"Ang mga bayarin ay aabot ng 300,000 RMB."
"300,000?" Hindi lubos maisip ni Xia Zhi ang laki ng halagang kailangan nila.
Kahit na ibenta at isangla na nila ang lahat ng mayroon sila, aabot ito ng humigit-kumulang sa 5000 RMB lamang.
Nabubuhay sila sa halagang 2000 RMB kada buwan kaya ang 300000 RMB ay halagang hindi niya lubos na maisip.
Ngunit alam niyang kritikal ang lagay ng kanyang ama ngayon.
Dalawang taon na niyang sinusubaybayan ang panghihina ng kalusugan ng ama. Mukhang dumating na ang panahon na kinakatakutan niya.
Isa pa, ang ipapalit na kidney ay pawang imposibleng mahanap. Ang katotohanang may available na kidney at schedule para sa operasyon sa maikling panahon na ito ay nangyayari lamang sa mga kathang-isip. Sa madaling salita, wala ng iba pang tsansa na mangyari ulit ito.
Pero, saan niya hahanapin ang 300000 RMB?
Nagkaroon ng ideya si Xia Zhi at kinausap niya ang doktor, "Doctor, pwede po ba ninyong panatilihing bukas ang opsyon na ito para sa amin? Bibigyan po naming kayo ng sagot pagkatapos ng usapan namin."
Tumango ang doktor, "Sige pero kung nais ninyong ituloy ang operasyon, pakibayaran na ang hospital bill at operation bill sa billing counter. Ayoko namang madaliin kayo pero alam naman ninyo ang mga pagkakataong ito ay napakabihira."
"Salamat po, doc. Babalikan po kita as soon as possible," sabi ni Xia Zhi ng tumatango-tango.
Pag-alis ng doktor, kinausap niya si Xinghe, "Sis, hindi natin maaaring palampasin pa ang transplant. May ideya ako, dahil nangako na sa akin si senior na kukuhanin niya akong magtrabaho sa kumpanya niya, pipirma ako ng lifetime working contract sa kanya kapalit ng pag-utang ko sa kanya!"
Tahimik na nakaupo si Xinghe, pinagmamasdan ang walang-malay na si Chengwu.
Nang kinausap siya ni Xia Zhi, humarap siya dito at nagsabi, "Magkano na lang ang pera na mayroon tayo?"
Malungkot na tumugon si Xia Zhi, "Wala na masyado, pagkatapos nating bayaran ang hospital bills, may naiwan pa sa ating 50 RMB…"
"Ibigay mo iyan sa akin," sabi ni Xinghe ng nakalahad ang kamay.
Nasorpresa si Xia Zhi pero ibinigay niya ang natitira nilang pera.
"Ibigay mo din sa akin ang bank account number mo," dagdag ni Xinghe.
Nagtanong si Xia Zhi, "Ate, ano ang pinaplano mong gawin?"
"Lalabas lang ako at gagawa ng paraan. Kapag nakatanggap ka ng mga mensahe mula sa bangko ng incoming money transfer, i-approve mo agad," paliwanag ni Xinghe.
Nabahala agad si Xia Zhi. Pinipigilan niya si Xinghe, "Ate, ano ang iyong pinaplano? Huwag kang magpapadalus-dalos, ako na ang bahala maghanap ng pera, mayaman ang senior ko at mabait naman siya sa akin, sigurado akong pagbibigyan niya ako sa hiling ko."
"Masyado kang nag-aalala, wala naman akong gagawing illegal. Ibigay mo na sa akin ang account number mo, nauubusan na tayo ng oras," sambit ni Xinghe.
May duda man ng kaunti si Xia Zhi pero naniniwala siya sa kapatid na wala itong gagawing pagsisisihan nito kaya ibinigay niya ang kanyang account number.
Bago umalis si Xinghe, nag-aalalang nagtanong pa si Xia Zhi, "Ate, ano ba talaga ang pinaplano mong gawin? Computer crime is a criminal offense…"
Nginitian siya ni Xinghe, pinapayapa ang kanyang kalooban, "Zhi, ang masasabi ko lang sa iyo ay wala kang dapat ipag-alala. Basta huwag mong kalimutan na aprubahan ang mga transaksyon."
Hindi lubos maisip ni Xia Zhi kung paano siya kikita ng 300000 RMB sa maiksing panahon. Ang programming skills niya ay nakakabilib pero hindi naman iyon magbibigay sa kanila ng malaking halaga ng pera sa kakaunting oras na mayroon sila.
Kung madali lang kumita ng pera sa propesyon nila, lahat sana ay nagprogrammer na lang.
Katulad ng iba pang propesyon, matagal kumita ng pera dito.
Ngunit wala ng iba pang pagpipilian pa si Xia Zhi kung hindi manalig sa kanyang ate.
Ang payapang hitsura ni Xinghe ang nagpakalma sa kanya sa ospital, habang hawak ang kanyang lumang modelo ng telepono.