Chapter 22: Agad na Pagtawag ng Emergency Backup
"Kuya, 'di natin pwedeng ipagpatuloy 'to, bakit 'di na lang natin papuntahin si Ning Xi?"
"'Di natin siya pwedeng tawagan," diretsong pagsagot ni Lu Tingxiao.
Pinilit pa rin ni Lu Jingli na himukin ang kapatid. "Kuya, bata si Little Treasure, hindi empleyado. 'Wag ka naman masyadong mahigpit sa kanya, wala naman sigurong problema sa kaunting pag-spoil sa kanya. Sino bang bata ang 'di nag-tatantrum?"
"Wala ka sa lugar para turuan ako kung paano palakihin ang anak ko," may paghihigpit sa ekspresyon ni Lu Tingxiao. Makikitang determinado siyang 'wag sanayin si Little Treasure na kumilos nang ganito para makuha ang gusto niya.
Isang sakit sa ulo para kay Lu Jingli ang maipit sa gitna ng mag-ama.
Kapag lumala ang sitwasyon at malaman ng mga magulang nila, lilitaw rin ang nangyaring pagdadala niya kay Little Treasure sa wine bar sa oras na suriin nila ang nangyari.
Diyos ko, sana may magligtas sa kanya!
Nang habulin ni Lu Tingxiao si Little Treasure, patagong nagtext si Lu Jingli kay Ning Xi.
…
Noong gabing 'yun, nasa bahay lang si Ning Xi at nagbabasa ng kanyang script habang may mga kausap online.
Evil Fairy King: Little Ning Xi, 'di mo ba pwedeng palitan 'yang baduy mong QQ name? Ang sakit sa mata!
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: At hindi masakit sa mata ang Evil Fairy King? Ikaw pa may ganang pumuna sa'kin?
Evil Fairy King: Ahem, pabalik na ako next month, sunduin mo ako sa airport!
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: 'Di ako pupunta, busy ako.
Evil Fairy King: Sunduin mo 'ko!
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: Sabi ko busy ako!
Evil Fairy King: Pupunta ka o hindi?
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: Ayaw kang kausap ng other party at babatuhin ka ng aso.
Evil Fairy King: Sasaluhin ng other party at pagsasamantalahan ito.
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: Pakiramdam ng aso ay tinusok lang siya ng karayom.
Evil fairy King: F***! How are you dirtier than me! Saka anong karayom ka diyan!
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: Ikaw kaya nagsimula, ayoko na makipagbiruan sa'yo, kailangan ko pa aralin 'yung script ko.
Evil Fairy King: Minor role lang 'yan, ano'ng aaralin mo diyan! We used to date, ganyan ka na ba kamanhid?
Loneliness Like Neverending Arrows in the Void: Marami na akong naka-date, pang-ilan ka ba?
Evil Fairy King: Little Ning Xi! Maghintay ka lang!
Pinatay ni Ning Xi ang kanyang computer para mag-focus sa script.
Matapos magbasa ng ilang sandali, nag-ring ang cellphone niya at may 'di pamilyar na phone number.
Nag-alala siya na baka 'yun ang production team kaya agad niyang sinagot ang tawag.
"Hello, Ning Xi, help!!"
"Sino to?"
"Si Lu Jingli 'to, dali pumunta ka ng Platinum Palace. May nangyari kay Little Treasure!"
"Ano? Anong nangyari kay Little Treasure?" biglang nakaramdam ng kaba si Ning Xi.
"Basta emergency, pakidalian, please, dali… Kuya kuya kuya, pwede ba kalma lang…bata lang 'yan…Little Treasure, Little Treasure, 'di mo pwedeng basagin 'yan…ah…"
Mukhang seryoso talaga si Lu Jingli at lalong ninerbyos si Ning Xi sa narinig na pagkabasag at pagkasira sa telepono. Dali-dali siyang nagpalit at sinabing, "Papunta na 'ko!"
'Di niya rin alam kung ano ang mali sa kanya pero 'di siya mapakali matapos marinig na may nangyari kay Little Treasure.
Ilang araw pa lang niya nakikilala 'yung bata pero sa puso niya 'di niya 'to kayang mawala.
May kalayuan ang Platinum Palace, aabutin ng 40 minutes ang kotse. Dahil baka masyadong matagal, inilabas ni Ning Xi mula sa garahe ang motorbike niya at nagpaharurot paalis.
Ang dapat 40 minutes naging ten minutes na lang.
Inasahan niyang nasabihan na ni Lu Jingli 'yung mga guwardiya kaya pinapasok agad siya pagkasabi niya ng pangalan niya. Nagmadali siyang pumunta sa Villa no. 8 kung saan may isang maid na naghihitay sa kanya.