"Matapos ang naunang selebrasyon, ito nanaman?" naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador.
"Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan," sagot ko matapos magbuntong hininga. "Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo."
"Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?"
"Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?" tanong ko sa kaniya.
"Kailangan ko munang magpahinga nang saglit..." sagot niya. "Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kabisera. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!"
"Wala ito," pilit ko. "Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba kami ng mga Ignus."
Magkasama kaming pumasok sa aking lumang silid sa taas ng isa sa mga tore sa aming palasyo. Sinara ko ang makapal na pinto at naglagay ng dasal dito upang walang sino man na makagambala sa aming pagpapahinga. Inalis ni Marius ang kaniyang maskara at inihagis iyon sa kama.
May nakita akong pagkain sa aking mesa, sapat ito para sa sampung tao, at mukhang mainit pa, mula marahil ito sa kusina. Noon ko napansin na kumakalam na nga pala ang aking sikmura.
"Ah, tamang-tama, nagugutom na nga ako!" sabi ni Marius nang makita iyon. "Mukhang alam nila na paborito ko ang pulot ng pulang bubuyog bilang panghimagas!" sabi pa niya.
"Pulot ng pulang bubuyog?" napatingin ako kay Marius.
Hawak na niya ang isang kutsaritang puno ng pulot at isinubo ito.
"Sandali!" Huli ko na siyang napigilan. "Ang pulang bubuyog ay mula sa kaharian ng Ignus!" nag-aalala kong sinabi sa kaniya.
"Alam ko, hindi nga ba at madalas magdala si duke Malonzo ng pulot ng pulang pukyot sa atin tuwing bumibisita siya mula Ignus?" tumikhim si Marius. "Isa ito sa mga, ehem, pangunahing kalakal ng mga tao, hrmm, sa Ignus..." nasamid naman siya.
Kinuha ko ang bote mula sa kaniya at inusisa ito.
Noon ko nadama na may sumpang nakabalot rito!
"Marius?" napatingin ako sa aking kabigkis na kinakamot ang kaniyang lalamunan.
"Parang... nabara ang pulot sa..."
Hindi na natuloy ang kaniyang salita. Hinawakan niya ang kaniyang lalamunan at tila nabilaukan.
"Marius!" Madali ko siyang nilapitan at binuka ang kaniyang bibig.
Nakita ko ang malagkit na pulot na parang linta na gumagapang sa kaniyang lalamunan!
"Tubig!"
Tumawag ako ng tubig na namuo mula sa hangin at nilinis ang kaniyang lalamunan!
Napaluha si Marius sa sakit, nang pilit ilabas ng tubig ang sinumpang pulot na kumapit na sa kaniyang lalamunan. Ngunit may ilan pang natira rito.
Itinuon ko ang lahat ng atensyon sa pag-alis ng pulot na iyon sa kaniyang katawan. Tinitigan ko iyon ng mabuti, nakita ang pinaka maliliit nitong butil na `di kayang makita ng simpleng mata lang. Nababalot ito sa sumpa nang kung sinu man na may kagagawan ng bagay na iyon.
Huminga ako nang malalim at hinatak ang bawat butil palabas ng katawan ni Marius, pati na ang nasa loob ng kaniyang sikmura, kahit pa iyong mga nagsimula nang lumibot sa kaniyang katawan, at inilabas lahat nang iyon sa kaniyang bibig, pabalik sa bote na ngayon ay nakalapag sa sahig.
Tapos noon ay tumawag ako ng apoy at pinalamon sa bughaw na ningas ang buong bote. Walang natira rito nang maapula ang apoy.
Samantala, naluluha pa rin sa sakit si Marius.
Tinulungan ko siyang tumayo at binuhat sa aking kama.
"Maayos lang ba ang iyong kalagayan, Marius?!" napailing siya. Kapit pa rin niya ang kaniyang lalamunan. "Ibuka mo ang iyong bibig..."
Ibinuka nga niya ito, at nakita kong namamaga ang kaniyang lalamunan.
"Kaya mo bang magsalita?"
"Hi..." sinubukan niyang magsalita, ngunit sobrang malat ang kaniyang boses, at muli siyang naluha sa sakit.
"Sandali, hihingi ako ng tulong sa mga pantas...!"
Pinigilan ako ni Marius.
"Wah..." tumingin siya sa paligid at itinuro sa akin ang isang pluma at mga papel. Agad ko itong iniabot sa kaniya.
'Huwag kang tumawag basta ng doktor. Hindi natin alam kung sino ang may gawa nito,' isinulat niya.
"Tama..." ako'y napa-isip. "Alam ng may gawa nito na parating tayo ngayon, alam niya na mahilig ka sa pulot ng pulang bubuyog, at alam din niya na gutom tayo dahil hindi tayo nakapag umagahan bago tayo umalis."
'Kaya't hindi tayo dapat magtiwala kanino man!' muli niyang isunulat.
"Ngunit, paano na ang iyong kalagayan?" tanong ko sa kaniya. "Paano na ngayon, at hindi ka makapagsalita?!"
Napatitig sa akin si Marius, nag-iisip. 'Sa tingin ko ay balak lang ng pulot na pigilan akong magsalita, at hindi ang ako ay patayin,' sulat niya.
"Tama," napa-isip din ako. "Wala akong lason na naramdaman sa sumpa na nakalagay sa kinain mong pulot. Ito'y inutusan lang na palibutan ang iyong lalamunan upang hindi mo magamit ang iyong mahika"
'Nais nila akong pigilan sa paggamit ng aking dilang pilak. kung gayon ay may iba pa silang balak sa akin.'
Lumapit si Marius sa lamesa, pinagmasdan ang mga pagkain na nakalatag doon. Puno ito ng aming mga paborito. Mga prutas, putahe, at matatamis na panghimagas at kakanin na madalas naming hilingin mula nang kami ay mga bata pa.
'Tignan mo ang paborito mong putahe na inihaw na kuneho,' sulat ni Marius sabay turo sa akin.
Nilapitan ko nga iyon at napansin na may sumpa rin na nakalagay rito!
Isang sumpa ng pagtulog.
Kung gayon ay may balak nga silang dakipin kami rito, ngayon din!
Agad akong tumingin sa paligid. Tumawag ako ng hangin na siyang tinangay ang lahat ng gamit sa loob ng silid, tapos ay binuksan ko ang malapad na pinto at inihip palabas ang lahat ng gamit dito.
Muli kong pinagmasdan ang paligid.
Sarado ang malalaking mga bintana, at malabo na may mga taong nakatago sa labas nito. Tinignan ko naman ngayon ang mga pader.
Tama. Naaalala ko na may maliit na lagusan dito sa aking silid, dati itong itinuro sa akin ng aking ama noong ako ay bata pa. Isa itong sikretong daanan na maaari kong gamitin kung sakaling may panganib na dumating.
Agad ko itong hinarap, at gamit muli ang hangin, ay binuksan ang sikretong pinto sa pamamagitan ng pagpisil sa pirasong adobe na nakatago sa dingding.
Umatras at umangat ang parte ng pader.
"Hintayin mo ako rito, Marius." Paalis na ako nang hatakin ni Marius ang aking kamay.
Umiling siya sa akin, sabay yakap sa aking braso.
"Nais mong sumama? Ngunit..."
Galit ang tingin, muling umiling si Marius at hinampas ang aking braso.
Wala akong nagawa kung hindi isama siya sa pagpasok ko sa madilim na lagusan.
Naglabas ako ng plasma, isang mala-likidong bagay ito na nagliliyab na tila naipong kidlat. Pinalutang ko ito sa ere upang ilawan ang aming harapan.
Nasa loob na kami ng lagusan, at sumara nang kusa ang pintuan nito sa pagpasok namin.
Agad ko'ng napansin ang mga bakas ng sapatos sa maalikabok na lapag.
Sinundan namin iyon, ngunit alam ko na ang kung sinuman na nagbalak nang masama sa amin ay matagal nang nakatakas.
Umikot ang daan pababa at sa may dulo ay may ilang paliku-liko. Sa wakas, umabot kami sa isang pader at nakakita ng isang maliit na pintuan. Nakarinig kami ng tunog ng mga kaldero at pinggan. Pagbukas ko nito, nakita ko ang mga kusinero ng palasyo na gulat na napatingin sa amin.
"P-Prinsipe Theodorin?!" sambit ng isang matabang lalaki na may dalang kutsilyo.
"May nakita ba kayong taong lumabas mula rito?" tanong ko sa mga nakapaligid sa amin na isa-isang yumuko upang magbigay galang.
"W-wala po!" sagot ng isang kusinero na pay mataas na puting sombrero sa ulo. "M-maliban po sa inyo, ay walang lumalabas mula... mula sa lutuan..."
Napatingin ako sa gilid at nakitang natulak sa tabi ang malaking lutuan ng palasyo sa pagbukas ng sikretong lagusan.
Tumingin ako pabalik at tinawag si Marius. "Halika na, mukhang ligtas naman ang lahat."
Lumabas na nga si Marius, at noon ko lang naalala na hindi siya nakasuot ng maskara.
"Yumuko kayong lahat!" utos ko sa mga tao sa kusina. Mabilis kong inalis ang suot kong balabal upang itakip ito sa ulo ni Marius.
Nagsiyukuan nga ang mga kusinero.
Bago umalis ay naisipan ko silang tanungin, "May nagdala ng pagkain sa aking silid. Maari niyo bang sabihin kung sino ang naghanda at nagdala ng mga pagkain na iyon sa akin?"
Napatingin ang kusinerong may mataas na sombrero sa kaniyang mga kasamahan. "Mahal na prinsipe, ipagpaumanhin po ninyo, ngunit, hindi pa po kami nakakapag padala ng pagkain sa taas," sabi niya. "Kasalukuyan pa lang po kami nagluluto dahil sa biglaan ninyong pagdating."
Natahimik ako, hanggang sa maramdaman ko'ng hatakin ni Marius ang aking braso.
"Salamat," sabi ko sa kaniya.
Nakita ko naman na may luto nang tinapay sa isang tabi at nilapitan ito. "Maari ba akong kumuha nito?" tanong ko sa kanila.
"Naku, kamahalan, iyan po ay tinapay lang para sa aming mga `di hamak na tagasilbi rito sa palasyo!" sabi ng kusinero.
"Mabuti kung ganon."
"P-po?"
Kumuha ako nang ilang piraso at nagbulsa pa ng iba, tapos ay nag-abot ako kay Marius ng dalawa. "Maraming salamat."
'Saan tayo pupunta?' sulat ni Marius sa pirasong papel na dinala niya mula sa aking silid.
"May lugar akong madalas pagtaguan noong ako ay bata pa," sagot ko. "Sana ay nandoon pa iyon, at wala pang ibang nakakahanap sa aking munting lungga."
Sinama ko siya sa hardin.
Malawak ang lugar na iyon, at sa dulo ay may isang lumang labirinto na napaglipasan na nang panahon. Matagal na itong hinarangan ng mga hardinero dahil minsang naligaw dito ang aking bunsong kapatid na si Camilla, at inabot kami nang gabi kakahanap sa kaniya.
Kahit pa may harang, ay inakyat namin ang bakod nito sa pagtawag ng hangin. Tinahak namin ang labirinto na kabisado ko pa rin, hanggang sa maabot ko ang gitna nito na may munting kubol at bukal ng matamis at sariwang tubig sa gitna na mula sa ilalim ng lupa.
Doon kami nagtungo. Akay-akay si Marius, sinama ko siya sa lugar na lagi kong takbuhan sa aking pag-iisa.
"Walang makahahanap sa atin dito," sabi ko sa kaniya. "Mukha ring wala nang ibang pumasok sa labirintong ito mula nang umalis tayo ng kabisera."
Pinagmasdan ko ang mga halamang pader na nagsitaasan na at halos mag-abot na sa kapal.
'Ano na ang ating gagawin?' sulat ni Marius na nag-aalala ang tingin sa akin. 'Napaka tanga ko, hindi ko muna tinignan nang mabuti ang pagkain bago ko iyon isinubo. Kasalanan ko ang lahat.' Nahulog ang balabal kong itinakip sa kaniyang mukha at nakita ko kung gaano siya'ng nag-aalala.
"Wala kang kasalanan," sagot ko habang hinihimas ang kaniyang mahabang buhok. "Hindi natin akalain na may gagawa nito... na agad silang kikilos kahit pa kadarating pa lang natin sa kabisera... ngunit hindi sila nagtagumpay."
'Hindi nga ba? Ngayon, wala na akong boses, paano ko magagamit ang aking kapangyarihan?'
"Babalik rin ang iyong boses," paalala ko sa kaniya, "At mahahanap din natin ang may kagagawan nito." Kumuha ako ng tubig mula sa bukal at minahika ito papunta sa amin. "Uminom ka, sariwa ang tubig dito, makakabuti ito sa iyong lalamunan."
Uminom nga si Marius.
Napapasimangot siya sa bawat lunok, ngunit pinagpatuloy niya ang pag-inom at sa pagtulo ng malamig na tubig sa kaniyang baba at sa kaniyang dibdib, ay `di ko mapigilang yakapin siya at halikan.
"Haa..." napasinghap si Marius nang dilaan ko ang tubig na tumulo sa kaniyang leeg. Hinimas ko pababa ng kaniyang balikat ang suot niyang tunika.
Tila nawala ang lahat nang nasa aming paligid nang kami ay maghalikan. Ang tanging naririnig lang namin ay huni ng mga ibon, ang tubig sa bukal, at ang aming hininga na pabilis nang pabilis, dahil sa pananabik namin sa isa't-isa.
Inalis ko ang saplot sa kaniyang katawan. Hinalikan ko ang dibdib niya, dinilaan ang dulo nitong kulay rosas, at tuluyan na itong sinupsop.
Niyakap ako ni Marius nang mahigpit. Dama ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso, ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib, at sa pag-alis ko sa sarili kong saplot ay umupo siya sa aking kandungan.
"M-Marius..." napaungol na lang ako, hindi makalaban nang ibaba na niya nang tuluyan ang suot niyang pantalon. Itinulak niya ako pahiga sa lapag na natatakpan ng mga tuyong dahon.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pigi para pigilan, ngunit umiling lang siya at mukhang nainis. Inabot ko ang kanyang mga labi. Hinalikan niya ang aking kamay, isinubo ang aking daliri at kinagat ito, madiin.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Walang boses si Marius.
Wala ang pinaka malakas niyang sandata.
Mula pa noong mga bata kami, mahina na ang kaniyang katawan. Para siyang isang paslit na hindi kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga kamao.
Kahit pa sa aming paglaki, sa kabila ng mga pag-eensayo namin sa ilalim ng punong heneral ng kaniyang ama, ay sadyang mahina ang kaniyang katawan.
Marahil, dala na rin ng kaniyang pagiging dugong enkanto, kaya ganoon ang katawan niya; payat, patpatin, mahina... ngunit napaka ganda, at pinagmumulan nang malakas na kapangyarihan.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Marius sa aking dibdib.
Sa pagdilat ko ay nakitang nakabuka ang kaniyang bibig. Nakapikit siya at tila wala sa sarili. Hinawakan kong muli ang magkabila niyang pigi at tinulungan siya. Sinalubong ko nang tulak ang bawat bagsak ng kaniyang katawan sa akin, hanggang sa `di na namin mapigil ang napakasarap na pakiramdam na bumihag sa aming katauhan.
Nahulog ang kaniyang katawan sa akin.
Niyakap ko siya.
Wala siyang malay.
At hinayaan ko siyang magpahinga sa aking dibdib.