Chereads / The Fall of Achilles / Chapter 11 - Damo

Chapter 11 - Damo

Damo's POV

"Last to position, our new recruit Damo Dela Cruz Jr., okay you may proceed….." bigkas sa akin ng kumukuha ng video na isa sa mga officer ng college athletics office.

Suot ang bago kong dobok (taekwondo uniform) pumusisyon na ako at nagproceed na sa jump spin hook kick. "Haaaaaaaaaa!"

"Nice one DJ! Okay Blue Jins good job!" puri sa aming team ni Coach Almike, ang head coach ng Taekwondo varsity team ng Ateneo matapos kaming mag-shoot ng video habang suot ang aming varsity jacket at taekwondo uniform dito sa Moro Lorenzo Sports Center.

Nagtungo na kaming lahat sa locker room upang magpalit. Naging kaibigan ko ang buong team sa unang pagkakataon ko pa lang na ma-meet sila.

"Epic 'yong jump spin hook kick mo kanina DJ," natutuwang si kuya Mark pagkatapik niya sa aking balikat, isa siya sa mga senior namin sa Blue Jins.

"Hindi naman po," nahihiya ko pang sagot.

Iba pala ang pakiramdam kapag dobok ng Ateneo Taekwondo team ang suot-suot mo, parang mas lumalakas ang kumpyansa mo sa sarili.

Paglabas ko ng sports center ay nakatanggap ako ng text message from John Lloyd, "DJ mamayang alas-tres pa naman ang huling subject mo, halika muna rito sa Blue Eagle Gym samahan natin si Paris."

Miyembro din ng varsity team si Paris kaya narito sila ni John Lloyd, magsisimula na ang pagkuha nila ng "One Big Fight" video nila in a couple of minutes at kitang-kita kong dinudumog na ang Blue Eagle Gym dahil sa bali-balitang darating ang the High Five dito para sa shooting ng video.

"Dito, dito….." ang kumakaway na si John Lloyd malapit sa basketball ring, halos matakpan na ito ng mga estudyante, mabuti na lang at nag-crowd control na ang mga security at pinalabas na ang ilan sa kanila. Naka-varsity jacket ako kaya hindi ako pinalabas.

"Kamusta ang Blue Jins???" si Paris habang hinahanda ang sarili nang makalapit na ako sa kanila ni John Lloyd.

"Masaya ang team, ikaw….hindi mo sinasabi na kabilang ka pala sa Blue Eagles."

"Reserve lang ako," sagot nito.

"Lang ka diyan, parte ka parin ng Blue Eagles….." si John Lloyd sa kaibigan.

"HIGH FIVE!!!!!!!!" mga tilian at sigawan ng mga narito sa gym, napalingon kaming lahat nang biglang mahawi ang mga tao sa tapat ng dadaan ng lima na parang mga celebrity kung ituring ng mga estudyante rito.

"Thirdy!!!!!!"

"Lee!!!!!!"

"Menaaaaaaard!"

"Sol!!!!!"

"Sim!!!!!"

Hiyawan ang kanilang mga tagahanga. Mga tao rin naman sila pero grabe ang pagka-die hard nila sa lima.

Suot ang kanilang jersey ay magkakasabay na naglakad papasok ng gym ang the High Five, "grabe para silang mga artista…." nabigkas ko.

"Siyempre, anak 'yan ng mga apat na pinakamayamang pamilya sa bansa kaya maraming naghahangad sa kanila," si Paris na tila nahahambogan sa kilos ng lima.

"Kung anak sila ng pinakamayamang pamilya, ba't sila narito sa Ateneo, at hindi sa Harvard, Oxford o sa abroad nag-aaral???" at hindi ko na narinig ang sagot ni Paris sa tanong ko nang makita ko ang mukha ng "Master Sim" na siyang pasimuno ng hazing sa Antipolo. Miyembro pala ng the High Five itong si Sim....but wait, sino sa kanilang dalawa si Sim??? Nagulat ako dahil dalawang magkamukhang lalaki ang nakikita kong nasa tabi ni Thirdy.

"Sino 'yong Sim sa dalawa???" tanong ko kay Paris, at si John Lloyd ang sumagot.

"Iyong naka no. 4 jersey, kakambal niya si Sol na nasa tabi niya…."

"Pamilyar ba ang mukha ni Sim sayo DJ???" si Paris na parang may ibang kahulugan ang pagkabigkas nito.

"Ah, eh, hindi naman, isa sa kanila kasi ang naglaro kahapon at wala 'yong isa kaya nagulat ako nang makita kong may kakambal pala ito….." pagdadahilan ko na lang dahil sinabihan na ako ni Papa na huwag na huwag ko nang babanggitin sa kahit kanino man ang tungkol sa nangyari sa Antipolo noong Sabado.

"Hindi naman si Sim ang naglaro kahapon kundi si Sol," sambit ni Paris at ramdam kong hindi kumbinsido sa sinabi ko sa tono ng kanyang pagsasalita.

At ngayon ko nakumpirma na ang mga limang bratinelong ito na anak ng pinakamayayamang pamilya ang salarin sa hazing na naganap.

Natigil ang mga tilian at hiyawan nang huminto si Thirdy sa paglalakad sa gitna ng ring, tila may napansin siyang kakaiba sa isang estudyanteng nakasuot rin ng jersey, ito 'yong nakasalubong ko kanina na ipinagmamayabang ang magara nitong relos sa kaibigan. Nasa tabi lang namin ang estudyante dahil kapareha rin ito ni Paris na reserve.

Sinundan ng apat si Thirdy, at mapapansin mo sa mukha nito ang pagkairita...…..at kakaiba rin ang hangin nito na parang siya ang hari ng buong unibersidad kung makaasta.

"Ang yabang naman nito, akala mo kung sino....." buntong hininga ko.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon sa akin ni John Lloyd, "sorry….ka-team mo pala siya," aniya kay Paris.

"Okay lang, pare-parehas din naman tayo ng sentimiento…" si Paris sa aming dalawa.

Mas naging tahimik ang lahat nang matigil si Thirdy sa tapat ng estudyanteng nakasalubong ko kanina sa daan….kita naming napayuko na lamang ito bigla at pinanginigan sa takot nang titigan ng leader ng the High Five na si Thirdy ang relos nito...napansin ng lahat na magkaparehas pala ang kanilang suot.

"M-m-master T-thirdy…..m-may problema po b-ba..." nanginginig na bigkas ng lalaki at muling napayuko.

"Bibilangan lamang kita ng tatlo," kalmado ngunit nagbabantang salita ni Thirdy.

"P-pa-para saan po m-master????" natatakot na tinig habang unti-unting inaangat ang mga mata kay Thirdy.

Makikita mo rin sa hitsura ng kambal na Sim at Sol ang pagbabanta. Pero nang ilihis ko ang mga mata ko kay Warren Lee…..kita kong iba ang direkson ng mukha nito at hindi nakatingin sa ginagawang pambubully ng apat na kaibigan sa kawawang estudyante, mukhang hindi siya sang-ayon sa nangyayari, mahahalata mo sa kanyang hitsura….tikom na lamang ang bibig nito.

"Isa... Dalawa..." at sa nangibabaw na takot ay mabilis na tinanggal ng binata ang kanyang relos. "Menard paabot ng hawak niya," ang tinutukoy ni Thirdy ay ang baseball bat na hawak-hawak ng isang miyembro ng Blue Batters.

Pagkaabot ni Menard ng baseball bat sa kanya ay ibinigay naman ito ni Thirdy sa estudyanteng kaparehas niya ng relos. Parang alam na rin ng kawawang estudyante ang gagawin nito sa kanyang gamit. Tinapik pa ni Thirdy sa balikat ang binata at naglakad na papasok ng locker room kasama ang apat na miyembro the High Five.

Kitang-kita naming mangiyakngiyak na dinurog ng binata ang mamahalin nitong relos gamit ang baseball bat sa sahig. Pipigilan ko pa sana siya ngunit mabilis na hinawakan ni Paris ang aking braso, "huwag ka nang mangialam…..bago ka palang dito DJ, masasanay ka rin…."

"Nararapat lang 'yan sa kanya," tinig ng isang estudyante na kabilang sa varsity. At nang mawala na sa paningin ng mga tao ang the High Five ay nagsilabasan na rin ang mga ito sa gym. Sumunod na rin sila Paris at John Lloyd sa locker room.

"Grabe ang pagkatopak ng Thirdy na 'yon! Tsk, tsk, tsk....at saka parang wala lang sa lahat 'yong ginawa niya! TANG------" mapapamura na ako pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko.

"HEY YOU!" at napalingon ako sa gawing kanan ko pagkarinig ko sa mataray na boses ng isang malamyang lalaki na nakasuot ng pang-cheering kasama ang dalawa niyang kaibigang malamya rin kung kumilos, "magdahan-dahan ka sa pananalita mo!" pagbabanta nito sa akin, sa pananalita niya ay parang katapusan ko na halimbawang hamakin ko ang the High Five. Teka lang…..ito 'yong tatlong baklitang pinagtawanan ako kanina't tinawag akong disgusting.

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES