Chapter 24: Calabash Brothers
Masyadong malakas ang impact ng mga salita ni Lu Jingli – matagal bago ito na-digest ni Ning Xi.
Tinignan ni Ning Xi ang batang siopao na nakakapit sa kanya nang mahigpit. "Little Treasure, sinira mo lahat ng mga 'yun dahil gusto mo akong makita?"
Tumango si Little Treasure.
Nagsalubong ang kilay ni Ning Xi, "'Di mo ba alam na mali 'yung ginawa mo?"
Umiling si Little Treasure.
Naiintindihan na ngayon ni Ning Xi kung bakit mahigpit si Lu Tingxiao. Malamang ay sobrang spoiled ng batang 'to kaya pakiramdam niya lahat mangyayari ayon sa gusto niya.
Naging seryoso ang tingin ni Ning Xi. "Sinasabi ng tita sa'yo ngayon ah, hindi tama 'yung ginawa mo. Mga bad children lang ang gumagawa non, kaya 'wag mo nang uulitin, okay?"
Tumango si Little Treasure.
'Di maipaliwanag ang mukha ni Lu Tingxiao.
Mahirap disiplinahin si Little Treasure pero kapag tumango ito at pumayag na gawin ang isang bagay, gagawin niya talaga ito nang walang mintis.
Lahat na sinubukan ng mga psychiatrist para matigil ang bisyo ni Little Treasure na gutumin ang sarili bilang scare tactic, o kaya magkulong, at manira ng mga gamit pero nanatiling walang kibo ang bata.
Para sa mas mahigpit na paraan naman, 'di kaya ng lolo at lola ng bata na gamitin 'to, magagawa lang nila minsan pero sa kalagitnaan bibigay din ay hahayaang masunod ang gusto ng apo nila.
Mas matindi pa pala ang impluwensiya ni Ning Xi kay Little Treasure kaysa sa inaasahan ni Lu Tingxiao. Syempre ikinatuwa niya 'to.
Pinagsabihan pa nang kaunti ni Ning Xi si Little Treasure bago niya ito napapayag na matulog na. "Mm, kakantahan ba kita ngayon?"
Tumango ang masunuring si Little Treasure.
"Hmm, ano kayang kakantahin ko… Alam ko na! Calabash Brothers, Calabash Brothers, seven flowers on a branch, unafraid of any storm la la la la!"
Muntik na mahulog ang nakasandal sa pinto na si Lu Jingli. "Ang talinong bata ni Little Treasure, pa'no naman niya magugustuhan 'yung mga childish song na ganyan?"
Pero napansin niyang nakikinig ngang maigi ang bata. Ang nakakaaliw pa pati kapatid niya ganu'n ang ginagawa.
Nang makatulog na si Little Treasure, nag-inat si Ning Xi. "Nakanta ko ata halos lahat ng alam kong children's song…"
'Di mapigilan ni Lu Jingli ang sabay na maiyak at matawa. "Eh bakit ba kasi children's songs? Pwede ka naman kumanta ng iba! Halos mamatay ako kakatawa sa mga kids' song mo!"
Ginamit ni Ning Xi ang ponytail na nasa kamay niya para itali pataas ang buhok niya na siyang nag-angat sa mala-phoenix niyang mga mata. "Ibang kanta? Bukod sa children's songs, lahat ng alam ko 'di pwede sa bata!"
Naalala bigla ni Lu Tingxiao noong kinanta ni Ning Xi ang Under the Moonlight.
Na-excite si Lu Jingli pagkarinig nito. "Hahaha talaga, talaga? Anong mga kanta, kantahin mo sa'kin!"
Masama ang tingin sa kanya ni Lu Tingxiao.
Takot na takot si Lu Jingli at biglang tumayo. Seloso talaga 'tong kuya niya!
"Malapit ka lang ba?" tanong ni Lu Tingxiao.
Kung hindi, pa'no siya nakarating agad dito?
"Ay hindi, galing ako sa apartment ko pero dinala ko yung motorbike ko! Bilis 'no?" pagmamalaki ni Ning Xi.
Kaya pala ganun ang suot niya.
Mas maganda 'tong suot niya ngayon kaysa kahapon. Kahapon, nakabihis siya na parang conservative; ngayon, isa siyang wild at malayang demoness.
"Delikado 'yun," halata ang disapproval sa mukha ni Lu Tingxiao, lalo ring nanlamig ang tingin niya kay Lu Jingli dahil ito ang tumawag kay Ning Xi para pumunta.
"Hindi kaya, magaling ako sa motorbike ko!" winagayway pa ni Ning Xi ang kamay bilang protesta at bigla rin humikab. "Dahil ayos na si Little Treasure, aalis na rin ako!"
Paalis pa lang siya nang nagsalita si Lu Tingxiao, "Miss Ning, I have an audacious request."
Nailabas na niya lahat ng galit niya kanina kaya balik na ulit sa normal kaya magalang siyang sumagot, "Mister Lu, sige lang sabihin niyo lang po. Kung kaya ko gagawin ko sa abot ng makakaya."
Makapangyarihan ang Lu family sa parehong respectable and underground circles. Kaya ni Demon King Lu na umatake kung may 'di siya magustuhan sa maririnig niya.
Tumingin si Lu Tingxiao sa anak nang may mabigat na titig. "Kung ano man 'yung nangyari sa inyong dalawa sa loob ng bar storeroom, na-trauma siya doon nang mas malala sa inakala ko. Ngayon, ikaw lang ang nakakapagpakalma sa kanya, kaya hanggang maka-recover si Little Treasure, sana pwedeng dito muna tumira si Miss Ning kasama namin."
Natigilan si Ning Xi nang marinig ang hiling ni Lu Tingxiao. "Ha? Dito muna tumira… kasama kayo?"