lalake, ang First Prince, ay isang magaling na manlalaban. Ang kanyang ikalawang kapatid, ang Second Prince, ay sinister at scheming. Ang ikatlong kapatid ay ang Third Princess na aggresibo at mabangis, at ang ikalimang kapatid o ang Fifth Princess ay napakatalino. Ano pa ba ang dapat niya sabihin? Matapos manirahan kasama nila ng higit sa isang dekada ang impresyon niya sa kanila ay mabibilang lamang sa ilang salita. Wala siyang nalalaman sa antas ng kanilang kapangyarihan, ang kanilang mga kakampi, at kanilang mga kakayahan at talento.

Sa loob lamang ng tatlong buwan ng kaniyang pamamahala sa Border Town, hindi na itinatago ng mga maharlika ang kanilang panghamak at pagaaba nila sa kanya. Malinaw na ang Fourth Prince ay hindi bagay maging isang lider. Sa kabutihang-palad, nang umalis siya ng King's City, may kasama siyang dalawang katulong—isa para sa isyung sibil at isa para sa isyung militar—na ibinigay ng hari, kung hindi ay ito may mas malaking gulo.

Nang nagising si Roland ng sumunod na umaga, siya ay paulit-ulit pinaalalahanan ng kaniyang katulong na si Tyre, na gusto siyang makita ng Assistant Manager Barov. Matapos maisip na hindi niya na ito pwedeng ipagpaliban, hinimas niya ang likod ng katulong ng dalawang beses—ng maalala niyang kaugalian ito ng orihinal na Roland, at sinabi niya dito na ipaalam kay Barov na maghintay sa sitting room.

Nakita niyang pulang-pula ang mukha ni Tyre habang ito ay palabas ng pintuan. Biglang naisip ni Roland, "Dahil ang Border Town ay pangunahing sangkot sa pagsasaka, mayroon ba itong kahit anong uri na sistema?" Humikab siya at paulit-ulit sinabi sa kanyang isip ang salitang 'sistema', pero wala siyang maisip na tungkol dito.

Totoo nga, ang mga nobela ay kathang-isip lamang.

Hindi mapakali habang naghihintay si Barov sa drawing room. Sa sandaling lumitaw si Roland, nagmadali niya itong pinuntahan at nagtanong, "Kamahalan, bakit hindi ninyo inutos ang bitay kahapon?"

"Mas maaga ng isang araw o isang araw kinabukasan, anong pinagkaiba nito?" Sinabi ni Roland habang pinalakpak ang kamay upang utusan ang mga taga-pagsilbi para dalhin sa loob ang almusal. "Maupo ka at mag-usap tayo."

Ito ay naaayon sa kanyang memorya na ang Chief Knight ay mas gustong magtanong sa harap ng ibang tao, habang ang Assistant Minister ay madalas na gustong palihim ang usapan. Sa anumang kaso, maari niyang pagkatiwalaan ang ang dalawa na maging tapat sa kanya, kahit na malamang ay napipilitan lang ang mga ito dahil sa kanilang tungkulin sa hari.

"Isang araw lang ang kailangan upang magpakita ang ibang mga mangkukulam, kamahalan! Hindi ito katulad ng ibang bagay na walang kabuluhan, hindi kayo pwede kumilos ng hindi pinagiisipan katulad ng dati!" Paalala ni Barov.

"Bakit mo ito sinasabi?" Tanong ni Roland ng nakasimangot. "Akala ko ba kaya mo na makita ang sabi-sabi sa katotohanan?"

Mukhang nataranta si Barov. "Anong sabi-sabi?"

"Na ang mga mangkukulam ay masama at sila ay sugo ng Diyablo," madaliang sagot ni Roland. "Hindi ba't parte ito ng propaganda ng Simbahan? Kung ayaw natin makagambala sila sa ating mga gawin, dapat nating gawin ang kabaligtaran ng kanilang mga sinasabi. Tayo ay sadyang hindi huhuli ng mga witches, at sa halip ay ipahayag sa mamamayanan na ang lahat ng ito ay walang habas na sabi-sabi na ipinapakalat ng Simbahan.

Nagulat si Barov. "Pero… hindi ba't ang mga mangkukulam ay…"

"Masama?" Patanong na sagot ni Roland. "Paano naman?"

Nanatiling tahimik ang Assistang Minister ng saglit, na para bang nanghuhula siya na ang prinsepe ay sadyang pinaglalaruan siya, "Kamahalan, pwede itong pagusapan sa ibang kakataon. Naiintindihan kong hindi mo gusto ang Simbahan, pero hindi makakabuti ang ganitong uri ng conflict."

Nag-ngisi ang mga labi ni Roland. Mukhang ang pagbaliktad ng alamat na tungkol sa mga mangkukulam ay hindi maaring gawin sa loob ng isang gabi, at nagpasya siyang hindi makipagtalo pa sa ngayon.

Dumating na din ang almusal sa mesa, na binubuong piniritong tinapay at itlog, at isang carafe ng gatas. Nagsalin siya ng isang tasa ng gatas at inialok ito kay Barov.

"Hindi ka pa nag-aalmusal diba? Kumain tayo habang naguusap." Ayon sa taga-pagsilbi, dumating si Barov sa labas ng keep ng pagsikat ng araw, at sa malamang ay hindi pa nagkaroon ng oras para kumain. Habang siya'y nagpasyang gayahin ang pamumuhay ng dating prinsepe, nagpasya din siyang simulan baguhin ang paraan ng pagtingin sa kaniya ng mga tao ng kaunti. Bagamat desidido siyang gayahin ang paraan ng paggawa ng dating Prinsepe Roland, ginusto niya din na magkaroon ng pagbabago ng unti-unti. Isang magandang unang target ang Assistant Minister para sa aking plano. Naisipin ni Roland sa kanyang sarili. "Ang pagpapadama na iba ang turing sa isang kasamahan ay nagbibigay motibo na magtrabaho para sa sarili. Hindi ba't ang pagkuha ng inisyatib ay ang pinaka-mainam na paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay?"

Tinanggap ni Barov ang tasa ng gatas galing kay Roland pero hindi niya ito ininom. Balisa niyang sinabi, "Iyong kamahalan, meron tayong problema. Tatlong araw na ang nakakaraan, iniulat ng mga guwardiya na may natuklasang kampo na pinaghihinalaang pinaninirahan ng mga mangkukulam sa kanlurang kagubatan. Nagmadali silang umalis at hindi nila nalinis ang kanilang mga bakas. Nakita ito ng isang guwardiya sa kampo."

Kinuha niya ang isang barya mula sa kanyang bulsa at inilagay ito sa harapan ni Roland. Hindi ito pangkaraniwang pera na nakikita sa Kaharian, ayon sa memorya ni Roland, at hindi pa siya nakakakita ng ganitong uri ng barya. Sa katunayan, hindi ito nagmukhang gawa sa bakal. Kinurot niya ang barya sa kanyang kamay at nagulat na ang barya ay nagiging mas mainit. Ang init ay tiyak na hindi nagmula sa katawan ng Assistang Minister, dahil ito ay mas higit pa sa sa 40 ℃, at dahil dito naisip niya ang heating pads.

"Ano ito?" Tanong ni Roland.

"Akala ko ito ay isang maduming alahas lamang na gawa ng mangkukulam, pero ito ay mas seryoso pa doon." Kinailang tumigil ng saglit ni Barov upang punasan ang kanyang noo. "Ang nakaimprintang pattern ay mas kilala bilang Insignia of the Sacred Mountain and Magic Eye, na kung saan ay ang sagisag ng Witch Cooperation Association."

Pinakiramdaman ni Roland ang hindi pantay na ibabaw ng barya, at hinulaang gawa ito sa fired ceramic.

Sa katunayan, nakita niya sa gitna ng barya na may nakaukit na hugis bundok—ito ay nabuo sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod na triangle, at ang imahe ng isang mata ay nakalagay sa gitna ng mga triangles. Ang mga linya ng tabas ay napaka-crudo, at hinusgahan niya na ito ay pinakintab sa pamamagitan ng kamay.

Tinangka ni Roland na alalahanin ang dalawang salita na "Insignia of the Sacred Mountain and Magic Eye" at "Witch Cooperation Association", ngunit wala siyang nadiskubreng mahalagang impormasyon.

Tila hindi alam ni Prinsepe Roland ang okultismo.

Hindi din inasahan ni Barov na mayroong anumang kaalaman dito si Roland. Ipinagpatuloy niya, "Kamahalan, hindi pa kayo nakakakita ng tunay na witch dati, kaya kaintindi-intindi na hindi kayo namamangha." Tulad natin, maari silang masaktan. Nagdudugo din sila, at hindi mas mahirap patayin kesa sa atin, pero ito ay para lang sa sa mga witch na walang resistensya. Ang buhay ng mga witches na nakatanggap ng kapangyarihan ng Diyablo ay iikli ng sobra, pero makakakuha sila ng kakila-kilabot na kapangyarihan na di kayang pantanyan ng ordinaryong tao. Kapag ang mga witch ay tuluyang nabuo, madudusa ng matindi ang ating mga hukbo. Ang kanilang kagustuhan na gumawa ng masama at kapamahakan ay mahirap pigilan, at sila'y naging mga demonyo na. Samakatuwid ang Simbahan ay nagtatag ng isang Punishment Army, na mag-aaresto at papatay sa kahit sinong kababaihan na natuklasang meron pagkakataon na maging isang witch. Inaprubahan ng Hari ang kautusang ito at sa katunayan ay, ang mga hakbang na ito ay lubos na epektibo at ang mga pangyayari na ang mga witches ay naninira at nagdudulot ng pinsala ay lubhang nabawasan kumpara sa isang daang taon na ang nakakaraan. Ang mga sabi-sabi tungkol sa Holy Mountain, o sa halip, ang Gates of Hell, ay nagmula sa isang sinaunang aklat ng panahong iyon."

Habang nginunguya ni Roland ang kanyang tinapay, ay patuloy na tumatawa sa kanyang puso. Kahit na ang kasaysayan ng munding ito at ng mundong kanyang pinanggalingan ay ibang-iba, ang kanilang historical trajectory ay kamangha-manghang magkatulad. Ang Simbahan ay ang Simbahan pa din; naintindihan niyang ang relihiyon ang tunay na sugo ng Diyablo at ang tunay na pinagmumulan ng kasamaan. Ang pagpatay sa tao ng dahil sa maliit na bagay ay natuklasan, at paggamit sa pangalan ng Diyos para magtalaga ng batas, at pag-aresto, pagsubok at paghatol sa tao, ay mismong isang anyo ng pagkabulok. Ang memorya ng dating Prinsepe Roland tungkol pagabuso ng kapangyarihan ng Simbahan ay sang-ayon sa kanyang mga pananaw.

Walang alam sa naiisip ni Roland, nagpatuloy si Barov, "Ito'y naitala sa mga lumang aklat na ang mga witches ay makakahanap lang ng tunay na payapa sa Holy Mountain. Doon, hindi sila magdurusa ng dahil sa kanilang kapangyarihan, at hindi magugulo dahil sa lumalalang pagnanasa. Walang kaduda-duda na ang tinatawag na Holy Mountain ay ang pinagmulan o lugar ng kapanganakan ng kasamaan at ang pasukan mula sa mundo ng tao patungong impyerno. Sa tingin ko ang impyerno lang ang hindi magpaparusa sa mga witches."

Ipinaliwanag ni Barov na may pag-aalipusta, "Sa nakaraan, ang mga witch ay kumikilos ng mag-isa, patakas man o manirahan ng patago. Pero sa mga nagdaang taon, ang Witch Cooperation Association ay lumitaw at gumawa ng pagbabago. Gusto nilang tipunin ang lahat ng witches at hanapin ang Holy Mountain ng magkakasama. Para sa layuning ito, ang Witch Cooperation Association ay nang-aakit ng mga tao upang maging isang witch, sa Port of Clearwater, maraming mga kaso ng nawawalang babaeng sanggol sa nakaraang taon, at mga may sabi-sabi na kagagawan ito ng mga witches.