Chapter 35: Wala na ang pagkabatang iyon
Hanggang ngayon, may mga tao pa ring nagbibiruan tungkol sa anak ni Ning Yaohua na ininom 'yung lemon water na para dapat ipanghuhugas ng kamay at kung pa'nong nagsuot ng imitation na damit sa isang banquet ang anak niyang 'yun. Kapag nalaman nila ang nangyari noon, may maihaharap pa ba siyang mukha?
Namutla si Ning Xi sa mga sinabi ni Ning Yaohua.
'Yung gabing 'yun, 'yung lalaking 'di niya kilala, 'yung namatay na bata…
Kahinaan niya 'yun.
Noong taong 'yun, pinatahimik ng Ning family ang lahat sa takot nila sa kahihiyan pati si Ning Xueluo nanahimik dahil sa takot na ma-expose ang sarili niya, pero 'yun pa rin ang pinakamadilim na bangungot ni Ning Xi.
"Binibigyan pa kita ng mukhang ihaharap kaya pinapaalis na kita ngayon nang kusa, pero kung magmamatigas ka, 'wag mo 'kong sisisihin sa 'di ko pagkilala sa relasyon natin bilang mag-ama."
"Oh, so may relasyon pa pala tayo bilang mag-ama…"
"Dad, Xiao Xi… ano'ng nangyayari?" Nanggaling sa likod nila ang gulat na boses ni Ning Xueluo.
Pagkakita kay Ning Xueluo, naging masintahin ang mukha ni Ning Yaohua. "Nothing for you to worry about. Pagbalik mo mamaya, tanungin mo ang company niyo kung makakahanap pa sila ng mas magaling na second female lead."
Sinasabi niyang dapat palitan si Ning Xi.
Ikinatuwa 'yun ni Ning Xueluo pero bakas rin sa mukha niya ang kaba. "Dad, bakit? Ibinigay na kay Xiao Xi ang role ng second female lead ah!"
"Ayos lang na gumanap siya ng maliliit na roles or cameos, pero paano ba siya makakaganap sa isang importanteng role? 'Di ako nag-invest sa dramang 'to ng 30 million yuan just for her to fool around!"
"But dad, malaking effort na 'yung binigay ni Xiao Xi para makuha 'tong role…"
"Xueluo, 'wag mo na siyang ipagtanggol. Sinabi ko na sa 'yo dating 'wag mo siyang tulungan, pero 'di ka nakikinig! Pinuri mo pa siya kanina sa harap ng reporters! Does she even deserve all that praise?"
"Pero Xiao Xi is still your…"
"Manahimik ka, 'di dapat binabanggit 'yung mga ganyang bagay. Sinabi ko na dati, you are my only daughter!"
"Dad, 'wag ka nang magalit. Wala na 'kong sasabihin, okay?"
"May aasikasuhin pa 'ko, kaya aalis na rin ako. 'Pag may oras ka, tulungan mo na lang akong pigilan 'yang pagiging matigas ng ulo niyan!" at bago umalis, binigyan na lang ni Ning Yaohua ng huling matalim na tingin si Ning Xi na parang sinasabing umayos siya.
Pagkaalis ni Ning Yaohua, nagbago ang kaninang malambing at masunuring mukha ni Ning Xueluo, at pa-inosenteng sinabing, "Ning Xi, 'wag mong sasabihing gusto kitang pahirapan. Nung una, bibigyan pa sana kita ng pagkakataon eh. Kawawa ka naman…"
"Ha…"'Di napigilan ni Ning Xi na matawa, pero rinig ang lungkot sa kabila nito.
Sino bang mag-aakalang, sa huli, ang wasak pala sa lahat ng pinaghirapan niya at itatapon siya pabalik sa alikabok ay ang sarili niyang ama.
Matagal niya 'tong pinaghirapan, saka inalay niya 'yung buong sarili niya para paghandaan 'yung role, pero para saan?
Ganun lang ka-simple, wala na lahat…
Lagpas alas onse na nang matapos ang opening ceremony.
Mukhang totoo ngang madaling malasing kapag malungkot.
Pakiramdam ni Ning Xi, 'di ganoon karami ang nainom niya, pero pagtayo niya, 'di na siya makatayo nang tuwid at sumasakit pa ang ulo niya.
Kaya syempre, tama lang na sa pagkakataong 'to, makita niya 'yung isang taong lalong papasamain ang loob niya.
Si Su Yan…
Sa tabi niya, ang mga cast at crew, lalo na 'yung mga babae, rinig na rinig ang pagkagulat nung nakita nila 'yung taong papalapit.
"Ah! Si Young Master Su! Sobrang gwapo! Times one hundred pa nga sa personal kaysa sa bali-balita!"
"Andito siguro siya para sunduin si Ning Xueluo! Nakakainggit naman, ang ganda na ng acting career niya, galing siya sa magandang pamilya, tapos napaka-pogi pa ng boyfriend! Winner at Life talaga!"
"Panalo na talaga sa buhay 'yung mga ganyang tipo ng tao pagkapanganak pa lang, wala tayong karapatan mainggit 'no!"
…
Humawak sa pader si Ning Xi para suportahan ang sarili habang nakapako ang tingin sa lalaking naglalakad papalapit kay Ning Xueluo.
Maayos ang takbo ng buhay ng Su family sa nakalipas na mga taon. Ang status ni Su Yan ay parang isang barkong nasa ibabaw ng mataas na alon, habang si Ning Xi, anino na lang ng nakaraan niya.
'Yung kababata niyang nagpapagaling lang dati sa probinsya dahil sa sakit sa baga, na naging mabait at maalaga sa kanya at laging nagbabasa ng mga kwento para sa kanya – namatay na 'yung lalaking 'yun kasabay ng paglipas ng panahon.