Chereads / The Fall of Achilles / Chapter 9 - Damo

Chapter 9 - Damo

Araw ng lunes, suot-suot ko na ang school ID ng Ateneo De Manila University, sabi ng security ay sagrado sa unibersidad ang pagsuot ng ID nang mapansin nitong wala akong suot pagkakuha namin ng gate pass. Nakapasok na kami ni Papa sa university road ng ADMU, gate 3 along Katipunan Avenue lulan ng delivery truck ng aming junk shop. Nang makatipid ng pamasahe ay pinili ko nang sumakay dito sa kalawanging sasakyan ni Papa. Hanggang sa matunton na namin ang Gonzaga Hall, ang Fine Arts Department building ng ADMU.

Pagbaba namin ng sasakyan ni Papa, "Ano ba 'yan mas malinis pa ang garbage truck natin dito sa school," nandidiring pagkakasaad ng isang estudyante na napadaan sa harapan namin ni Papa. "So disgusting….." dagdag pa ng dalawang kasama niya. Mga tatlong malalamyang binata na mukhang galing sa mayayamang pamilya.

"Anak huwag mo silang pansinin, DJ this is it!!!! Pagbutihin mo, the same parin ang kurso mo, Fine Arts major in Creative Writing, ikaw lang ang binigyan ng ganitong prebilehiyo….ang mga ibang estudyante na may pera hindi kayang pumasok ng Ateneo…..kaya anak pagbutihin mo ha????" si Papa, ngayon ko lang naramdaman ang sobra-sobrang kaligayahan sa kanya at damang-dama ko ang pagiging proud nito sa akin.

Napatango ako ng dalawang beses, "Opo Pa, pagbubutihin ko po…." at pagkasara ni Papa ng pinto ng delivery truck namin ay biglang nag-on ang sirena sa tuktok nito (iyong ginagamit namin 'pag nagiikot kami sa Payatas upang mangolekta ng mga ibinebentang recycled items) tumunog ang jingle ng shop, na siyang boses namin ni Papa ang kumakanta. Haaaaaaaay!

"MAY PERA SA BASURA, MAY PERA SA BASURA...….DJ DELA CRUZ RECYCLE SHOP, BAKAL, BOTE, PLASTIC AT IBA PA! DJ DELA CRUZ RECYCLE SHOP, BAKAL, BOTE, PLASTIC AT IBA PA!"

Pinagtawanan tuloy ako ng mga estudyante lalong-lalo na 'yong tatlong baklita kanina, napayuko ako at napailing.....at sa sobrang hiya ko ay nagmadali na akong naglakad papasok ng Gonzaga Hall. Haaaaaaay!

"Pssssssst!" sabay sipol ng isang binata sa 'di kalayuan, at nang mapalingon ako ay nakita kong si John Lloyd ito at kasama si Paris (si John Lloyd ang ka-batch namin ni Shane sa Macabebe Junior High, at si Paris naman ay ang kasama ni John Lloyd noong nakaraang Sabado sa high school reunion namin sa isang resort sa Antipolo.

Lumapit ako sa kanilang dalawa, "Anong ginagawa mo dito bro???" surpresang si John Lloyd lalo na nang makita nito ang suot-suot kong ID ng Ateneo.

"Bro, nakikita mo ba sa suot niyang ID, he is one of us…" si Paris, "it's nice to see you here DJ," nakipagkamay ito sa akin.

"John Lloyd, dito na ako mag-aaral….diba Fine Arts din kayong dalawa rito?" sambit ko.

"Oo DJ, hindi ko aakalaing makakasama kita rito, ang saya-saya ko DJ!" abot taingang ngiti ng kaibigan ko.

"Siyempre may gusto 'yan sayo DJ," pambubuking ni Paris.

"Hoy! Tumigil ka nga diyan," si John Lloyd habang binabatukan si Paris. "DJ, simula sa araw na ito….tayong tatlo na ang magkakasama ha?"

"Oo naman, parang tayo nila Shane sa Macabebe noon. Hehehe."

"Alright!" si Paris.

"Tara, i-tour niyo naman ako dito sa building natin," ika ko sa kanila at sabay-sabay naming nilibot ang buong Fine Arts Department.

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES