Chereads / The Fall of Achilles / Chapter 6 - Damo

Chapter 6 - Damo

Matagal-tagal din ang pag-upo ko sa loob ng taxi bago ako makarating dito sa Loyola Heights, Quezon City.

"Welcome to Vista Mall and Residences," bungad sa akin ng guest relations officer na nakasalubong ko, hindi niya alam na dito ako nagpa-part time.

"DJ, oh narito ka, akala ko kasama mo ang pamilya mo ngayon sa MOA," si Shane habang sinusuklian ang costumer sa may counter nitong boutique.

"Paano mo nalaman na nasa MOA kami?"

"Nagtext sa akin si Tito, at saka DJ..."

"Ano 'yon?"

"Iiwan mo na ba talaga kami sa Macabebe???" malungkot na boses ng kaibigan ko.

"Sino nagsabi niyan?"

"Iyon ang sinabi sa akin ni coach kanina, malungkot nga siya na parang sobrang disappointed ang mukha..."

"Wala akong alam sa sinasabi mo, papaanong disappointed si coach???"

"Parang kinausap siya ng Director ng school natin with regards sa status mo sa team, at hindi na siya nagsalita pa, nabanggit ka lang niya na hindi ka na raw parte ng team…."

"What?????????" halos gumuho ang mundo kasi pangarap ko itong nawala…. Bakit naman???

"Huwag kang mag-worry DJ, sabi ni coach may pupuntahan ka naman daw….hanggang doon na lang 'yong impormasyon na sinabi niya, at hindi na rin ako nagtanong sa kanya."

Hindi ko na mapigilan ang pagluha ko sa harap ng kaibigan ko. Bakit parang ganoon na lang kadali para sa school na pakawalan ako….hindi ba ako magaling???

"Gusto ko siyang makausap, ayokong umalis sa team…. Shane 8 years ako sa Macabebe, ang school natin ang nagbigay sa akin ng oportunidad, binigyan ako ng scholarship ng Macabebe kaya nakatungtong ako ng private school noong elementary, at natuto akong mag-Taekwondo dito, at ngayon scholar din ako ng college department natin, suportado nga nila ang pangarap kong maging writer kaya Fine Arts major in Creative Writing ang kinuha ko....." pigil luha kong bigkas.

"DJ ang sabi sa akin ni coach huwag mo na raw siyang puntahan, kausapin o tawagan…."

"Okay…..kilala ko si coach, para ko na rin siyang tatay….pupuntahan ko parin siya in time..."

"DJ, aware ka na ba sa kumakalat mong video?"

"Iyan nga ang ipinunta ko rito, wala kasi akong phone…" at madaling binuksan ni Shane ang kanyang iPhone at ipinakita sa akin ang video.

"Napanood ko na 'yan…."

"DJ sikat na sikat ka….mabuti walang humabol sa'yo na press sa MOA arena kanina???"

"Wala naman….may dalawang estudyante lang ng Ateneo na humabol sa akin dahil narecognize nila ako…"

"Tignan mo ito…. binansagan kang The Flash dahil sa sobrang bilis mo daw napatumba ang limang lalaki, DJ wala pang 2 minutes 'yon ha…."

"Pero hindi nakuha 'yong part na nawalan ako ng malay tapos 'yong ginawang pagpapahirap sa dalawang estudyante???"

"Wala….iyong pakikipaglaban mo lang ang kinunan… at saka ang sabi sa comment section box ng ilan sa mga taga Ateneo, deserve mo daw na mapabilang sa Blue Jins sa galing sa pag-flying kick, maraming comments heto tignan mo ang mga ito," si Shane habang pinabasa sa ang mga komento sa viral video ko.

Ngayon, ang ipinagtataka ko kung sino ang kumuha ng video at nagpost nito sa Facebook, mukha kasing fake account 'yong nagpost nito.

"Damo Dela Cruz Jr.??????" boses ng isang babae sa likod ko, at pagtingin namin ni Shane sa babae ay isa itong reporter.

"DJ right????" bigkas ng isang lalaki na kakapasok lang dito sa boutique, at isa rin itong journalist.

"DJ, totoo bang hindi involved ang mga estudyante ng Ateneo sa nangyaring insidente sa isang lumang factory sa Antipolo???" maintriga at agresibong tanong ng isang babaeng reporter.

"DJ sagutin mo kami!"

Hanggang sa dumagsa na silang lahat, at pinagkukuhanan na kami ng larawan dito.

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES