Chereads / The Fall of Achilles / Chapter 7 - Damo

Chapter 7 - Damo

Damo's POV

"Shane, maiwan na kita....uwi na ako.... ayoko ng ganito, pahiram ng isa mong phone, ibabalik ko bukas..." paalam ko kay Shane...at saka niya inabot ang kanyang smart phone habang tinatakpan ko ang aking mukha sa mga journalist.

"Sige DJ, dumaan ka na lamang sa likod…." suhestiyon ni Shane, mabuti na lang may daanan sa stockroom papalabas ng fire exit. Hindi naman nila ako pwedeng sundan dahil restricted area ito.

Paglabas ko ng mall ay mabilis kong naiwasan ang mga paparazzi at nakasakay kaagad ako ng taxi.

Habang lulan ako ng taxi, napapaisip ako kung saan na ako pupunta ngayon…. Una kong pinuntahan ang lugar naming dito sa Loyola Heights, sa lugar namin nila Ninang Matmat subalit mayroong naka-stand by na mga press doon kaya naisip kong dumiretso na lamang ng Payatas at tinawagan si Papa.

"Pa ako 'to," pagod at tamad kong tinig sa telepono.

"Anak….mabuti at tumawag ka…. Nasaan ka ngayon????"

"Nakasakay ako ng taxi….. Pa, wala bang mga journalist diyan sa bahay???" malungkot kong boses.

"Wala anak…..bakit anong nangyari????"

"Dinagsa ako kanina sa mall…. Halos dalawang oras na akong nakasakay ng taxi at malaki na ang bill ko….."

"Saan ka ba nagpunta, at sobrang nagalala kami sayo????"

"Pa, kaya hindi na ako nakabalik kanina dahil hinabol ako ng dalawang estudyante nang dahil sa video na kumakalat….."

"Huwag kang mag-alala anak ginagawa na ang lahat upang ma-banned ang video mo sa kahit anong social media websites…."

"Papaano niyo 'yon gagawin???"

"Basta anak, umuwi ka na rito sa bahay…..marami tayong pag-uusapan."

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES