Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 29 - Ang Mapapangasawa ng Boss

Chapter 29 - Ang Mapapangasawa ng Boss

Chapter 29: Ang Mapapangasawa ng Boss

Ano ngayon?

Halos mabilaukan si Ning Xi. "Big Boss Lu, alam ba ng mga empleyado mo na inuutusan mo silang tulungan ang artista ng ibang kumpanya?"

Mukhang wala silang kaalam-alam. Sa ngayon 'di pa siya kilala, pa'no nga ba naman siya makikilala ng isang diyos tulad ni Arthur?

Wala na naman siyang laban kay Lu Tingxiao.

Subsidiary ng Lu Corporation ang Glory World Entertainment!

Kahit na si Lu Jingli ang nagmamanage ng Glory World, ang ultimate boss pa rin sa likod ng camera ay si Lu Tingxiao.

Noong nakaraang limang taon, pinasok ng Lu Corporation ang entertainment industry nang sila ang mamuno sa Glory World Entertainment at gumawa sila ng entertainment empire na nakipagkumpitensya sa pinakamatanda at pinaka-established na entertainment company, ang Starlight Entertainment.

Mabasik ang labanan sa gitna ng dalawang kumpanya. Hindi nagkakasundo ang mga empleyado ng parehong kumpanya, mula sa mga artista, managers, stylists, at maging mga assistants. 'Di maiiwasan ang sagupaan kapag may empleyado mula sa parehong kumpanya sa iisang set.

Tumingin si Lu Tingxiao sa relos niya. "Nasa labas lang 'yung minivan. Makakapag-ayos ka habang nasa kalsada. May sapat na oras ka pa para makarating dun. Ikaw na bahala kung pupunta ka o hindi."

Naninikip ang dibdib ni Ning Xi at kinikimkim ang nararamdaman. "Pupunta ako!"

Dahil mukhang walang pakialam si Lu Tingxiao, siya rin wala na!

Nagulat siya na sumunod din si Lu Tingxiao. "Sasama ka?"

"Sino'ng magdadrive? Saka, gusto ka pa makasama ni Little Treasure nang mas mahabang panahon," nagawa niyang magmukhang normal at makatwiran lang ang pagsama niya at nakakatawa na kukuwestiyonin ito.

Sa tabi niya, masayang tumatango si Little Treasure.

"O sige…"

Sa huli, apat na tao, kasama ang stylist na si Arthur, ang nakasakay sa minivan.

'Di na rin nagbihis si Lu Tingxiao na siyang nasa harap at nagmamaneho, habang si Ning Xi at Arthur ay nasa likod. Si Little Treasure naman inoobserbahan sila mula sa kinauupuan niya.

May pag-apruba ang tingin ni Arthur habang tinitignan si Ning XI. "Halos perfect ang features mo at napakaganda ng kutis, pwede na ang light makeup. If I may ask, anong event ang pupuntahan mo? Para malaman ko ang babagay na outfit."

"Um, sao opening ceremony para sa isang pelikula…"

Natakot si Ning Xi at baka kung ano ang gawin ng kausap kapag nalamang artista siya ng Starlight. Buti na lang at 'di na masyadong nagtanong pa si Arthur, tumango na lang para masabing naintindihan niya at ipinagpatuloy na ang paglalagay ng makeup.

Sakto ang dating nila – kakatapos lang maayos ang makeup ni Ning Xi nang makarating sila sa pupuntahan.

Ipinarada ni Lu Tingxiao ang minivan at pinatay ang makina. Lumingon siya sa likod, ang braso nakakapit sa backseat, at tinignan ang babaeng kakatapos lang magbihis.

"Ayos ba?" tanong ni Ning Xi nang may kaunting kaba.

"Okay lang."

Para sa isang malupit na lalaking tulad ni Lu Tingxiao, para sabihin niyang "okay lang" ay 'di basta-basta. Samantala si Little Treasure, may paghanga sa mukha habang nakatingin kay Ning Xi.

'Yun ang nagpalakas ng loob ni Ning Xi ta niyakap niya si Little Treasure. "Darling, I'm sorry 'di ko matutupad 'yung pangako ko, pero promise ni Tita 'pag natapos na ako sa trabaho, bibilisan kong umuwi para samahan ka!"

Ayaw sanang bumitaw ni Little Treasure pero alam niya ring nagmamadali si Ning Xi kaya hinayaan niya ito at nagpaalam na.

Nang makita ang dalawang tao sa likod niya, isang malaki at isang maliit, nagalak ang puso ni Ning Xi…

Pagkatapos maging mag-isa sa mahabang panahon, ngayon lang niya naranasan ang ganitong pakiramdam.

Pagka-alis ni Ning Xi, si Arthur na ang naging driver.

'Di maiwasan ni Arthur na maki-tsismis, at habang nagmamaneho, maingat siyang nagtanong, "Boss, sino 'yung babae kanina? Bagong artista ba siya sa kumpanya? Pa'no nangyaring 'di ko pa siya nakita dati?"

Diyos ko! Ang Big Boss nila may babae. Malaking balita 'to!

Kaswal lang na sumagot si Lu Tingxiao habang nakahawak sa kanyang baba, "Artista siya ng Starlight Entertainment."

Arthur: "…"

Sa oras na 'yun, pakiramdam ni Arthur ay ginamit lang siya.

Big Boss! Hinayaan mong i-style ko ang isang artista ng Starlight!

Pa'no nagawa ng boss nila na tulungan ang isang kaaway at magtaksil sa sariling kumpanya!

Kahit ang second young master nila 'di nakikipag-date sa kahit sino mula sa Starligt, okay?

Kung ang second young master ang kasama niya ngayon, minura na 'yun ni Arthur.

Kaso si Demon King Lu Tingxiao ang kasama niya…

Pinigilan na lang niya ang bunganga habang masama ang loob.

Ang hindi pa niya ikinatuwa ay ang hinala niya na itong no-name artist ng Starlight ay posibleng mapapangasawa ng boss nila.

Total, nakaksundo ng babaeng 'yun ang little prince.

Tunay ngang kumplikado…