Chereads / The Fall of Achilles / Chapter 8 - Damo

Chapter 8 - Damo

Nakakapagod iwasan ang mga press, kanina sa may waiting shed ay may nakaabang pa doon, hanggang dito pa talaga sa Payatas ay susundan ako, at kaya nilang sikmurain ang amoy dito sa lugar namin makakuha lang ng balita o ng kung anong impormasyon sa akin??? Mabuti na lang at nakatambay ang mga sunog baga naming kapitbahay sa may store at pinabulabog ko sila sa mga ito hanggang sa magkusang umalis ang mga journalist.

"DJ, mukhang puntirya ng mga journalist ang Ateneo, at sa tingin ko ipinadala ang mga 'yan ng mga karibal nila sa UAAP, by all means they want Ateneo down," ang text message sa akin ni Shane habang naglalakad ako rito sa gilid ng kalye pauwi sa aming bahay.

Natatanaw ko na ang malaking karatula ng aming junk shop "DJ Dela Cruz Recycle Shop, bote, bakal, plastic at iba pa…" napa-chant tuloy ako habang naglalakad, talong-talo ko pa ang mga taga Ateneo.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang tatlong magagarang sasakyan sa harapan ng aming bahay, at may mga lalaking naka-suit na nakatayo sa gilid ng mga ito. Hindi naman sila journalist kaya hindi ko na sila pinansin at pumasok na lamang ako ng gate namin.

"Bahay na po ako," pagbukas ko ng pinto, at nagulat ako nang bumulaga sa akin ang buong pamilya ko kasama ang isang lalaking naka-suit din, nasa early 40's siguro ito, maganda ang built ng katawan at mukhang kagalang-galang ang dating.

"Nandito na siya, nandito na siya!" nae-excite na boses ni Papa…

"DJ anak, siya si Mr. Sumulong, batiin mo siya anak…." si Mama na tila nanalo ng loto ang tinig.

"H-hi po…." tamad kong bati, hindi ko mawari kung anong agenda nito dito sa amin, sana hindi kami pagbantaan, haaaay!

"Anak, isa siyang mataas opisyal ng Ateneo…." pabulong ngunit rinig na rinig ng lahat na pagkakabigkas ni Papa sa tabi ko.

"Nakita ko na rin sa wakas ang tinaguriang bayani ng mga kabataan, ikinagagalak kong makilala ka," bati ni Mr. Sumulong sa akin.

Instead na matuwa ay bigla akong nakaramdam ng kung ano, baka ang akala nila ay nakipag-usap na ako sa mga press at sinabing mga estudyante ng Ateneo ang involve sa hazing incident sa Antipolo.

"Wala po akong binabanggit sa press na mga estudyante ng Ateneo ang mga nakalaban ko…"

Ngumiti lamang siya ng malumanay sa akin.

"Hindi naman siguro taga Ateneo 'yong tinatawag nilang Master Sim...at meron pang isang salarin...iyong kapangalan ng MVP ng UAAP…. Thirdy, may narinig akong Thirdy na pangalan…." sambit ko kay Mr. Sumulong.

"Anak, imposibleng mainvolve si Thirdy diyan, imposible anak…." si Papa na parang abugado kung umasta.

Kalmado lang naman si Mr. Sumulong habang nakaharap sa akin.

"Hindi iyan ang ipinunta ko dito," si Mr, Sumulong na kalamado ang mukha.

"Anak, relax lang….maayos na ang lahat," si Mama.

"Okay po…." lumapit sa akin si Mama at niyakap niya ako sa aking braso.

"Anak papasok ka na sa Ateneo De Manila University simula bukas..."

"FIGHT-FIGHT, BLUE AND WHITE, GO, GO...…ATENEO SIS-BOOM BAH!" magkakasabay na yell nila Mama, Papa, Ninang Matmat at ng bunsong kapatid ko.

"Pa... Ma….." umaapila kong tinig…. Nalulungkot parin ako para sa Macabebe College na nag-alaga sa akin ng mahabang panahon, at sa totoo lang kontento na ako doon….ayoko sa Ateneo.

"Sa totoo lang naimpress kaming lahat sa tapang at kabayanihang ipinakita mo," si Mr. Sumulong. Hindi na nga siya pinatapos ni Papa sa pagsasalita at ito na ang nagtuloy.

"Kaya ang buong opisyal ng Ateneo De Manila University ay ginawaran ka ng free scholarship hanggang sa makapagtapos ka ng kolehiyo!" at sabay-sabay silang nagtitiliang lahat na parang nanalo ng jackpot sa loto.

"Free scholarship??? Ako papasok sa Ateneo???" habang itinuturo ko ang aking sarili na hindi makapaniwala.

"Oo inaanak…." si Ninang Matmat.

"Kuya ito na ang pagkakataon mong makapasok sa UAAP," si bunso na sobrang nagpu-push din sa akin.

"Ateneo Blue Jins anak!!!!" si Papa na punong-puno ng excitement at tuwa.

"Ayoko pong tumuloy sa Ateneo..." prangkahan kong sagot, at biglang natigil ang mundo nila sa sinabi ko.

"Ano??????" si Papa na parang nagtransform na leon.

"Anong sinabi mo," si Mama na mas mabangis ang tinig.

"Nababaliw ka na ba kuya???" si Jayson.

"DJ pag-isipan mo ito ng mabuti, mauna na po ako…." si Mr. Sumulong na malumanay lang ang boses, at saka naglakad papalabas ng pinto na parang nagmamadali ito.

"Hindi na po kailangang pag-isipan pa ng anak ko…..papasok sa ATENEO SI DJ BUKAS NG UMAGA!" ihinahabol na boses ni Papa kay Mr. Sumulong sa may pinto hanggang sa makalabas na silang dalawa ng pinto at doon na nag-usap.

Wala na.....nabenta na ako....

"Inaanak tingin ka dito," si Ninang Matmat na may hawak-hawak na uniporme ng Ateneo De Manila University at si Jayson naman na hawak-hawak ang dobok ng Blue Jins (taekwondo uniform) at kay Mama naman ang school ID ko ng Ateneo with ID lace.

"Ateneo! Ateneo! Ateneo! Ateneo!" si Mama, Ninang at Jayson na sabay-sabay nagchi-cheer sa tuwa!

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES