Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 28 - Mapaghahari-hariang CEO

Chapter 28 - Mapaghahari-hariang CEO

Chapter 28: Mapaghahari-hariang CEO

"First time magdrawing ni Little Treasure ng portrait," pagbanggit ni Lu Tingxiao nang makita ang hawak na drawing ni Ning Xi.

"Talaga? Then I'm honored!" natuwa si Ning Xi.

"Anong gusto mong kainin mamaya?" tanong ni Lu Tingxiao.

Hindi lang pala gastos sa pagtira niya ang sagot dito kundi pati pagkain.

Sasagot pa lang si Ning Xi nang mag-ring ang cellphone niya.

Tumatawag si Chang Li.

May inayos kaya 'tong minor role para sa kanya?

"Hello, Chang Li."

"Ning Xi, mamayang tanghali na 'yung opening ceremony para sa ah sa Pearl Hotel. Bawal ma-late."

"Ha? Tanghali? Ngayong tanghali?"

"Tama. Ngayong araw."

"Chang Li, bakit 'di mo sinabi sa'kin nang mas maaga? Mag-aalas onse na!"

"Anong mas maaga? 'Di ba sinasabi ko na nga sa'yo ng isang oras bago yung event?"

"Kulang ang isang oras para makarating ako doon, tapos magbibihis pa ako saka mag-aayos…"

"Problema mo na 'yun. Busy ako, I'm hanging up now."

Pagkatapos nito magsalita, naputol na ang linya.

"Chang Li! L*che ka!" sabay bato ni Ning Xi ng telepono.

Sa katahimikang sumunod sa nangyari, natigilan si Ning X.

Natigilan si Little Treasure.

Pati si Lu Tingxiao natigilan.

Napatakip ng mukha si Ning Xi sa kahihiyan at gusto na lang na lamunin siya ng lupa.

Naging impulsive siya masyado at nalimutang nasa pamamahay siya ng mga Lu lalo na may bata sa paligid…

'Di bale sana at wala siyang pakialam kung si Lu Tingxiao lang ang nandoon pero hindi magandang marinig ni Little Treasure 'yun at may matutunan pang masama mula sa kanya.

"Ahem ahem, Little Treasure, kunwari wala kang narinig kanina ah. 'Di mo pwedeng gayahin si Tita at pagalitan ang mga tao nang ganun kasi 'yung kausap ni Tita hindi tao 'yun!" zeryosong paliwanag ni Ning Xi.

Kumurap muna ng ilang beses si Little Treasure bago tumango na parang naintindihan niya.

May pagkamangha sa mga mata ni Lu Tingxiao. "Ano'ng nangyari?"

Nagpipigil ng sarili si Ning Xi. "'Yung opening ceremony para sa ngayong tanghali na. Malapit nang mag-eleven at ngayon lang ako sinabihan ng manager ko. Nasa fifty minutes ang byahe papuntang Pearl Hotel mula dito. Haharap na lang ba ako sa camera nang walang ka-ayos ayos?"

"Bakit hindi? Maganda ka naman na."

Nagulat saglit si Ning Xi. 'Di niya akalaing magsasabi ng ganung mga bagay si Lu Tingxiao at napa-iling na lang siya sa hiya. "Ahem, salamat sa compliment Master Xiao pero bahagi ng paggalang sa ganitong mga event ang pagbibihis at pag-aayos nang maayos. Ang problema pa, wala pa akong maisusuot, tapos maraming paparazzi mamaya. Ahhh, nakaka-frustrate…"

"Teka lang," itinaas ni Lu Tingxiao ang kamay niya at parang nagsasabi na 'wag mag-alala si Ning Xi at may tinawagan ito sa may courtyard para may kausapin.

Pagkalipas ng sampung minuto, may dali-daling lumapit na tao at tila hinihingal pa.

"CEO Lu, lahat po ng kailangan niyo andito na. Magsisimula na po ba kami?" ang taong dumating ay nakasuot ng ripped jeans at grey cotton top; may kapansin-pansin ding dark clue piercing sa kaliwang tenga niya.

Nagulat si Ning Xi dahil pamilyar ang taong 'to.

Syempre ang ibig niyang sabihin sa "pamilyar" ay kilala niya pero 'di siya kilala.

Siya si Arthur, under siya ng Glory World Entertainment at kilala bilang ang Godly Hand, personal stylist siya ng queen of films na si Su Yimo.

Sikat na personalidad siya at ang isang maliit na taong tulad ni Ning Xi ay hinahangaan lang siya mula sa malayo!

"Siya si?" puno ng pagtataka ang mukha ni Ning Xi.

"'Di mo siya kilala?" tanong ni Lu Tingxiao.

"Siya ang famous na si Arthur, syempre kilala ko siya! Ibig kong sabihin bakit mo siya pinapunta…"

"Natural, para i-style ka," wika ni Lu Tingxiao.

Kumunot ang noo ni Ning Xi at lumapit para bumulong sa tenga ni Lu Tingxiao, "Hahayaan mong… hahayaan mong i-style ako ng mga tao mo sa Glory World? Seryoso ka ba! 'Di mo ba alam na under Starlight Entertainment ako? Makaribal ang Glory World at Starlight!"

"Ano ngayon?" sagot ni Lu Tingxiao bilang isang mapaghari-hariang CEO.