Chereads / Ginto't Pilak / Chapter 6 - Ika-anim na Bahagi

Chapter 6 - Ika-anim na Bahagi

Nagmantsa ang pulang dugo sa aking puting sapin.

Napansin ko lang iyon kinaumagahan, nang magising ako sa tanghali.

Tulog pa rin si Marius na nagpapahinga sa aking dibdib. Pareho kaming walang saplot, at nababalot lang ng kumot at sa natuyo naming katas at pawis.

Hinawi ko ang pilak na buhok sa mukha ng aking sinisinta at hinalikan siya sa noo. Babalik pa sana ako sa pagtulog, nang may mahinang katok na tumunog sa aking pintuan.

Ako'y nainis, ngunit sa taas ng posisyon ng araw sa labas ng bintana, ay alam kong masyado nang napahaba ang aming pagtulog.

Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahiga sa aking dibdib si Marius at marahang tumayo sa kama. Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ito.

"Prinsipe Theodorin, magandang araw," bati ng punong mayordomo namin na si Simon. Tumingin siya lampas sa akin, sa aking kama, at muling napatingin sa katawan ko na tela lang ang tabing.

Napa hinga siya nang malalim.

"Magandang umaga, Simon," sagot ko sa kaniya.

"Prinsipe Theodorin, hinahanap na po kayo ng inyong mga ama," sagot ni Simon. "Sasabihin ko po ba na hindi pa rin kayo gising?"

"Kung maari sana, paki sabi sa kanila na masama ang aming pakiramdam," tugon ko sa kaniya. "Wala akong balak lumabas sa aking silid. Padalhan na lamang kami ng makakain, at gamot para sa sugat ni Marius."

Muli akong tinitigan ni Simon na napailing.

"Masusunod, Prinsipe Theodorin."

Muli kong sinara ang pinto at bumalik sa kama. Gumalaw si Marius at napaungol.

"Gising ka na ba, mahal ko?" bulong ko sa kaniya.

"Ang sakit ng aking katawan..." agad niyang reklamo. "Masyado mo akong pinagod kagabi!"

Naramdaman kong mamula ang aking mukhang nag-init. "Patawad, mahal, masyado kasi akong nasabik sa iyo, hindi ko na napigilan ang aking sarili."

Humarap sa akin si Marius at inabot ang aking mukha.

"Gayon din naman ako," wika niya. "Ngunit hindi ko inakalang ganoon pala kasakit na maging kaparehas mo!"

Hinalikan ko ang kaniyang kamay. "Talaga bang sakit lang ang dulot nito?" tanong ko.

"Masakit nga talaga ang pag-ibig..." namumula niyang sinagot. "Dahil ngayon pa lang ay gusto ko nang muli mo akong angkinin."

Hinalikan ko ang kaniyang labi at pumailalim muli sa aming kumot. Hinimas ko ang kaliwa niyang binti na siya namang inikot niya sa aking katawan. Idiniin ko sa kanya ang kalalakihan kong nagsisimula nanamang magising.

"Hayaan mong tuparin ko ang iyong kahilingan," pabiro kong sinabi.

Inangkin ko ang matatamis niyang labi.

Napaungol si Marius, lalo na nang itutok ko ang aking pagkalalaki sa kanyang lagusan. Handa na akong angkinin siyang muli, nang muling may kumatok sa aking pinto.

Malakas ito, galit.

"Theodorin!" tawag ng boses ng aking ama. "Buksan ninyo ang pinto."

Agad akong napatayo, habang si Marius naman ay napakapit sa aking braso.

"Sandali lang po, aking ama..."

Nagmamadali akong nagsuot ng bagong salawal mula sa aparador at ng tunikang puti.

Binuksan ko ang pinto.

Agad pumasok ang ama kong Emperador at napatingin sa kama kung saan nakahiga pa rin si Marius.

"Anong kahangalan ito?!" sigaw niya sa amin. "Nagkakagulo na ang imperyo, samantalang kayong dalawa ay naglalampungan dito sa silid?!"

"Bakit, Ama, ano po ba ang nangyari?" nagtataka kong tanong.

"Tumakas kagabi ang prinsipe ng Ignus, kasama ang kaniyang mga kawal at mga heneral!" sabi ng aking ama na nasa kama pa rin ang mga mata. "Pinatay nila ang mga bantay ni Haring Domingo, pati na rin si Heneral Romulo, at ginawang bihag si Prinsesa Marielle, ang napili mong kapares!"

"Totoo ba ang lahat nang ito?!" sagot ko, hindi makapaniwala.

"Hindi ka naniniwala sa iyong ama at Emperador?" pagalit na sambit ng aking ama.

"Ngunit, nakakapagtaka na nagawa nilang tumakas sa gitna ng pagbabantay ng inyong mga kawal, pati na rin ng mga sundalo naming mga Ravante!" sabi ni Marius na napaupo na sa kama.

"Nakakapagtaka talaga," sagot ng Emperador na nakatitig sa kaniya.

Tila ninanamnam nito ang katawan ni Marius na parang estatwang marmol na inukit ng isang dalubhasang maestro.

Tumayo ako sa pagitan nilang dalawa upang matakpan si Marius. "Ipag-paumanhin po ninyo, mahal ko'ng Ama, maari ninyo po ba kaming iwan panandalian upang kami ay makapag bihis?" hiling ko sa kaniya.

Noon lang napatid ang pagkakatitig niya kay Marius.

Tumingin sa akin ang aking ama, galit. "Magmadali kayo. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para bumaba sa comedor," at lumabas na nga siya ng silid.

"Nakita mo ba iyon, Theo?" tanong sa akin ni Marius. "Nakita mo ba kung paano ako titigan ng iyong ama?" napasinghal siya. "Kulang na lang ay hatakin niya ang kumot at ako ay pagsamantalahan!"

"Shh, masamang magsalita laban sa Emperador," sagot ko sa kaniya, gayong nakita ko rin kung paano titigan ni Ama si Marius. "Nabigla lang siguro siya nang makita tayo sa ganitong sitwasyon."

"Hindi naman ito bago sa kaniya," sabi ni Marius na pilit tumayo sa kama. "Siya mismo ay may mga alagang lalaki, at balita ko ay mas bata pa ang iba kaysa sa atin!"

Hindi ako sumagot.

Mula nga nang mamatay si Ina, ay naging madalas na ang pagbisita ni Ama sa isang tago at eksklusibong bahay aliwan. Isa itong sikreto, ngunit narinig namin itong pinag-uusapan ng ama ni Marius at ng kaniyang ina, nang minsang maabutan namin silang nagtatalo.

'Hindi na siya nahiya, siya pa naman ang Emperador, at wala pang isang taon namamatay ang kaniyang asawa!' sabi noon ni Reyna Violeta na matalik na kaibigan ng aking ina.

'Masyado lang siyang nalungkot sa pagkawala ng emperatris...' pagtatanggol ni Haring Domingo sa kaniyang kaibigan.

Hindi ko nga maiwasang isipin na ang dahilan ng kaniyang hindi pagdalo sa aking ika-labing walong kaarawan, ay dahil sa masyado siyang abala sa naturang lugar na iyon.

"Kinikilabutan ako sa mga tingin niya..." patuloy ni Marius na hinihimas ang kaniyang mga braso. "Sana ay bumalik na siya sa kabisera at patahimikin na tayo!"

"Marius, huwag kang magsalita nang ganiyan." Nilapitan ko siya sa kama at umupo sa kaniyang tabi. "Isa pa, kung totoo na tumakas ang mga taga Ignus, ay siguradong malaking kaguluhan ang idudulot nito."

"Isang kaguluhan na walang kinalaman sa atin!"

Kumapit siya sa aking kamay.

"Theo, gusto kong maglakbay... magpakalayo na lang tayo... hayaan nating ang mga magulang natin ang umayos sa imperyo," ani niya. "Marami pa tayong mga kapatid, mas nakatatanda sila at mas may alam sa pagpapalakad ng imperyo, `di tulad natin na natatago sa islang ito at walang alam sa tunay na mundo!"

Napabuntong hininga ako.

May katotohanan ang kaniyang sinabi.

Mula pa nga ng kami ay bata pa, itinago na kami ng aming mga magulang. Oo nga at pinaturuan nila kami sa pinaka magagaling na mga pantas tungkol sa siyensiya, matimatika, sa pamamalakad ng gobyerno, sa kasaysayan at mga sining. Naging bihasa na rin kami sa pisikal na paglaban, gayon din sa mahika at iba pang paraan nang pakikipag tunggali, at sa pagtanggol sa aming sarili, ngunit, tulad nang sinabi ng marami, walang papantay sa tunay na karanasan.

Sa nangyari kagabi, napatunayan ko iyon, lalo na nang makita kong napahamak si Marius. Na wala siyang magawa matapos atakihin ng babaeng taga-Ignus.

"Pero..." tugon ko, "Saan naman tayo pupunta? Ano na lang ang iisipin ng ating mga magulang kung basta na lamang tayo mawawala?"

"Magpakalayo tayo, Theo," sabi niyang muli habang nakatitig sa akin. "Magagawa kong iutos na walang sinu-man ang makakikilala sa atin."

"At hahayaan na lang nating magkadigmaan sa ating imperyo?" tanong ko.

Natigilan si Marius.

"Ang importante naman ay magkasama tayo, hindi ba?" pilit niya. "Ano ba ang pakielam natin sa mundong hindi pa man lang natin nakikita?!"

Nagbuntong hininga ako at niyakap ang aking kabigkis. Nagpumiglas siya, ngunit lalo ko lang hinigpitan ang aking kapit.

"Isa ka nang ganap na lalaki, Marius," bulong ko sa kaniya. "Nang una tayong nagkakilala, napaka tahimik mo na tila may takot sa mundo. Ako naman ay masyadong makasarili at mapagmataas. Ngayon, salamat sa mga pangaral ng iyong ama, ay natuto akong magpakakumbaba, at dahil marahil sa lagi kitang pinagbibigyan, ay ikaw naman ang naging mapagsarili..."

"H-hindi ako makasarili!" pilit niya na sumimangot sa akin."

"Ngunit handa kang iwan ang imperyo para maging masaya sa piling ko."

Muling natahimik si Marius.

"Sa aking pagtanda, dama ko ang bigat ng responsibilidad sa aking mga balikat. Isa itong pamatok na hindi ko nais ipasa kanino man. Kahit pa sa iyo, Marius."

"A-anong ibig mong sabihin?" sigaw niya. Tinulak niya ako, tinitigan nang may galit sa mga mata.

"Hindi ko magagawang iwan ang aking responsibilidad, Marius," ulit ko sa kaniya. "Pangarap ko ang mamuno nang ikaw ang nasa aking tabi... ngunit kung hindi mo ito marapatin..."

"Hangal! Sa tingin mo ba ay kaya kong mabuhay nang wala ka!?" sigaw niya sa akin. Pilit siyang tumayo sa aking harapan, ngunit nanginig ang kaniyang mga tuhod at nahulog sa aking dibdib kung saan muli ko siyang niyakap.

"Alam ko, mahal, alam ko. At ngayon pa lang ay humihingi na ako nang paumanhin." Hinuli ko ang kaniyang mga mata. "Tandaan mo, ang mundong ito na ating imperyo ay siyang mundong ating tinitirahan. Magiging masaya ba tayo, sakaling takasan natin ang ating mga responsibilidad, kung ang imperyo naman ay nagkakagulo at may digmaan?"

"Masama ang kutob ko, Theo," sabi niya na tuluyan nang umiyak sa aking dibib. "Sa nakaraang mga araw ay nakakakita ako ng dugo sa aking mga panaginip," wika niya, "Dugo at abo... iyon ang tutupok sa imperyo."

Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi.

Madalas nga ay nagkakatotoo ang panaginip ni Marius. Isa itong katangian ng mga enkatong may dugong diwata na tulad niya.

"Shhh... huwag kang masyadong mag-isip nang ganiyan, habang magkasama tayo ay magagawa nating pigilan ang anumang kalamidad. Iyan ang isipin mo."

"Ngunit..."

"Shh..." Muli ko siyang pinatahimik sa pamamagitan ng isang halik. "Sa ngayon, mas kailangan nating problemahin ang iyong kalagayan... masakit pa rin ba ang likuran mo?"

Agad namula ang mukha ni Marius.