Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 19 - Nagulat ang Dalawang Matanda

Chapter 19 - Nagulat ang Dalawang Matanda

Chapter 19: Nagulat ang Dalawang Matanda

Nagdalawang isip pa si Ning Xi kung dapat ba siyang tumawag o hindi pero sa huli ay tumawag rin siya.

Dahil sa nangyari limang taon ang nakararaan, 'di siya magiliw sa mga bata at halos iwasan niya pang mapalapit sa mga ito.

Mapapaisip lang kasi siya ng malulungkot na ala-ala at iisipin lang ang nawala niyang anak…

Binigyan siya noon ng pag-asa ng batang dinala niya, pero kumakatawan din ito sa pinakamaruming bahagi ng nakaraan niya.

Sa 'di malamang dahilan, 'di sya naiilang kay Little Treasure. Bagkus, tuwing nakikita niya ito, lalo niyang nagugustuhan ang bata at 'di niya maiwasang naisin na mapalapit dito.

Nakakapanibago talaga.

"Hello…hello?" kumonekta na ang tawag pero walang tunog.

Alam ni Ning Xi na si Little Treasure na nga 'yun at bahagya siyang natawa. "Si Little Treasure na ba ang kausap ko? Pasensya ka na ah kakatapos lang magtrabaho ni tita at kakaalala ko lang na tawagan ka."

'Di sasagot si Little Treasure kaya ang tanging magagawa ni Ning Xi ay magsalita na parang kausap ang sarili. At dahil walang partikular na pag-uusapan, kailangan niyang mag-isip ng sasabihin.

"Darling, kumain ka na ba? Masyado kang payat, kaya kailangan kumain ka nang marami, okay?"

"'Di dapat mapili ang mga bata dahil 'yun lang ang paraan para mabilis kang lumaki. Sa totoo niyan, lalo kang magiging cute kapag naging mas chubby ka pa! Pero ngayon naman cute ka pa rin eh…"

"Oh, siya nga pala, nakita ko sa TV na may successful business deal na napagtagumpayan ang daddy mo. Ang galing niya 'no kaya tulungan mo akong i-congratulate siya!"

Pagkalipas ng sampung minuto, ibinaba ni Little Treasure ang telepono at inilabas ang tablet niya na matagal nang 'di ginagamit.

Agad siyang may isinulat: Congratulations.

Kahit na 'di nagsasalita si Little Treasure, mahusay siya sa Chinese at English. Pakiramdam nga lang niya ay masyadong nakakaabala magsulat sa Chinese kaya kadalasan ay sa English siya nagsusulat.

Gayunpaman, hindi siya nagsulat sa mahabang mahabang panahon.

Dahil nga 'di niya nais makipagusap.

Lubos na nagulat ang dalawang matanda.

Nasaksihan na ito dati ni Lu Jingli kaya mahinahon na siya tungkol dito.

Pasikretong narinig ni Lu Tingxiao ang mga sinabi ni Ning Xi sa telepono kaya nang makita niya ang salita sa whiteboard, ang karaniwang walang damdamin niyang mukha ay nagpakita ng pambihirang ngiti at saglit na kinuskus ang ulo ng anak. "Thanks."

Pagkatapos ni Little Treasure magsulat, nagsimula na siyang seryosong kumain ng hapunan.

Kinakain rin niya ang mga carrots na ayaw na ayaw niya.

Nanatiling sa lubhang kataka-takang katahimikan ang dalawang nakatatanda.

Ngumiti ang panganay nila, nagsulat ang apo nila, kumakain ng hapunan mag-isang ang mabait na bata, at kumakain pa ito ng carrots…

Nang nakabawi na mula sa pagtataka si Madam Lu ay kaagad siyang nagtanong, "Jingli, anong sabi ng babae sa telepono kay Little Treasure ngayon lang?"

Bakas sa mukha ni Master Lu na gusto niya ring malaman.

Dahil sa tanong ng mga magulang, dahan-dahang sumagot si Lu Jingli, "Wala naman po masyado. Sabi lang niya 'wag maging mapili sa pagkain si Little Treasure at kung pwede ay magparating siya ng congratulations kay kuya."

'Di makapaniwala si Madam Lu. ""Yun na 'yun?"

Napakibit-balikat lang si Lu Jingli. "Ano pa po ba dapat?"

Bakas ang pasasalamat sa mukha ni Master Lu. "Isang tawag lang mula sa babaeng ito ay ganito na kalaki ang nagagawa. Mas mabuti pa ang mga resulta nito kaysa sa isang taong pakikipagtulungan sa isang psychiatrist.

"Oo nga!" si Madam Lu ay sabay na nagulat at nagalak. "Hindi na rin masama ang babaeng ito ah. Tingxiao, galingan mo!"

Lu Tingxiao: "Opo."

'Di na binigyan ng isa pang tingin ni Madam Lu ang kanyang panganay bago bumaling sa bunso. "Old Two, 'yang kapatid mo parang piraso ng kahoy. 'Di niya alam paano sumuyo ng babae kaya kailangan mo siyang tulungan, naiintindihan mo?"

"Ngayon nakikita niyo kung gaano ako kapaki-pakinabang!" humalakhak si Lu Jingli. "Relax, siguradong gagamitin ko ang lahat ng kaalaman ko sa tamabuhay na 'to para tulungan si kuya! Pero kailangan nating gumawa ng deal na kayong dalawa ay 'di pwedeng makialam! Ang mga magulang ang pinakamadaling paraan para masira ang mga relasyon!"

Pumayag ang dalawang nakatatanda. "Oo, oo. Naiintindihan namin, nagtatanong lang kami!"