Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 34 - Isang palabas ng mabuting ama at mapagmahal na anak

Chapter 34 - Isang palabas ng mabuting ama at mapagmahal na anak

Chapter 34: Isang palabas ng mabuting ama at mapagmahal na anak

"'Di ko inaasahang darating si Chairman Ning sa kabila ng busy schedule niya para pumunta sa opening ceremony namin! It really is such an honor!" wika ni Director Guo.

"Halika po, Chairman Ning, upo po kayo dito!" ibinigay ni Producer Wang ang upuan niya para makatabi ni Nng Yaohua ang anak niya.

Puno ng pagmamahal ng ama ang tingin ni Ning Yaohua kay Ning Xueluo. "You're too polite, Director Guo. Nasa pangangalaga mo ang anak ko."

"Chairman Ning, the apple doesn't fall far from the tree, at namumukod-tangi po ang anak niyo, 'di niya nga ata kailangan ng pangangalaga ko!"

"Palaging busy ang batang 'to, bihira ko na makita. Kung 'di dahil sa pagpunta ko dito baka 'di ko na talaga siya nakita at all!" kahit na mukhang naiinis si Ning Yaohua sa sinabi, bakas sa mukha niya ang pagkagiliw.

"Hahaha, napakasipag ni Xueluo, dapat matuwa po kayo. Pero Xueluo, may pagkukulang ka rin, kahit na gaano ka ka-busy, umuwi ka pa rin at bumisita ah!" pinagsabihan ni Director Guo si Ning Xueluo.

"Yes, Director, kasalanan ko rin! Dad, don't be mad. Bukas ng gabi, uuwi ako for dinner!" Pagsuyo ni Ning Xueluo habang niyayakap ang braso ng ama at umaarte na parang isang masunuring anak.

"See, kahit ako kailangan ko ang director niyo para pagsabihan ka on my behalf na humanap ng oras ng pagbisita!"

"Dad, ahhh ang daming tao dito, 'wag niyo naman ako ipahiya!"

"Oo na, oo na. You're a big star now, wala na 'kong pwedeng sabihin!"

Akala ni Ning Xi nagawa na niyang maging bakal ang puso niya, pero habang nakikita niya 'tong palabas ng mabuting ama at mapagmahal na anak, naninikip ang dibdib niya at gusto niyang tumakbo paalis.

Buti na lang at kahit gulong-gulo na ang mga emosyon niya, nagawa niya pa ring mapanatiling kalmado ang ekspresyon niya. Kinausap lang niya ang katabing screenwriter na parang 'di niya napansin ang panandaliang kaguluhan.

Kaya ni Ning Xi na magpanggap na wala siyang napansin pero 'di ganun ang nararamdaman ng lahat. Parang siyang sinasaksak ng titig ni Ning Yaohua sa kanya. Isang malaking kahihiyan kay Ning Yaohua ang pagpapakita ni Ning Xi sa opening ceremony.

Sa huli, tumakas si Ning Xi mula sa kwarto sa pamamagitan ng pagsabing pupunta siya ng restroom. Lumakad siya papunta sa isang bukas na bintana sa dulo ng hallway para sa sariwang hangin.

Kumuha siya ng sigarilyo at lighter mula sa bag niya pero nagdalawang isip bago ito itinagong muli.

Sinusubukan niyang itigil ang paninigarilyo.

Ngayon na lang ulit ang unang pagkakataon na nakadama siya ng matinding paghahanap sa yosi.

Umihip ang hangin sa mukha niya at umayos kahit paano ang pakiramdam niya.

Sa pagkakataong 'yun, may mga hakbang mula sa likod niya.

Nanigas ang katawan ni Ning Xi pero pagkaharap niya ay 'di mawari ang mukha niya, parang isang maskara. "Hinahanap ba ako ni Chairman Ning?"

Tinignan siya nang masama ni Ning Yaohua, dismayado rin ito sa bihis ng dalaga.

Tumingin sa baba si Ning Xi at napangiti. "Ah, Chairman Ning, kanina mo pa akong tinititigan sa banquet hall pa lang. 'Di ka ba nag-aalalang magkamali ng iniisip ang mga tao dahil sa titig mo?"

Sa kabila ng lahat, para sa mga outsider, isang sponsor si Ning Yaohua at magandang baguhang celebrity si Ning Xi. Madaling mabubuo ang maling impresyon ng mga tao tungkol sa relasyon nila.

"You bastard, ano sa tingin mong pinagsasasabi mo diyan?" halos sumiklab sa galit si Ning Yaohua.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ning Xi. "Human language ang pinagsasabi ko. 'Di ba nakakaintindi si Chairman Ning ng human language?"

"Ikaw…" pagbubuhatan na ni Ning Yaohua ng kamay si Ning Xi.

Pero bago pa lumapag, napigilan 'to ng isang kamay at inilagay sa tamang lugar.

'Di na niya hahayaang saktan siya ulit ni Ning Yaohua.

Wala siyang karapatan.

Halos ikamatay ni Ning Yaohua ang galit at binawi muli ang kamay. "You better quit this role right now. Isa kang kahihiyan sa'kin kapag ipinagpatuloy mo pa 'to in public!"

Nanlamig ang ekspresyon ni Ning Xi. "Marangal kong nakuha 'tong role na 'to, pa'no yun naging kahihiyan?"

"Lagi mo talagang kailangan gayahin lahat ng gustong gawin ni Xueluo ah. Tignan mo 'yang sarili mo, imposibleng makipagkumpitensya ka sa kanya. Nagmamadali kang makapasok sa entertainment industry, naghahanap ka ba ng makakadiskubre sa dinala mong kahihiyan sa Ning family?" tinitigan siya ng masama ni Ning Yaohua at punong puno ng panghahamak.