Mag-10 AM na nang matapos ang unang subject ko, pagkakuha ko ng direksyon papuntang College Athletics Office kina John Lloyd ay mabilis na akong naglakad patungo doon dahil magsho-shoot daw kami video para sa Team Ateneo 2018 na sasabak sa UAAP this season.
Grabe napagod ako sa kakalakad, siguro mga 20 minutes na akong naghahanap pero hindi ko parin matunton ang athletics office, mukhang naliligaw na yata ako.
"Dude ang gara naman ng relo mo, saan mo nabili 'yan???" bigkas sa kasama niya ng binatang estudyanteng naka-uniporme ng pang basketball na makakasalubong ko palang. "Hulaan mo kung saan ko nakuha ito????" may tono ng pagyayabang sa boses ng kasama nito.
"Saan dude????"
"Sa Switzerland, at alam mo ba na limited edition lamang ito, at dalawa lang ang meron nito sa buong mundo???"
"Talaga lang ha?????"
Ipagyayabang talaga ang pag-aari nito sa kaibigan, ganito ba dito???? Hmmmm…. Saglit lang matanong ko nga 'tong dalawang lalaki kung saan ang athletics office.
"Excuse me, saan ang athletics office dito??? at napalingon ang dalawa sa akin.
"Doon bro," sabay turo sa gawing kanan ng lalaking may magarang relo…. "Dude hulaan mo kung sino ang may-ari ng isa????" pagpapatuloy niya sa kaibigan.
"Sino????"
"Si Master Thirdy," malakas na pagkakabulong sa kasama.
"Whoaaaaa!!! Talaga????"
Hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa at tumungo na lamang ako sa direksyon na sinabi nila….hanggang sa matunton ko ang bakuran ng Blue Eagle Gym. Mabuti at may mga puno na rito at hindi na ako mabibilad sa araw sa paglalakad.
Umagaw sa aking pansin ang magandang boses ng isang binata na kumakanta ng "Blue Eagle, The King" ito ang immortal fight song ng ADMU, naririnig ko ito kay Papa simula noong bata pa lamang ako, hindi Atenista ang aking ama ngunit alam na alam niya ang kantang ito…..nakwento niya sa akin noon, bago sila magkilala ni Mama ay mayroon siyang isang lalaking minahal na taga Ateneo.
Fly high! Blue Eagle fly
And carry our cry
Across the sky
Cast your shadow below
Swoop down on the foe
And sweep up the fields away!
Fly high! Over the trees
Make known through the breeze
Our victories
Spread wide each wing
For you are the king
Blue Eagle, the king!
Naglakad ako papalapit sa magandang tinig ng lalaking kumakanta….hanggang sa makita ko ang mga batang lalaki, mga kindergarten na naka-uniporme ng pang basketball. Nakaupo ang mga ito habang nakikinig sa umaawit na binatang nagtuturo sa kanila ng kanta….. Nakatalikod ang binata mula rito sa kinatatayuan ko…. Manghang-mangha, kitang-kita mo ang tuwa sa labi ng mga bata sa binatang kumakanta, naka-basketball jersey din ito na may numerong 11. Matangkad, maputi ang lalaki na parang pamilyar ang hitsura nito sa akin….. Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa matanaw ko mula rito sa hindi kalayuan ang mala-anghel niyang mukha, "Warren Lee Gokongwei...…." marahan kong sambit sa kanyang pangalan habang damang-dama ko ang bumibilis na pagtibok ng aking puso…..
Oh the Eagle's the king of them all
And his blue feathers never will fall
For the blue and the white
And the eagle in flight
Ateneo will fight today!
At sabay-sabay ang mga batang kumanta sa pagkanta niya….. Parang natigil ang mundo ko na tanging si Warren Lee lamang ang nakikita ko, at lalo ako napahanga sa kanya….. because I like those people who love kids…..
Fly high! Over the trees
Make known through the breeze
Our victories
Spread wide each wing
For you are the king
Blue Eagle, the king!
"Ang galing..... Yehey!!! Yehey!!!" kasabay ng aking pagpalakpak.
Biglang natigil ang lahat, at napatingin silang lahat sa akin….at natameme ako nang makita ko ang nakangiting mga mata ni Lee sa akin...
"Ah….ah sorry, uhmmmmm….. alam mo ba kung saan ang athletics office dito????"
Tumingin si Lee sa mga bata at sabay-sabay nilang itinuro ang isang opisina na hindi kalayuan dito sa bakuran ng Blue Eagle Gym. Nakita ko rin ang signage ng office sa wakas.
"Maraming salamat, pasensiya na kung nakaabala ako sa inyo," masayahin kong boses at saka nagpaalam kay Lee, "Sige, magpatuloy lang kayo....punta na ako, salamat….."
Tumango lang ng isang beses habang nakangiti si Lee sa akin, at sa maamo at nakakapanghina niyang katangian ay tila ayoko nang lisanin ang aking kinatatayuan ngayon...haaaay, Warren Lee Gokongwei, hindi ko inaasahan ito, lalong-lalo na ang maging schoolmate kita.
----------
written by J J Tilan
THE FALL OF ACHILLES