Damo's POV
"FIGHT, FIGHT BLUE AND WHITE
GO GO ATENEO SIS BOOM BAH"
"FIGHT, FIGHT BLUE AND WHITE
GO GO ATENEO SIS BOOM BAH"
"FIGHT, FIGHT BLUE AND WHITE
GO GO ATENEO SIS BOOM BAH"
"TEAM-TEAM-TEAM"
Talagang ayaw magpatalo ng Ateneo sa mga taga Adamson, mas malakas ang cheer nila dito sa MOA arena.
"Anak, tignan mo silang lahat, nagkakaisa, diba?" si Papa sa tabi ko habang itinuturo ang mga estudyante na taga Ateneo de Manila University. Napatingala rin ako mula rito sa VIP area na halos likuran lamang ng courtside ng Adamson Soaring Falcons…. "Ang sarap sigurong dinggin para sa isang magulang ang mga estudyanteng ito na nagchi-cheer para sa laban ng kanyang anak sa UAAP," si Papa habang kitang-kita ko ang mga kinang sa kanyang mga mata.
"Si Jayson, Pa, mag-exam siya sa UP, malay mo makapasok siya sa varsity team, magaling kaya si bunso, at siya ang pinakamatangkad sa klase nila ngayon…"
"So cheer ni Papa mo ganito, U-NIBERSIDAD NG PILIPINAS, U-NIBERSIDAD NG PILIPINAS, kaloka ka anak, pero mas gusto ko kung sa Blue Eagles ang anak ko...….o kaya sa Blue Jins...….." parang may laman o ipinapahiwatig si Papa sa kanyang sinabi.
"Ateneo Blue Jins, ang Taekwondo team ng ADMU????"
"Uhuh!!!" sabay-sabay sila Mama, Papa, at Ninang Matmat, nakikinig din pala sila Ninang at Mama sa amin! Muntikan ko nang maihian ang pantalon ko dahil sa kanila. Gusto ko narin na mag-CR, ang ingay pa dito lalo lang akong naiihi sa mga estudyanteng nagchi-cheer, ni wala pa nga ang mga players para mag-warm up.
"Magiging proud na proud, ang Papa, Mama at Ninang Matmat mo sa'yo halimbawang makita ka naming sumabak sa UAAP representing Ateneo Blue Jins, diba Mars, diba Ma???" si Papa habang nililingon sila.
"Pa papaano ako mapupunta diyan eh napakaimposible namang makapasok ako sa Ateneo, at saka wala tayong budget para sa mamahalin nilang tuition fee! Ganito na lang Pa, ipagdasal na lang natin na makapasok si Jayson sa UP Diliman soon," sagot ko.
"DJ, anak, matagal pa ito, papaano kung wala na ako sa mga panahong iyon..." madramang tinig ng nangangarap kong ama.
"Pa naman…..okay sabihin mo sa akin kung papaano ako makakapasok sa UAAP???"
"Ah, anak!" si Papa pero naputol ang sasabihin niya nang makita niya ang pagdating ng koponan ng Ateneo sa gilid ng court, mukhang magsisimula na silang mag-warm up.
"Pa, Ma, mag-CR lang ako..." paalam ko sa kanila, tumango na lang sila Mama at Papa ng dalawang beses habang naii-starstruck sa mga players ng Ateneo…..at lalo pang naging mas maingay ang MOA arena!
Naglakad ako papuntang restroom na ito ang naririnig ko.
FIGHT – A
FIGHT – T
FIGHT – E
FIGHT – N
FIGHT – E
FIGHT – O
Natigil ako sa paglalakad nang tumama ang aking mga mata sa nakasuot ng number 11 jersey ng Ateneo Blue Eagles…..limang metro lang siguro ang layo nito sa akin.
"Warren Lee..." nabikas ko ang kanyang pangalan ng hindi kalakasan kahit puro "Thirdy" ang naririnig kong tilian ng nakararami. It's nice to see him again, napakaamo ng kanyang mukha, nakatitig lang ako sa kanya habang nagwa-warm up na ito...at ang galing niya, wala pang na-miss na bolang itinapon nito sa ring.
Ano ba itong nararamdaman ko sayo Warren Lee??? Akala ko self proclaimed na akong asexual (taong walang pakiramdam ng pagnanasa o paghanga sa babae o lalaki, at anumang kasarian), simula pagkabata hindi pa ako nagka-crush o na inlove sa kahit kanino man. Pero kay Warren Lee na ako ngayon nakaramdam ng ganito, bumibilis ang pagtibok ng puso ko...… I'm already confused kung bakla na ba ako????
"LEE!!!" sabay tapon ng bola ng lalaki kay Warren Lee at tinamaan ito sa dibdib…. Gagong 'yon ah! Napalingon ako sa lalaki at kita ko ang mukhang bully ni Thirdy na tumatawa. Nasira tuloy ang mood ko sa ginawa ng gago kay Warren, haaaay.... makaalis na nga!
FIGHT BLUE
AND WHITE
THE BLUE EAGLES
WILL GO AND FIGHT
FIGHT SIS
BOOM BAH
BOOM RARARAH
RA RA RAH
BOOM RARARAH
RA RA RAH
BOOM RARARAH
RA RA RAH
FIGHT – A
FIGHT – T
FIGHT – E
FIGHT – N
FIGHT – E
FIGHT – O
GO GO 'TENEO!
Nawala ang ingay ng pagye-yell ng mga Atenista nang makapasok na ako ng comfort room, talagang pasiklaban sila ng Falcons.
Pagkapwesto ko sa urinal ay pinagitnaan ako ng dalawang estudyanteng nag-uusap, "USTE for sure ang frat na nahuling involve sa hazing incident kagabi sa Antipolo," mapang-akusang sambit ng lalaking nasa gawing kanan ko habang umiihi.
Frat??? Hazing??? Teka lang, ito ba 'yong kagabi??? Taga-UST ba talaga ang mga iyon? Parang hindi!
"Mabuti na lang may nagreport sa mga pulis.... tsk, tsk, tsk…." bigkas ng lalaking nasa gawing kaliwa ko.
Hindi tuloy ako makaihi ng maayos sa dahil sa pinaguusapan nila.
"Bro ang sabi sa Facebook, hindi pa matukoy kung anong paaralan 'yong involved, mukhang tikom na rin ang bibig ng mga biktima, pati ang mga pulis nagsalita na rin…..at ang sabi, hindi raw hazing 'yong nangyari kundi katuwaan lang…." sabi ng nasa gawing kanan kong natatawa, at nagtungo na ito sa may sink upang maghugas ng kamay.
"Pero may nagleak kasi ng video….ipapakita ko sa'yo," sambit ng lalaki sa aking kaliwa, mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at binuksan ang video. At ako naman ay palihim na sumilip sa video at nakita ko ang isang fighting scene...guess what??? Ako ang naka-focus sa video, kitang-kita kung papaano ko pinatumba 'yong limang lalaki.
"This kid should be in Ateneo, may sense of justice!" bigkas ng lalaking nasa gawing kanan ko kanina.
"Iyon nga rin ang demand ng ibang kapwa nating Atenista bro," sabi ng lalaking may-ari ng phone…..hanggang sa kapwa sila mapalingon sa akin nang mapansin nilang nakikiusisa ako sa pinapanuod nila at mukhang nakilala nila ako kaagad.
"Fuck, men! Ikaw 'to!" pagkabigkas palang nila nito ay mabilis ko nang tinakpan ang mukha ko't tumakbo papalabas ng CR, hinabol nila ako pero mas mabilis ako sa kanila hanggang sa matunton ng mga paa ko ang exit ng MOA arena. Whew!!!! Hiningal ako sa pagtakbo.
Kailangan kong makapag-social media ngayon kaso wala akong smart phone…. Hmmmmmm, naisip kong kay Shane na lamang ako pumunta sa Sports Central (boutique ng mga sports gear at ng mga branded na sapatos). Dito kami dumidiretso pagkagaling namin ng ensayo sa Macabebe College tuwing linggo.
----------
written by J J Tilan
THE FALL OF ACHILLES