Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 23 - A BLACK HORSE

Chapter 23 - A BLACK HORSE

Malaki ang ipinagbago ni Xia Zhi ng gabing iyon.

Mas naging matino at matatag siya ngayon.

Malaki ang impluwensiya ni Xinghe sa pagbabago ng kanyang ugali, pinalakas ang kanyang loob at pinatatag ang kanyang isipan upang matatag na harapin ang mga pagsubok sa kanilang buhay ng may matibay na resolba.

Makalipas ang maraming taon, kapag siya ay matanda na, ang gabing iyon ay mananatiling pinakamemorable sa kanya.

Ang mahinang katawan ng kanyang ate ng lisanin nito ang ospital upang gumawa ng himala at mag-isa nitong binago ang kanilang pamumuhay ay mananatiling nakaukit sa kanyang isipan.

Ang tunay na bayani sa kanyang buhay: si Xia Xinghe!

At natapos na din ang mahabang gabi.

Winakasan ni Xinghe ang napakaraming sistema.

Nang maramdaman niyang tama na ang kanyang ginawa, itinigil niya ang kaniyang mga daliri, kinusot ang kanyang pagod na mga mata at pagod na umalis sa café.

Pagbalik niya sa ospital, bago pa man siya makarating sa silid ng kanyang tiyo, ay nakita niya na patakbo siyang sinasalubong ni Xia Zhi.

Nag-aalala magdamag sa kanya si Xia Zhi. Napawi lamang ang pag-aalala nito ng matanawan na siyang paparating.

"Sis, ayos ka lang ba? Ano ang pakiramdam mo, saan ka ba nagpunta kagabi?" sunud-sunod na tanong ni Xia Zhi nang makalapit ito sa kanya.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Magdamag ako sa internet café. Zhi, sapat na ba ang pera natin?"

"Oo!" masayang sabi ni Xia Zhi, "Sis, ang galing mo, mayroon na tayong mahigit-kumulang na 400000 RMB!"

Nalagpasan ni Xinghe ang halagang 300000 RMB na kailangan ni Chengwu para sa operasyon nito.

Walang pagsidlan ng tuwa si Xia Zhi.

"Sis, you're my hero!" nagniningning ang mga matang pagbibigay-pugay ni Xia Zhi, "Ate, sabihin mo sakin please, paano mo kinita ang ganoong kalaking halaga ng pera sa isang gabi!"

Noon lamang napansin ni Xia Zhi ang maputlang mukha ni Xinghe, namumulang mga mata at maiitim na eyebags sa ilalim ng mata nito.

Ang mga nakaraang taon ay hindi naging mabuti para kay Xinghe, ngunit mas malala ang hitsura niya ngayon.

Mabait na sinabi ni Xia Zhi sa kanya, "Ate, magpahinga ka na kasama si tatay. Ibibili kita ng paborito mong dumplings at drumsticks para sa agahan mo. Matulog ka na at ako na ang bahala sa lahat."

"Okay," tango ni Xinghe at nagtungo sa silid kung saan naroon si Chengwu.

Mayroong maliit na couch para pahingahan ng pamilya ng pasyente sa silid ni Chengwu. Doon nahiga si Xinghe, nagtalukbong ng kumot at payapang natulog.

Mahimbing ang tulog ni Xinghe sa pagod samantalang si Xia Zhi ay masayang namimili ng agahan nila.

Walang kaalam-alam ang dalawa na ang ginawa ni Xinghe noong nakaraang gabi ay nagdulot ng kaguluhan sa online world ng Hwa Xia.

Sa loob ng isang gabi, ang hacker na may codename na 001 ay naging bukambibig ng mga tao sa IT industry.

Ang 001 na ito ang humamon sa top 20 hackers sa Hwa Xia sa isang gabi at tinalo niya itong lahat!

Agad din niyang na-neutralisa ang pinakabagong security system ng Xi Empire na kakalabas lamang ng taong iyon, at lahat ng iba pang system na inilabas ng mga maliit na kumpanya ay ganoon din ang sinapit.

Kung iisipin, lahat ng mga sistemang ito ay binuo ng mga magagaling na security team sa Hwa Xia!

Ang mga system na ito ay nagawang pigilan ang ilan sa mga kilalang hackers pero nahack itong lahat ni 001 sa isang gabi lamang!

Tulad ng isang dark horse, nag-iwan ng bakas si 001 sa mundo ng mga hacker ngunit hanggang doon lamang iyon. Walang iniwang bakas na magbibigay ng tunay niyang pagkakakilanlan sa totoong mundo si 001.

Noong nakaraang gabi, dahil kay Xinghe, ang online world ng Hwa Xia ang pinaka-abala kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.