Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 1 - Pagiging Isang Prinsipe

Release That Witch (Tagalog)

Second Eye
  • 1498
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 1.5m
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Pagiging Isang Prinsipe

Naramdaman ni Cheng Yan na parang may tumatawag sa kanya.

"Kamahalan, gising na…"

Iniwas niya ang kanyang ulo pero imbis na mawala, lalo pang lumakas ang narinig niyang ingay. Pagkatapos ay naramdaman niyang may marahang humila sa kanyang manggas.

"Kamahalan, aking prinsipe!"

Agad-agad iminulat ni Cheng Yan ang kanyang mga mata. Hindi niya nakita ang mga bagay na kinasanayan niya—wala na ang screen, wala na ang mesa, wala na din ang pader na pinuno niya ng mga Post-it. Napalitan ito ng kakaibang eksena—hilera ng maliit na brick houses, isang pabilog na public square na punong-puno ng tao, at isang hugis-pinto na bitayan na nakatayo sa gitna ng public square. Nakaupo siya sa nakataas na platform sa harapan ng public square. Ang silyang kinauupuan niya ay hindi ang karaniwang soft swivel chair niya, kundi isang malamig at matigas na bakal na upuan. Sa tabi niya ay nakaupo ang isang grupo ng mga tao na tinititigan siya. Ilan sa kanila ay mga batang babae na nakadamit na katulad ng medieval ladies katulad ng mga nakita niya sa mga Western movies at abala silang nagtatawanan.

"Saan sa lupalop ng mundo ito? Hindi ba't nagmamadali akong tapusin ang mga blueprints ko?" Walang laman ang isipan ni Cheng Yan, marahil ay dahil sa pagtratrabaho ng overtime ng tatlung sunod-sunod na araw na naging dahilan kung bakit niya naabot ang kanyang pisikal at mental na limitasyon. Ang tanging naalaala niya ay ang sandaling bumagsak na siya, nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso, at wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang humiga sa kanyang lamesa para magpahinga ng saglit...

"Kamahalan, ipahayag niyo na ang inyong hatol sa lalong madaling panahon."

Ang nagsalita ay ang tao na marahang humila ng kanyang manggas. Bakas ang edad sa kanyang mukha, tila nasa kanyang ikalimampu o ikaanimnapung taong gulang, at may suot siyang puting robe. Sa unang tingin, kamukha niya si Gandalf sa pelikulang Lord of the Rings.

"Nanaginip ba ako?" Ang isip ni Cheng Yan habang dinilaan niya ang kanyang nanunuyong mga labi. "Hatol? Anong hatol?"

Agad din niyang nalaman ang kasagutan. Lahat ng tao sa public square ay nakatingin sa direksyon ng bitayan habang winawagayway ang kanilang kamao at nagisisigawan sa abot ng kanilang makakaya. Ang iba ay namamato pa ng bato ang bitayan.

Sa mga pelikula palang nakakita si Cheng Yan ng sinaunang instrumento ng kamatayan. Ang dalawang poste ng bitayan ay nag-e-extend pataas ng apat na metro mula sa nakataas na base. Ang dalawang dulo ng poste ay konektado ng isang crossbeam, na may mga kinakalawang na metal rings na dinadaanan ng isang makapal na dilaw na abakang lubid. Nakatali ang isang dulo ng lubid sa frame ng bitayan, at ang kabilang dulo ay nakatali naman palibot sa leeg ng mamamatay-tao.

Nadiskubre niyang napakalinaw ng kaniyang paningin sa kakaibang panaginip na ito. Kadalasan ay kinakailangan niya magsuot ng salamin para mabasa ang mga nakasulat sa computer screen, pero ngayon malinaw niyang nakikita ang bawat detalye ng bitayan na may layong limampung metro ng walang suot na salamin.

Nakatalukbong ang ulo ng mamamatay-tao at nakatali ang mga kamay niya sa kanyang likod. Mukhang basahan ang kulay-abo niyang damit. Sa sobrang payat niya, ang kanyang bukong-bukong o ankles—ang tanging parte ng katawan niya na nakikita— ay mukhang mababali kapag kinurot ito. Ang bahagyang nakaumbok na dibdib ang nagtanging bagay nagpa-alam na isa siyang babae. Nanginginig siya ng malakas sa lamig ng hangin, pero kitang-kitang pilit niyang pinapanatili ang kanyang tuwid na pustura.

"Sige," isip ni Cheng Yan sa kanyang sarili, "anong krimen ang ginawa ng babaeng ito para hintayin ng napakaraming tao na bitayin siya?"

Habang nag-iisip siya, biglang bumalik ang mga memorya sa kanya at lumitaw sa harap niya ang sagot sa katanungan niya. Lumitaw ang mga memorya ni Cheng Yan, at sabay niyang napagtanto ang sanhi ng sitwasyon pati na ang sagot sa kanyang katanungan.

Siya ay isang 'witch'.

Ang mga witch ay nag-degenerate matapos mahulog sa tukso ng diyablo at ngayon itinuturing na pagkakatawang-tao ng karumihan.

"Kamahalan?" maingat na himok ni 'Gandalf'.

Tinignan ni Cheng Yan ang matandang lalaki. Ohhh, siya pala ay nagngangalang Barov at hindi Gandalf. Siya ang Assistant Minister of Finance, at nandito siya upang tulungan ako sa government affairs.

At ako naman ang Fourth Prince ng Kingdom of Graycastle na nagngangalang Roland, at namamahala sa lugar na ito na tinatawag na Border Town. Ang mga residente ang nakahuli at nag-aresto sa witch, at dali-dali nilang dinala ito sa Police Station—hindi, ito pala ay ang Court of Justice. Ang warrant sa pagbitay sa mangkukulam ay kadalasang iniisyu ng lokal na panginoon o obispo, kung saan, sa kasong ito, ay ako.

Sinagot ng kanyang memorya ang kanyang bawat tanong. Na para bang ang mga memoryang ito ay nagmula sa kanyang personal na karanasan, sa halip na mga kaalamang nakuha niya lang mula sa matinding pagbabasa. Nagdulot ito ng pagkalito sa kanya. Hindi naman maaring maging detalyado katulad nito ang isang isang panaganip, kaya siguro ay hindi ito isang panaginip? Maari ba na bumalik ako sa sinaunang panahon, sa dark ages ng medieval Europe at naging si Roland? Ako ba'y nagbagong-anyo mula sa isang ignoble draftsman at naging isang marangal na prinsipe?

Kahit na ang maliit na teritoryong ito ay mukhang tiging at tila backward, hindi ko pa nakita ang 'Kingdom of Graycaste' sa kahit anong libro.

Buweno, ano kaya ang dapat kong gawin?

Isasantabi ko muna ang tanong kung paano nangyari ang scientifically impossible tulad ng time travel. Sa ngayon, kailangan ko tigilan ang sirkus na ito. Bago ang sibilisasyon, karaniwan na sinisisi ang mga kalamidad at kamalasan sa mga kawawang witch, pero hindi kayang tanggapin ni Cheng Yan na sila ay kailangan patayin para sa masamang hangarin ng madla.

Inagaw niya ang formal written orders sa mga kamay ni Barov at itinapon ito sa lupa, iniunat niya ang kanyang mga braso at dahan-dahang sinabi, "Pagod na ako! Ipagpaliban muna ang paghahatol sa ibang araw. Court's dismissed!"

Hindi siya kumilos ng walang saysay o hindi pinag-isipan. Sa halip, ito ay alinsunod sa kanyang alaala sa ugali at pagkilos ng prinsipe, ang lahat ng ginawa niya ay pag-re-reenact lang ng kanilang nararapat na pamamaraan. Ang Fourth Prince na si Roland, ay totoong kasuklam-suklam, at ginagawa ang anumang gustuhin niya. Tiyak na napaka-imposible para sa dalawampung taon-gulang na suwail na prinsipe ang maging isang marangal na nilalang.

Ang mga miyembro ng mga maharlika o noble na nakaupo sa paligid niya ay tila hindi nagtataka, ngunit isang matangkad na lalaki na may suot ng baluti o armor ang tumayo at nakipagtalo. "Kamahalan, hindi ito isang biro! Lahat ng witch ay dapat agad ipapatay kapag nakilanlan, okung hindi anong magaga natin kapag sinubukan siya iligtas ng iba pang mga witch? Masasangkot ang simbahan o iglesia kapag nalaman nila ito."

Carter Lannis. Ang gwapong lalaki na ito ay ang aking Chief Knight. Napasimangot si Cheng Yan at sumagot, "Bakit? Natatakot ka ba?" Ang kanyang boses, na puno ng pangungutya, ay nagtunog natural. "Paano ang isang lalaki, na ang braso ay mas makapal pa sa katawan ng isang normal na tao, ay nag-aalala na mapasok ang mga mangkukulam sa bilangguan natin? Talaga bang iniisip niya na ang mga mangkukulam ay tagapagsalita ng Diyablo?" "Hindi ba't mas makakabuti kung humuli pa nang ilang mga witch?"

Habang nanatiling tahimik si Carter, sumensyas si Cheng Yan sa kanyang personal na guwardiya at umalis. Panandaliang pinagisipan ni Carter bago siya nagpasya na sumunod at humabol sa mga guwardiya at naglakad sa gilid ni Prinsipe Roland. Nagsitayuan ang ibang mga maharlika at nagbigay galang sa prinsepe, pero nakita ni Cheng Yan ang iring at paghamak sa kanilang mga mata.

Habang pabalik sa Keep, na itinuturing na kastilyo sa timog ng Border Town, inutusan niya ang kaniyang mga guwardiya na huwag papasukin ang nagbabalisang Assistant Minister upang siya mismo ay makakuha ng isang maikling pahinga.

Bilang isang tao na kadalasan ay 90 porsyento ng kaniyang oras ay nakaupo isa isang harap ng kompyuter, nahigitan niya ang kanyang sarili ng magsalita siya sa harap ng maraming tao. Gamit ang bagong nakuhang memorya, natagpuan ni Cheng yan ang kanyang silid, at umupo sa kama para magpahinga ng matagal at di kalaunan bumalik din sa normal ang tibok ng kaniyang puso. Sa ngayon, ang pinakaimportanteng bagay ay i-klaro ang kaniyang sitwasyon. "Bakit hindi naninirahan ng kumportable ang prinsepe sa King's City, at sa halip ay ipinadala dito sa isang desolate land?"

Biglaang sumulpot ang sagot at siya ay naiwang namamangha.

Pinadala si Roland Wimbledon dito upang makipaglaban para sa trono.

Nagsimula ang lahat ng ito nang sabihin ng Hari ng Graycastle na si Wimbledon III, "Ang tagapagmana ng kaharian na ito ay hindi mababase sa edad, kundi sa kakayahan sa pamamahala." Pagkatapos ay ipinadala niya ang kanyang mga anak na lalaki at babae upang mamahala ng iba't-ibang teritoryo, at pagkatapos ng limang taon, saka lang siya magpapasya kung sino ang tagapagmana base sa antas ng kanilang pamamahala.

Kahit na ang ideya ng meritocracy at gender equality ay progresibo at futuristic, napakahirap nitong ipatupad sa katunayan. Sino ang magagarantiya na ang bawat isa sa limang anak ay nahaharap sa pare-parehas na kundisyon sa simula? Matapos ang lahat, hindi nga naman ito isang real-time strategy game. Ayon sa kanyang bagong kaalaman, ang pangalang prinsepe ay nabigyan ng mas maayos na teritoryo kesa sa Border Town. Sa katunayan, sa kanilang lima, walang teritoryo na kasing sama sa Border Town, at sa gayon nagkaroon siya ng isang malaking desbantaha o disadvantage.

Higit pa rito, nagtataka siya kung paano huhusgahan ang antas ng pamamahala. Sa pamamagitan ng populasyon? Sa lakas ng militar? Sa katayuan ng ekonomiya? Hindi sinabi ni Wimbledon III ang pamantayan, hindi din niya nilagyan ng kahit ano mang klase ng restriksyon ang pamamaraan ng kanilang kumpetisyon. Sa pagkakataon na merong palihim na ipinapatay ang ibang kandidato, anong gagawin niya? Hahayaan nalang ba ng reyna na magpatayan ang mga anak niya? "Saglit…" Maingat niyang inalala ang iba pang memorya. "Oo nga pala, isa pang masamang balita ay namatay na ang reyna limang taon na nakakalipas."

Nagbuntong-hininga si Cheng Yan. Ito ay malinaw na isang barbariko at madilim na panahon sa pyudal na panahon. Sa paraan palang na gusto ng mga tao walang saysay na pumatay ng mangkukulam ay sapat na ubang mabigyan siya ng ilang mga pahiwatig. Gayunpaman, kahit hindi niya makamit ang pagmamana, siya ay habang-buhay na mananatiling isang blood prince ng Graycastle, at magiging panginoon ng teritoryo hanggang sa sya'y nabubuhay.

Higit pa rito, ano namankung magiging hari ako? Wala naman internet o ibang bagay na ginhawa ng modernong sibilisasyon. Katulad ng mga lokal, ang tanging masayang bagay na nagawa ko ay ang pagsunog ng mga mangkukulam. Ang paninirahan sa isang lungsod na kung saan ang tae ay itinatapon nalang sa kahit saan, hindi ba ako mamatay ng dahil sa Black Death?

Pinigilan ni Cheng Yan ang kanyang nagugulong kaisipan at naglakad siya patungo sa salamin ng kanyang silid. Ang lalaking nakatingin sa kanya pabalik sa salamin ay may kulay-abo na buhok, na natatanging katangian ng maharlikang pamilya. Bagamat ang tampok ng kanyang mukha ay regular, wala itong maayos na hugis at tila walang disposisyon ng isang maharlika. Halata sa kanyang maputlang mukha na kulang siya sa ehersisyo. Naalala niya mula sa kanyang bagong mga alaala na hindi siya nalulong sa alak o kakabaihan. Pero nagkaroon din siya ng ilang sekswal na relasyon sa King's City, lahat ito ay konsensual. Hindi siya nagpilit ng kahit sino kelanman.

Natuklasan din niya ang maaring dahilan ng kaniyang time travel. Dahil sa pamamadali sa kanya ng kumpanya na magkaron ng progreso sa kanilang proyekto, inayos ng kaniyang boss ang magkakasunod na araw na gawaing obertaym para sa kanya na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay dahil sa kapaguran. Ang kadalasan biktikma ng ganitong kaso ay mga coders, mechanical engineers, at programmers.

"Hayaan na, kahit anong mangyari, nakakuha parin naman ako ng panibagong buhay at hindi dapat ako masyadong magreklamo." Nagsimula niyang maintindihan mulat na dapat siyang magsaayos sa buhay niyang magdaraan, ngunit sa ngayon, ang pinakaimportanteng misyon ay ang maayos na umakto bilang si Prinsepe Roland at hindi hayaan na malaman ng sinuman. Kung hindi, baka maniwala ang iba na na-possess ng Diyablo ang tunay na Prinsepe Roland, at agad-agad siyang sunugin sa isang tukod o stake. "Kaya, pinakamahalaga, ay mabuhay ng matiwasay." Humingang malalim si Cheng Yan, at bumulong sa salamin, "Mula ngayon, ako na si Roland."