Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 25 - Sa isang iglap magkasama na sila sa tirahan?

Chapter 25 - Sa isang iglap magkasama na sila sa tirahan?

Chapter 25: Sa isang iglap magkasama na sila sa tirahan?

"Oo."

Pinagdiskitahan ni Ning Xi ang buhok sa kaba. "Ito… hindi ba 'to inappropriate? Kung gusto ako makita ni Little Treasure pwede naman akong bumisita kahit kailan!"

Parang pagod si Lu Tingxiao at napahawak sa noo. "Masyado kasing maraming unpredictable factors ang involved dito. Lalo kapag sa gabi nangyari ang emergency situation, delikado na magmadali ka nanaman papunta dito. At dahil sa posisyon ko, 'di convenient na lagi kong dadalhin si Little Treasure sa inyo para makita ka. Alam ko malaking abala 'tong request ko, pero ginagawa ko 'to bilang ama ni Little Treasure kaya sana pumayag ka."

Sumakit ang ulo ni Ning Xi.

Kung puwersahan 'tong ginawa ni Lu Tingxiao at pinilit siyang umoo, harap-harapan niyang tatanggihan at aalis na lang siya. Pero mariin siyang nagmamakaawa nang halos wala nang pakialam sa pagkatao at posisyon niya. At saka, kapag kaharap mo ang gnitong kagwapuhan, pa'no ba makakatanggi!

Sa gilid, nakatitig si Lu Jingli sa kapatid niya.

Amazing!

Sinong mag-aakalang magagamit ng kuya niya ang isang high-end technique ng paggamit ng isang disadvantage para maging isang advantage para mawala lahat ng balakid para makuha niya ang loob ni Ning Xi.

Hindi na niya kahinaan na mayroon siyang Little Treasure, sa halip, biggest advantage niya pa ngayon.

Biglang may malakas na kalabog. Nahulog ang bedside lamp nang tumalon mula sa kama si Little Treasure dahil sa takot.

Pagkakita niya kay Ning Xi, nawala ang takot sa mga mata ng bata at dali-daling tumakbo papunta sa kanya.

'Yung takot sa mga matang 'yun, makakadurog ng puso ng kahit sino'ng makakita.

Yumuko si Ning Xi. "Darling, bakit gising ka pa?"

Sumandal lang lalo ang bata sa kanya at niyakap siyang mahigpit ng maliliit nitong braso – hindi bibitaw.

"It's okay, andito si Tita. 'Wag ka na matakot, 'wag ka na matakot…" dahan-dahang tinatapik ni Ning Xi ang likod ng bata. Naaamoy niya ang matamis na gatas kay Little Treasure at naging kumplikado ang nararamdaman niya.

Iniiwasan niyang mapalapit sa mga bata pero bakit kaya hindi niya magawang umayaw kapag kay Little Treasure na?

Sinuyo ulit ni Ning Xi si Little Treasure na matulog bago siya lumabas at mahiniang isinara ang pinto sa kwarto.

Nakita niyang nalinis na ng mga kasambahay ang naging kalat sa sala sa baba.

Tulad ng inaasahan sa mga naninilbihan sa Lu family, 'di lang sila mahusay, well-trained din. Lahat sila may alam at curious tungkol sa pagpunta ni Ning Xi pero kahit ganun walang pasulyap sulyap sa kanya o nangahas na magsimula ng chismis. Lagi lang nila ginawa ang mga trabaho nila at tahimik na umaalis.

Napansin ni Lu Tingxiao na lumabas na siya pero wala itong sinabi para lang ma-pressure si Ning Xi. Tahimik lang siyang tumingin sa dalaga.

Nag-aalangan si Ning Xi. Naisip niya ang itsura ni Little Treasure noong ayaw nito bumitaw sa kanya at sa wakas bumigay na rin siya sa mga emosyon niya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Sige, Mister Lu. Payag na ako sa request mo. Isipin mo na lang na pagbabayad ko 'to sa pagliligtas sa'kin ni Little Treasure last time."

Nakahinga nang maluwag si Lu Tingxiao. "Thank you."

"Baka magising si Little Treasure anytime, mukhang 'di pa ako makakaalis ngayon kaso lahat ng gamit ko nasa apartment pa…" namomroblema si Ning Xi.

"Walang kaso dun, ipapakuha ko na lang mga gamit mo para sa'yo," sabi ni Lu Tingxiao bago inutusan ang isang butler para umalis.

Si Lu Jingli na wala pang sinasabi mula kanina ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari.

So… ganun na lang yun, sa isang iglap magkasama na sila sa isang bubong?

"May kailangan ka pa?" tumingin si Lu Tingxiao kay Lu Jingli.

"Sabi ko nga, aalis na 'ko!" at umalis na nga ang third wheel matapos paalisin ng kuya niya.

Alam niyang matapang si Ning Xi, pero 'di rin pala magpapatalo ang kuya niya.

Napagtanto niya na hindi naman pala ganun ka-clueless ang kuya niya pagdating sa pagsuyo sa babae. Sadyang 'di lang niya hinayaan ang sarili niya nitong nakaraang 32 years…

Dinala ni Lu Tingxiao si Ning Xi sa kwartong katabi ng kay Little Treasure. "Mula ngayon pwede ka mag-stay dito. Hahanap ako ng magreredecorate ng kwarto sa kahit anong style ang gusto mo."

Tumanggi si Ning Xi. "Ay 'di na kailangan. Ilang araw lang naman akong titira dito, 'di naman permanent eh. Makakaabala lang sa inyo magredecorate!"

"Hindi nakakaabala."

Naglabas ng isang set ng susi si Lu Tingxiao na galing sa isang butler at ibinigay ito kay Ning Xi. "Ito yung para sa bahay. Pwede kang maglabas-masok kahit kailan mo gusto. Sa main entrance, 591414 'yung password. Ito naman 'yung susi papuntang attic, kailangan itago mo 'to sa'yo kasi paboritong hiding place ni Little Treasure 'yun at gustong gusto niyang inaagaw 'to. Ito naman…"

Nang makita ni Ning Xi na ibibigay na ni Lu Tingxiao ang susi para sa safe ng bahay nila, bigla niya 'tong pinigilan. "Wait wait wait wait… Mister Lu, masyado kang nagwawalang bahala! 'Di ka ba natatakot na baka nakawan kita?"

"Ano bang gusto mo? Ihanap pa kita ng tutulong sa'yo magbitbit," sobrang seryoso ng sagot ni Lu Tingxiao, hindi siya mukhang nakikipagbiruan.