Alyjah
Nakatulala pa rin ako sa nangyari kahit kanina pa tapos ang pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Like what just happened? Nananaginip ba ako?
"Woah! Suwerte mo bro, mukhang naka-jackpot ka sa gabing ito ah!" palatak ni Aiden na tumunga ng beer pagkatapos. May ningning sa mga mata niya. "Akala ko ba wala ng babaeng nakamaskara?"
Napalunok ako. Hindi ko rin naman maintindihan. Sumama ako sa kanila dahil susunduin ko si Ely. May trabaho siya ngayon dito at gagabihin. Kung bakit kasi hindi na lang katulad ng ibang araw na maaga-aga siya sa pag-uwi. Ngayon kasi ay galing pa siya sa part-time niya.
"Akin na lang bro, may Ely ka na eh!" Muling ika ni Aiden hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi. Napailing ako at kinapa ang papel na binigay sa akin ng babaeng nakamaskara.
Nang mapabaling ang mata ko kay Heron na matamang nakatitig sa akin. Na para bang binabasa niya ang kinikilos ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
Itinaas nito ang boteng hawak saka tinungga. Himalang wala silang babaeng ka-table ngayon. Lalo na siya na hayok sa laman.
"Kumusta kayo?"
Malawak ang ngiti kong bumaling kay Ely nang mabosesan ko siya. Dala ang isang bucket nang beer ay inilapag niya iyon sa mesa namin. Kinindatan ko siya nang bumaling ang kanyang tingin sa akin.
"Life must go on," ani ko na mababasa lamang niya sa bunganga ko. Ngumiti siya sa akin.
"Life must go on."
Natawa ako. Napag-usapan namin dalawa na ipaalala iyon sa isat-isa kapag halos sumusuko na kami. Though this time, I just want to remind her.
"Ely, may good news at bad news."
Napabaling kaming pareho kay Aiden nang muli itong magsalita. Naroon pa rin ang ngisi niya sa mukha na para bang may binabalak na kalokohan. Kapag ganoon ang mukha niya ay kabahan ka na. Kaya kabado na ako sa lalabas sa bunganga ng sinto-sinto kong kaibigan.
"Anong gusto mong malaman na una?" Pagpapatuloy niya at ayaw tantanan si Ely na naging kuryoso na sa sinasabi niya.
"Bad news na lang muna," patol ni Ely. Kaya naman parang nasa bingit ako ng kamatayan sa ibabalita ng kaibigan ko. Walang hiya ang takbo ng utak nito eh, lalo na at nahawaan na ng alak ang kabaliwan.
"Iyong babaeng nakamaskara..."
"Aiden!" Halos sigawan ko siya at agad na nilapitan. Inakbayan ko siya pero mas masasabing sakal ang ginawa ko kesa ang akbay. Tinakpan ko rin ang kanyang bibig.
Natatawa akong tumingala kay Ely na nakataas na ang kialy sa akin at nakaismid. Naikiling pa ang kanyang ulo sa akin.
"Wala iyon, magtrabaho ka na," taboy ko sa kanya habang hindi pa rin binibitiwan ang bibig ni Aiden. Iyon lang, napaaray ako nang kinagat ako ng loko sa palad.
"Tang ina!" galit kong singhal. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay.
"Kasalanan mo, papatayin mo yata ako. Halos mawalan na ako ng hangin ah!" asik niya. Kinuha ang boteng iniabot ni Heron. "Sasabihin ko lang naman na good boy kang asawa! Mukhang wala ka nang interes sa babaeng nakamaskara na iyon eh!" Muling asik nito at tinungga ang boteng hawak.
Tinapik siya ni Heron sa balikat para pagaanin ang loob niya. Nahuli ko naman si Ely na napayuko pero may naglalarong ngiti sa kanyang labi. Tuloy ay napangiti rin ako kahit na nahuhulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Kung bakit bigla na lang lumalapit sa akin ang babaeng nakamaskara.
Nagpatuloy kami sa pag-inom, gayundin naman sa pagtatrabaho si Ely. Mayat-maya'y pinupuntahan niya kami sa aming mesa. Napatingin ako sa aking relo, Alas onse na ng gabi. Ala una pa matatapos si Ely sa trabaho niya.
Nang mahagip ng tingin ko ang isang bulto ng tao na papunta sa isang silid. Hindi ako puwedeng magkamali, si Papa iyon. Nalaman ko na kilala niya si Mamang at nagagawi rin pala siya sa club. Hindi ko nga lamang natanong kung madalas ba siya rito.
Pero kung titignan nga naman, mukha ngang madalas siya rito.
"May private room ba rito?" tanong ko pero nakapagkit pa rin ang tingin ko sa isang madilim na silid, o tamang sabihin na tinted ang loob. Nakatingala ako doon kaya bumaling rin ang dalawa kong kaibigan kung saan ako nakatingin.
"Sa naririnig ko, ang mga bigating panauhin ang gumagamit. Iyon bang matagal nang suki, hindi pa ganito kalaki at kakilala ang club," sagot sa akin ni Heron na kunot ang noo. "Bakit?"
Napailing ako. Kung gayon, may pinupuntahan ba si Papa rito.
Hindi kaya...
Bigla akong kinutuban. Nagpalinga-linga ako. Kung tama ang kutob ko, narito kaya ang kabit ni papa?
Pinilig ko ang aking ulo. Imposible iyon dahil kung narito siya, dapat ay naroon na ito sa burol ng ama nila. Dapat ay sinamahan niya ang kanyang mga kapatid sa pagdadalamhati.
O natakot siyang magpakita dahil sinabi ni Papa. For sure, alam na niya ang ugnayan ni Ely sa kanyang kabit. Kaya nga kung kumilos ito parang napakabuting ama. Pwe! Punyeta!
Dumilim ang aking mukha at napakuyom ako sa aking kamao. Hindi ko namalayan na nakamasid na pala si Ely sa akin. Kaya napatda ako at hindi nakahuma nang magtama ang aming mga mata. Napakaraming ibig sabihin ng mga titig niyang iyon.
Bigla akong nakaramdam ng sari-saring emosyon habang nakatitig sa kanyang mga mata. Kumislot ang aking puso nang matipid niya akong nginitian na para bang nagtatanong kung ayos lang ba ako? Sinasabi rin ng ngiting iyon na ayos lang ang lahat.
"Naku, mukhang magkakatunawan pa kayong mag-asawa niyan eh. Tumigil nga kayo. Nakakadiri!"
Matalim kong binalingan ng tingin si Aiden pagkatapos kong tanguhan si Ely. Panira talaga ang gago! Kasi naman, walang kaseryosohan sa babae. Hanggang laro-laro lang. Katulad din ni Heron. Iba nga lamang si Heron dahil kapag nagustuhan ang babae at nagseseryoso. Si Aiden, tikim-tapon.
Ganoon din naman ako sa America, pero mga babaeng mahilig rin naman makipaglaro ang kalaro ko. Kapag iyong mga seryoso ang lumalapit, hindi ko na pinagtutuunan ng pansin.
"Kumusta kayo ni Ely sa mansiyon?"
Napasulyap ako kay Heron na siyang nagtanong. Nilalaro ko ang bote na hawak sa pamamagitan ng pagpapaikot-ikot sa laman nito sa loob bago siya sagutin.
"You know my situation." Bumuntong hininga ako. Ngayon ay mataman silang nakikinig sa akin. Alam nila ang kalagayan ng relasyon ko sa aking ama. Katulad ng pagkakaalam ko ng sitwasyon nila. Ampon si Aiden at patuloy pa rin pinapatunayan ang sarili sa mga nakagisnang magulang. Si Heron ay bastardo, both parents are rich pero iyon nga, gawa sa pagkakasala. May pamilya na rin ang kanyang ina kaya malaya siyang lumustay ng pera.
"Kung ang gusto ninyong marinig ay tungkol kay Ely at sa kapatid niya. They were okay. Mukha ngang gustong-gusto sila ni Papa eh." Gusto kong idagdag. Nagtataka rin talaga ako sa paraan ng pakikitungo ni Papa sa kanila. Sabagay, kapatid sila ng kabit niya.
"Hindi ba ninyo balak umalis?" Umilingn ako sa tanong ni Aiden. Nagmukhang seryoso ang loko.
"Sa ngayon, mahirap. Lalo na sa parte ni Ely dahil kay Ashley. Ngayon kasi, katuwang namin si Nanay Erna sa pag-aalaga," sagot ko. Part of it was true, pero may isa pa akong dahilan na mas lalong nagpatibay sa kagustuhan kong manatili sa pamamahay na iyon kahit pa ang kapalit ay ang makisama sa aking ama. Batid kong mas mapapalapit ang paghahanap ko sa kabit niya kung naroon kami sa iisang bubong.
Tumango-tango silang dalawa sa sinabi ko. Iniamba ko sa kanila ang boteng hawak ko para makipag-toast. Malaki ang utang na loob ko sa dalawang ugok na ito. Para ko na silang tunay na mga kapatid. Through thick and thin ay nakaagapay sila sa akin. Sila ang ompader na sinasandalan ko noon hanggang ngayon.
"O, siya, aalis na ako. May meeting pa ako bukas. Don't bother to look for me. Out of the country ako." Tumayo na si Aiden pagkatapos magpaalam. Napakaresponsable niyang kung negosyo ang usapan.
Patayo pa lang siya nang hilain siya ni Heron at muling napaupo.
"Walang aalis. Anong napapala mo sa pagiging mabuting anak, they never loved you anyway!"
Nagdilim ang mukha ni Aiden. Nakita ko ang kudlit na galit sa kanyang mga mata. But then, the Aiden I know will shrugged it.
"E 'di order pa tayo!" bulaslas niya at nagtawag ng waitress. Napailing na lamang ako.
Friends that have the same feather, flocks together.