Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 24 - MASAYA SI DADDY NGAYON

Chapter 24 - MASAYA SI DADDY NGAYON

Nagpakilala si Xinghe sa isang nakakagulat na paraan kung kaya nakuha niya ang atensiyon ng ilang malisyosong hackers!

Pero matapos ang buong gabi ng paglalaban, walang sinuman ang nakatuklas ng kanyang tunay na katauhan. Natalo niya ng tuluyan ang mga ito…

Ang grupo ng mga hacker na ito ay may pakiramdam na ang online world ng Hwa Xia ay sasailalim sa malaking pagbabago sa hinaharap.

Ang tunog ng telepono ang gumising kay Mubai para ipaalam ang pangyayaring ito.

Ang hindi makapaniwala na si Junting ay nagsasalita sa kabilang linya, "Hindi ito kapani-paniwala. Wala man lang babala, napasok ni 001 ang ating bagong security system. Pati na din ang iba pang produkto ng mga ibang kumpanya, nadale din niya. Nagbigay pa nga siya ng calling card para sa top 50 hackers ng City T na nagsasabing kakalabanin niya itong lahat. Narinig ko ang balita mula sa ibang sources at hinamon ko din siya, alam mo ba kung ano ang kinalabasan?"

Nagsalita si Mubai sa kanyang Bluetooth earphone habang malumanay na isinusuot ang kanyang kamiseta, "Natalo ka niya ng walang kaabug-abog?" May namumuong interes sa kanyang boses.

"Oo, nagawa nga niya. Ang pinakamalaking isyu dito ay natalo niya ako sa loob ng kalahating oras!" himutok ni Junting habang ramdam niya ang pagkapahiya niya.

Maituturing nga na isa siyang programming expert.

Pero ang katotohanang natalo siya sa loob ng 30 minuto ay nagpapatunay na isang halimaw ang kanyang nakaharap!

Sigurado siya sa iisang bagay, na ito ang pinakamagaling na hacker na nakaharap niya.

Maaaring hindi din ito ang pinakamagaling. May nakaharap din siyang isa pang hacker na halimaw din sa tunay na buhay, at ang taong iyon ay si Xi Mubai.

Pabirong pang-aasar pa ni Mubai, "Sigurado ka bang hindi ka nagsisinungaling sa akin? Sinasabi mo sa akin na 30 minuto pero ang katotohanan ay 10 minuto lang."

"CEO Xi, ganyan mo ba tratuhin ang kaibigan mo?" kunwari ay nagtatampo si Junting.

Naisip niyang ibaba na ang telepono.

Sa bandang huli, napatawa na lang si Junting. "Well, hindi ko maiwasang hindi mapahiya sa pagkakatalo sa kaniya, isa siyang henyo. Pero mukhang matindi ang pangangailangan sa pera ng 001 na ito. Wala siyang sinayang na oras o salita sa akin pagkatapos niyang makuha ang napagpustahang pera, kaya pagkatapos ng one-on-one namin ay nag-iwan ako ng mensahe sa kanya gamit ang pangalan ng kumpanya mo. Kapag pumayag siyang magtrabaho para sa atin, pinangakuan ko siya na babayaran natin siya ng halagang kanyang itatakda. I hope na hindi ka galit na ginamit ko ang pangalan ng kumpanya mo. Kailangan ko kasing kumilos agad at baka masulot pa siya ng kakumpetensiya mo."

Agad na sumagot si Mubai, "Hindi, ayos lang iyon. Kailangan natin ang talentong tulad ni 001."

"Tandaan mong may utang ka sa akin pag pumayag siya."

"Fine… Mag-usap na lang tayo mamaya."

Napaisip si Mubai pagkatapos ng kanilang usapan, sino nga ba itong si 001?

Isang bagong tao na umeksena, at pagkatapos ng kaguluhan ang tangi nitong hinanap ay pera?

Kahit ano pa ang intensiyon ng taong ito, gagawin ni Mubai ang lahat ng kanyang makakaya upang mahikayat si 001 na magtrabaho para sa kumpanya niya.

Tulad ng kasabihan, it takes one to know one. Sa kaso ni Mubai, it took one to appreciate one.

Kailangang makatagpo ni Mubai ang 001 na ito.

Ang katotohanang may isa pang hacker na kasing talentado tulad niya sa mundo ang nagpangiti sa kanya.

Habang nag-aagahan, napansin ni Xi Lin na may kakaiba sa kanyang tatay.

"Daddy, mukhang masaya ka, may nangyari po bang maganda?" tumingin si Xi Lin sa kanyang ama.

Si Ginoong Xi at Ginang Xi din ay tumingin sa kanya.

Hindi palaimik si Mubai, at palaging iisa ang ekspresyon nito sa mukha at iyon ay ang pagwawalang-bahala. Kaya mahirap alamin kung siya ba ay masaya o hindi.

Tanging ang kanyang mga malapit na kapamilya ang nakakakuha ng non-verbal cues kung ano ang kasalukuyang lagay ng kanyang mood.

"Tama si Lin Lin. May mangyayaring maganda pero mamaya pa iyon. Ang father mo ay sasamahan si Tianxin para isukat na ang kanyang damit pangkasal kaya masaya siya," paliwanag ni Ginang Xi.

Napatanong si Mubai, "Damit pangkasal?"