Chapter 21: Pagwasak ni Little Treasure sa Sky Palace
Alam ng lahat na gusto ni Little Treasure ng kapayapaan at katahimikan. Kadalasan nagkukulong na 'to sa kwarto niya pagkatapos ng hapunan. Kapag natapos na ang mga kasambahay sa mga gawain nila, babalik na rin sila sa kani-kanilang kwarto at 'di na lalabas. 'Di sila gagawa ng kahit anong ingay para maiwasan na ma-trigger ang tantrums ni Little Treasure at 'di mapigilan.
Nag-alala na rin dati si Madam Lu kay Little Treasure at pumasok sa kwarto nito para mag-alok ng pagkain. Ang resulta: pagkukulong ni Little Treasure sa attic…
Ito rin ang dahilan kung bakit tumanggi si Little Treasure na tumira kasama ang lolo at lola niya kahit na mahal na mahal siya ng mga 'to.
Samantala ngayon, kusang lumabas ng kwarto si Little Treasure?
At hindi lang 'yun, madali ring tumakbo si Little Treasure kay Lu Tingxiao at niyakap ang binti nito.
Napahalakhak si Lu Jingli. "What is Little Treasure doing? May gusto ba siya?"
Naunawaan kaagad ni Lu Tingxiao ang intensyon ng anak at tinanggihan ito nang walang pagdadalawang-isip. "No. Nagpunta ka na 'dun kagabi."
Tinignan ni Little Treasure and cellphone ni Lu Tingxiao.
"May isang phone call ka na kaninang hapunan," muling pagtanggi ni Lu Tingxiao.
Sa panonood mula sa tabi, naintindihan din sa wakas ni Lu Jingli. Na-mimiss pala ng bata si Ning Xi.
Napagtanto ni Little Treasure na hindi niya makukuha ang gusto niya mula sa ama kaya tumakbo naman ito papunta kay Lu Jingli at niyakap ang binti nito.
Nagulat si Lu Jingli at natuwa. "No, no, no, baby darling, 'wag ganito. Alam mo namang 'di ako mananalo laban sa ka-cute-an mo!"
Kahit na kadalasan ay tila walang kibo si Little Treasure, 'pag may gusto siya, nagiging sobrang cute ng pagkilos at mga expression niya, pwedeng makabuhay ng patay.
Kapag tinignan ka na niya gamit ang mga bilugan, maganda, at makinang niyang mga mata, 'di mo na maiiwasang gustuhing lumipad sa langit at ibigay sa kanya ang mga bituin.
Ang tanging nakakatiis sa appeal ni Little Treasure sa buong bahay ay si Lu Tingxiao.
Napataas na lang ang kamay ni Lu Jingli. "Little Treasure, walang magagawa 'to. 'Di ko matatalo ang dad mo!"
Pagkarinig nito ay bumitaw si Little Treasure kay Lu Jingli.
Isang malupit na resulta.
Mukhang inilayo ng mga malulupit na magulang sa kanyang minamahal ang maliit na bata. Tawang-tawa si Lu Jingli at napasandal na lang sa pader. "Ah Little Treasure, 'di mo kailangang magmadali. There's a saying that love lasts longer when lovers are separated since absence makes the heart grow fonder. Hintaying mo kapag ikakasal na ang dad mo kay Tita Xi, makikita mo na siya araw-araw!"
Walang epekto ang mga salita nito.
Tumakbo palabas ng pinto ang bata.
Kumibit-balikat si Lu Jingli. "Ano'ng gagawin natin ngayon?"
"Marami naman siyang nakain ngayon," sabi ni Lu Tingxiao.
Ibig niyang sabihin 'di magagamit ang hunger strike ngayon bilang ultimate threat ni Little Treasure.
Napanatag si Lu Jingli sa sinabi ng kapatid.
Pero minaliit nila si Little Treasure.
Bata siya kaya 'di niya kailangan ng malaking plano, isang salita lang- 'wasak'- sapat na.
Pagkatapos na pagkatapos nila mag-usap, may malakas na kalabog mula sa sala sa baba.
Nagkatinginan ang magkapatid at kumaripas pababa.
Sa maikling panahon, naging isang malaking gulo ang sala. 'Yung isang vase na kasing taas ng tao, pira-piraso nang nasa sahig. Lahat ng pwedeng itulak o basagin o sirain 'di nakaligtas.
"LU JINGYI!"
Ginagamit lang ni Lu Tingxiao ang buong pangalan ni Little Treasure kapag sukdulan na ang galit nito.
Kung maging si Lu Jingli 'di kinaya ang takot, pa'no pa kaya si Little Treasure?
Nanginig sa takot ang bata nang makita ang galit na galit na mukha ng tatay. Lalo itong nagalit at naging marahas. Sumigaw na siya sa abot ng makakaya ay nagpaikot-ikot pa para sirain ang marami pang mga gamit.
Agad siyang hinabol ni Lu Jingli at maingat na inaalala na maraming mga bubog sa sahig dahil malaki ang magiging pinsala kapag nahulog sila.