Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 18 - MAS NAKAKAKILABOT KAYSA SA INIISIP NIYA

Chapter 18 - MAS NAKAKAKILABOT KAYSA SA INIISIP NIYA

Ang matagal na niyang kaibigan na ito ay hindi kailanman nahiya na utusan siya.

Bilang ganti, pinili niya ang pinakamahihirap na titulo na kanyang nakita…

Natatakot si Junting na hindi maintindihan ni Xia Zhi ang mga aklat na ito, pero si Xia Zhi mismo ang humiling na ang kailangan niya ay ang pinakamahihirap intindihing libro na mayroon siya.

Nasorpresa si Junting sa ipinagbago ni Xia Zhi sa loob ng kaunting panahon.

Wala siyang ideya na humihiram ito ng aklat para sa ibang tao.

"Narinig mo naman ang usapan naming dalawa, hindi ba? Ang mga aklat na iyon ay para sa kaibigan niya," sabi ni Junting kay Mubai.

Tumango si Mubai habang nagsasabi, "Iyong taong nabanggit mo na may perfect coding skill?"

"Oo. Para lamang sa mini-game iyon pero makikita mo ang proficiency ng programmer. Ikaw mismo ang nakakita, hindi ba isa iyon sa pinakamahuhusay na gawa na nakita mo?"

"Tama ka pero iilang linya lamang iyon ng codes. Baka naman masyado ninyong na-overestimate ang programmer, marami pang kaalaman sa programming kaysa sa code-writing," sabi ni Mubai, "In any case, kayo na ang bahala sa security system upgrade. Tapusin ninyo bago magsimula ang Hacker Competition."

"Huwag kang mag-alala, iyan ang specialty natin. Mag-o-overtime ako para makasiguradong maayos at upgraded na ang system bago ang kumpetisyon," seryosong sagot ni Junting. Tumango si Mubai bago umalis.

Nagmamadaling bumalik si Junting sa kanyang trabaho.

Nakikini-kinita na niya sa hinaharap ang mga gabing walang tulugan dahil kahit sa papel ay simple ang dating ng system update, sa katotohanan ito ay mas kumplikado.

Dahil ito sa bagong system na ginawa para matagalan ang hacking attacks.

Ito ang layunin ng Hacker Competition at naririnig niya na ang mga hacker na sasali sa taong ito ay higit na mahuhusay kaysa sa mga sumali noon.

Ang kompetisyon sa online business ay mas nagiging mahirap sa mga nagdaraang taon.

Ang bawat kumpanya ay gumagawa ng pinakamatatag na defense software dahil ang kapalpakan dito ay nangangahulugan ng unti-unting pagkasira ng kumpanya.

Kinakailangang siguraduhin ni Junting na manatiling matatag ang kumpanya ni Mubai hanggang sa matapos ang Hacker Competition para mapangalagaan ang pangalan at integridad ng kumpanya.

Dahil sa ang kumpanyang ito ay joint business venture ng Tang Family at Xi Family.

Nasiyahan si Xinghe sa mga librong dala-dala ngayon ni Xia Zhi.

Ngunit natapos din niya itong muli sa pinakamadaling panahon…

Nasanay na si Xia Zhi sa inhuman-like ability ng kapatid kaya hindi na siya nasusorpresa.

Ang mas nasorpresa ay si Junting. "Natapos na niya ito kaagad?" nagulantang si Junting ng isinauli na ni Xia Zhi ang mga libro.

"Oo, sabi niya ayos naman ang mga libro pero… mayroon ka pa daw ba na mas mahirap pa dito?" pabulong na tanong ni Xia Zhi dahil naisip niyang sumosobra na din ang kanyang ate.

Nagsususpetsa na din siya kung tao pa ba ang kapatid.

Paanong nagkaroon silang dalawa ng malaking pagkakaiba sa talento gayong pareho naman silang may dugo ng Xia Family?

Baka naman ampon lamang siya.

Nagulat si Junting sa kakaibang tanong na ito. Nakakabaliw na nga na ang mga libro ay natapos basahin sa loob ng isang araw, pero ang taong ito ay humihingi pa ng mas mahirap na libro?

Ang mga libro na ito ang pinakamahihirap na intindihin na mayroon siya!

Ang kaibigang ito ni Xia Zhi ay mukhang mas nakakakilabot kaysa sa iniisip niya.

Sumeryoso ang mukha ni Junting at inilagay niya ang kanyang braso sa balikat ni Xia Zhi, "Junior, huwag ka na maglihim sa iyong senior. Sino ba itong kaibigan mo? Ipakilala mo na siya sa akin."

"Senior, hindi sa ayaw ko siyang ipakilala sa iyo, pero ayaw pa niyang ilahad ang pagkakakilanlan niya sa ngayon. Ipinapangako ko sa oras na gusto na niya, ikaw ang una kong sasabihan," sabi ni Xia Zhi.

May mga kakaibang ugali ang mga henyo; alam ni Junting iyon.

Hindi na niya pinilit pa si Xia Zhi na magsabi pa kaya tinulungan na lamang niya itong maghanap pa ng libro. Bago umalis si Xia Zhi, sinabi niya, "Xia Zhi, paprangkahin na kita. Kung kailangan ng kaibigan mo ng trabaho, sabihin mo sa kanyang puntahan ako. May naghihintay na pwesto agad para sa kanya."

Masayang-masaya si Xia Zhi sa narinig. Masigasig siyang tumango, "Thank you, makakaasa kang makakarating ito sa kanya!"

Nagmamadaling bumalik sa ospital si Xia Zhi, sabik na sabihin kay Xinghe ang magandang balita.