Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 32 - Mapanggulong mga Ex

Chapter 32 - Mapanggulong mga Ex

Chapter 32: Mapanggulong mga Ex

"Ay 'di pala pwede, baka mali lang ang tingin ko…" mabuti na lang, 'di na hinintay ng reporter na sumagot si Ning Xi at binawi rin ang tanong.

Naalala siguro niya na artista ng Starlight si Ning Xi kaya paano mangyayaring ang personal stylist ni Su Yimo mula sa Glory World Entertainment ang mag-sastyle sa kanya?

Nakahinga nang maluwag si Ning Xi. Dahil natakot siyang may magtanong ulit kagaya nu'n, sinabi niyang, "Opening ceremony ngayon para sa , sana tungkol sa drama ang mga tanong!"

"Ayun, Miss Ning, kung maaaring itanong, ito ba ang una mong drama?" tanong ng isa mula sa grupo.

"Syempre hindi, nagsimula na ako sa acting noong nasa university pa lang ako, pero 'di gaanong marami 'yung scenes ko kaya walang nakakakilala sa'kin," matapat na sagot ni Ning Xi, nang walang pagkakabahala na medyo kulang ang kanyang resume.

Kahit sino namang reporter kayang halungkatin ang nakaraan niya kung susubukan nila, kaya bakit 'di na lang sumagot nang mapagpakumbaba?

"Anong klase ng mga role ang ginanapan ni Miss Ning noon?"

Normal lang ang tanong, pero nailang si Ning Xi. Pero dahil naitanong na, 'di niya pwedeng hindi sagutin.

"Ilan sa mga nagawa kong roles…" inilista ni Ning Xi lahat ng ngaing roles niya simula nung bumalik siya sa bansa mula sa abroad.

Noong nag-aaral siya abroad sa nakaraang apat na taon, ginugol niya ang oras niya sa pag-arte. May ilan siyang roles sa ilang kilalang mga drama at pelikula. Kung iisipin na kadalasan 'di gusto ng ibang bansa na magkaroon ng mga Chinese actors, ibig sabihin 'di madali na magkaroon siya ng ganoong mga experience.

'Di nga lang niya binangiit 'yung mga acting experiences niya sa ibang bansa dahil sa relationship history niya ng panahong 'yun…

Wala namang imoral o kung ano man, normal na pakikipagdate lang, pero masyado kasing kapansin-pansin 'yung mga pagkatao ng ex-boyfriends niya.

Sa ngayon, ang pinakakailangan niya ay isang role na pwede niyang angkinin sa publiko. Kung mapupuno ng chismis tungkol sa mga nakaraan niyang relasyon ang una niyang major role, panandaliang kasikatan lang ang mabibigay nito at baka makasagabal pa sa potential na paglago ng career niya.

Sinubukan ni Ning Xi na alalahanin at banggitin lahat ng mga pagganap niya simula nang makabalik sa bansa pero hindi makapagsalita ang mga reporter sa nabuong listahan.

'Yung mga role kasi medyo… ah…

Kabit or querida, fox spirit, demoness, country bumpkin, brain-dead eldest miss, kahit tusong matandang babae…

Para sa ganda niya, bakit kaya ganun ang mga nagustuhan niya?

Bakit niya nagustuhan 'yung ganung tipo ng mga role?

Sa wakas may nagtanong rin, "Bakit karamihan sa mga role mo ay kontrabida?"

Malinaw na hindi pwedeng sisihin ni Ning Xi si Chang Li sa ganitong sitwasyon kaya simple ang naging sagot niya, "'Di ko masyadong pinansin 'yun. Pag-arte talaga 'yung gusto kong ginagawa kaya bawat character o bawat role may kanya-kanyang charm 'yan, kahit maliit o malaki."

Nagtanong pa ulit ang mga reporter at kahit walang paggabay ng isang manager, nasagot nang mabuti ni Ning Xi ang lahat.

Tumatango si Guo Qisheng habang nanonood. "This girl is not bad! Sa ganyang kalidad at talino, bakit kaya ganito pa lang siya kalayo kahit na isang taon na rin siya sa indutriya… Old Wang, ano sa tingin mo?"

Sumagot ang producer na si Wang Taihe, "Either bulag ang mga matataas na personalidad sa Starlight Entertainment or…"

'Di niya tinuloy ang sasabihin at tumingin na lang kay Director Guo nang may ibig sabihin.

Malinaw na mayroong tao sa Starlight na sinasadyang hadlangan ang exposure niya.

Mukhang naawa si Director Guo. "Sayang naman para sa isang promising seedling!"

"Kung tunay na ginto, kikinang at kikinang 'yan. Kung hindi man, andyan ka naman para sa kanya?" tumawa si Wang Taihe.

Sa mga oras na 'yun, nanggagalaiti si Ning Xueluo, madiin na nakasara ang mga kamao at nakabalutot ang mukha sa nakikita niya.

Nang utusan niya si Chang Li na sadyang abisuhan si Ning Xi tungkol sa opening ceremony isang oras lang bago 'to magsimula, 'di niya akalaing bukod sa 'di na nga 'to na-late at nagmukhang tanga, dumating pa na sobrang perpekto at kahuma-humaling para sa lahat.

L*che, pati 'yung outfit ni Ning Xi nagkakahalaga ng milyon-milyon. Saan naman siya nakakuha ng ganun kalaking pera?

Marerentahan ang mga damit, pero sino naman ang nag-style sa kanya?

Minaliit ko talaga ang probinsyanang 'to!