Chapter 23: Paghamon sa Big Boss
Dahil motorbike ang dala ni Ning Xi, nakasuot siya ng skin-tight black leather top at leather pants. Matapos magmadali papunta, tinanggal niya ang helmet at gloves niya kaya bumagsak sa mga balikat niya na parang waterfall ang mahaba niyang buhok. Mukha siyang magara at kaaya-aya - napakaganda.
Nang makita ito ni Lu Jingli, 'di niya napigilang mapasipol.
"Lu Jingyu, akala mo ba talaga hindi ka makakatikim mula sa'kin?" sa kanto ng sala, nahuli na ni Lu Tingxiao ang anak at wala na itong matatakbuhan pa. Parang isang nababaliw na hayop na gustong kumawala ang bata na nasa mga braso ng ama.
"'Wag!" mabilis na lumapit si Ning Xi at inagaw si Little Treasure palayo.
Inangat ni Little Treasure ang kanyang ulo para makita kung sino ang may hawak sa kanya, saglit itong tumigil at nang makita si Ning Xi ay lalong sumiksik sa yakap nito at kumapit nang mahigpit na parang ayaw na bumitaw.
Sumakit ang puso ni Ning Xi nang makitang ang cute na siopao mula kahapon ay nanginginig sa sobrang takot sa mga mata nito.
Sa galit niya wala na rin siyang pakialam kung isang big boss ang kabilang partido at pinagsabihan niya ito. "Mister Lu, alam kong labas ako dito at wala sa lugar para magsalita, pero kailangan ko pa rin 'tong iparating. May mali sa pagpapalaki mo sa kanya. 'Yung mga batang ganito kailangan ng alaga at pagmamahal, lalo pa at espesyal ang kundisyon ni Little Treasure. May malaking trauma siya at walang ina sa tabi niya, dapat nga mas mahaba ang pasensya mo sa kanya. Pa'no mo nagagawang maging ganito kahigpit sa kanya? 'Di mo ba nakikita ga'no siya katakot? Tapos pagbubuhatan mo siya ng kamay!"
Lu Tingxiao: "Nagkamali ako."
Lu Jingli: "…" Hehe.
Natawa na lang si Lu Jingli sa isip-isip niya nang marinig na umamin sa pagkakamali ang kuya niya.
Nung ako 'yung nagsabing mali ang pagpapalaki mo, pinagalitan mo pa ako agad. Pero ngayong si Ning Xi sinabi rin 'yung mga sinabi ko, nakinig ka!
Sa pagdating ni Ning Xi, si Little Treasure ay parang isang tutang nakita ang kanyang amo at susunod sa bawat salita nito, 'di tulad nung mabangis na leon mula kanina. Hinayaan niyang hawakan ni Ning Xi ang kamay niya at ihatid siya sa kanyang kwarto.
Sa sofa, dahan dahang hinahaplos ni Ning Xi ang ulo ni Little Treasure. "Anong nangyari? Maayos naman ang lahat nitong umaga, 'di ba?"
Mapagmalaking sumagot si Lu Jingli. "Ano pa ba? Eh di na-miss ka niya at gusto kang makita pero 'di pinayagan ni kuya. Hindi rin pinayagang tumawag sa'yo kasi baka maistorbo ka. Sa huli, ayan nag-tantrums tapos tumakbo kung sa'n-sa'n saka nagbasag sa sala. Ayaw kasi ni kuya na maging bisyo ni Little Treasure ang pagdadabog kaya nag-away sila. Tapos dumating ka…"
"Dahil lang hindi ako makita o matawagan ni Little Treasure?"'di makapaniwala si Ning Xi. Kahit na sinabi ni Lu Tingxiao na nakadepende na sa kanya si Little Treasure, ganoon ba katindi ang impact niya sa bata?
"Ano sa tingin mo? Minamaliit mo talaga 'yang influence mo!" dahil napansin niyang 'di pa rin maintindihan ni Ning Xi, ipinaliwanag ni Lu Jingli. "Nung araw sa storeroom na hinimatay ka, walang pinapalapit sa'yo si Little Treasure. Sa huli, si kuya pa ang bumuhat sa'yo papunta sa ospital!"
Napatingin si Ning Xi kay Lu Tingxiao. Siya mismong bumuhat sakin papunta ng ospital…?
"At sa ospital, nung makita ni Little Treasure na wala ka akala niya namatay ka. Nagkagulo nanaman at halos tumalon siya sa bintana. Kagabi gusto kang makita ni Little Treasure, kaya nag-hunger strike siya para bantaan si kuya. Ngayong gabi naman, dahil sinabihan mo siyang kumain, masyado siyang maraming nakain kaya 'di niya magamit 'yung tactic niya na gutumin ang sarili, kaya ito na 'yung nangyari…"
Masyadong madaming kinain? Kanina sabi lang niya sa phone call kumain siya ng mas marami, so kasalanan niya ba 'to?