Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 35 - Chapter 34

Chapter 35 - Chapter 34

Alyjah

Kanina pa ako tapos maligo,ngunit hinayaan kong nakabukas ang shower habang palihim kong sinisilip si Ely. Alam kong kuryoso siya sa pinapanood ko kanina dahil kita iyon sa kanyang mga mata.

Sa aking pagmamasid, mas lalo akong humanga sa kanya dahil sa ginawa niya. Nanaig sa kanya ang salitang privacy at alam kong nirerespeto niya ako. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at napahawak sa aking dibdib kung saan naroon ang puso kong nasisiyahan. Aminado akong mas lalong lumalaki ang puwang ni Ely sa puso ko. Yumayabong ang paghangang nararamdaman ko habang tumatagal na kasama ko siya.

Nang mahagip ng mga mata ko ang maliit na piraso ng papel sa lababo. Iyon ang numerong ibinigay ng babaeng nakamaskara kanina. Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya. Hindi ko pa rin talaga maiwasang humanga. Malaki pa rin ang epekto niya sa akin. Bagay na gusto ko na sanang ipagsawalang bahala.

Tang-ina! Hindi na lang isip ko ang magulo! Pati ba naman puso ko hindi na alam kung ano ang nararamdaman!

"Gago! Sumeryoso ka dahil may asawa ka na!" pagalit na saad ko sa sarili.

I like the idea of having a wife. And I like the fact that Ely is the one. Kaya gusto ko talagang magseryoso. Tuluyan ko ng itinapon sa basurahan ang papel.

Pinatay ko muna ang shower bago ako marahan naglakad palabas. Hindi ko mapigilang pagmasdan si Ely na ngayon ay nakasandal ang likod sa sofa. Ang mahaba niyang buhok ay nakalaylaysa likuran at tumutulo pa ang kaunting tubig sa dulo. Ang tuwalya ay nakapatong sa kanyang ulo.

Tumapat ako sa kayang likuran at muli siyang pinagmasdan habang siya ay napapikit.

"You should dry your hair well before going to sleep..."

Naipilig ko ang aking ulo. Hindi ko naman sinasadyang maging malambing ang tono pero, I sounded like that! Hinawakan ko na lang ang tuwalya at marahan na pinunasan ang kanyang buhok.

"Hindi pa naman ako matutulog," ika niyang halos nakatingala na. Nakapikit pa rin siya kaya napagnasdan ko pa siya ng mabuti.

She's really a beauty. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Hanggang sa matutok ang mga mata ko sa kanyang labi. Napalunok tuloy ako ng laway dahil natatakam along tikman ang mga labi niyang iyon.

"You're so beautiful..." hindi ko mapigilang bulaslas. "You are beautiful inside and out..." pagpapatuloy ng walang preno kong bunganga!

Napamulagat tuloy siya kayaa nasalubong niya ang mga mata kong titig na titig sa kanya. Muli akong napalunok lalo na noong napaawang ang bibig niya at bahagyang nakabuka na ngayon.

Lalo ko tuloy gustong tikman ang mga labi ni Ely.

"Gusto mong uminom?" Mabilis akong nag-iwas sa kanya ng tingin. Naglakad ako papuntang refrigerator at naglabas doon ng beer in can. Gusto kong pawiin ang uhaw ko para sa kanya. Mukhang itong lata na naman ng beer ang ka-lips to lips ko.

"Hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong niyang tumayo at nagtungo sa banyo hawak ang tuwalya. Ako naman ay umupo sa sofa. Nilapag ko ang isang beer sa dating puwesto niya at agad kong nilagok ang akin.

"Hindi pa, isa lang naman. Hindi kasi ako masyadong uminom kanina dahil hindi ako puwedeng malasing," sagot ko pagkabalik niya. Muli siyang naupo sa dating puwesto. Kinuha ang beer, binuksan at tinungga iyon. Day-off niya bukas, kaya okay lang naman na uminom siya.

Isasama ko sana siya para bisitahin ang lugar na pagtatayuan ko ng negosyo pero alam kong mas kailangan niya ng pahinga.

"Salamat sa lahat, Ali."

Muli akong napabaling sa kanya ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon. Wala na siyang ginawa araw-araw kundi ang magpasalamat sa akin. Pagkatapos ay dudugtungan niyaa ng...

"I really don't deserve it, pero..." At muli siyang tatahimik.

Pinagmasdan ko siya lalo na noong tuloy-tuloy ang lagok niya sa beer. Inubos niyang lahat ng laman.

"Gusto mo pa ba ng isa? Tutal naman, off mo bukas."

Matipid siyang ngumiti at tumango kaya naman tinungo kong muli ang ref at kumuha ng apat pang beer in can. Kumuha na rin ako ng chitchiria na puwedeng gawing pulutan. Inilapag ko ang mga iyon sa center table at binuksan na rin ang chippy na barbecue flavor. Pumulot ako ng isa at sinubo.

"Sa buong buhay ko, lahat na lang ng naging desisyon ko, mali. Hindi ko man lamang ginamit ang isip ko," wala sa sariling bulaslas niya. Pinaglalaruan ang lata sa kamay.

Gumalaw ako sa pagkakaupo at sinulyapan siya pagkatapos maubos ang laman ng iniinom ko. Humarap rin siya sa akin wari'y binabasa ang nasa isip ko. Mapait akong napangiti.

"Isa ba ako sa maling desisyon mo?"

Napawi ang ngiting ipinagkit niya sa kanyang labi dahil sa tanong kong iyon. Muli siyang nag-iwas ng tingin at nakipagtitigan sa lata ng beer. Ako man binawi ang titig sa kanya at itinutok na lamang ang mata sa kamay habang malalim na napapaisip.

Muli akong tumungga ng beer. Narinig kong nilagok na rin niya ang hawak at muli, inubos agad iyon. Pumulot siya ng chitchiria, ginaya ko siya. Saglit kaming natahimik.

"Sa totoo lang, isa ka sa magandang pagkakamali na desisyon sa buhay ko," sagot niya kaya nabitin sa ere ang pagpulot kong muli ng chitchiria.

Muli akong sumulyap sa kanya. Natawa siya sa naging reaksiyon ko "Naging padalos-dalos pa rin kasi ako. Gaya noon, hanggang sa ngayon. Ganoon pa rin ako magdesisyon. Isa kang pagkakamali na desisyon, Ali. Pero, sa tuwing pinagsisisihan ko ang desisyong iyon, lagi kang gumagawa ng paraan para maging tama ang lahat. Na tama lang na pinagkatiwalaan kita."

Tumagilid na muli ako at pinaglaruan ang hawak na lata ng beer. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon sa mahabang sinabi niya.

Isa akong mali at tamang desisyon sa kanya?

"Huwag mong isiping mali na sumama ka sa akin. Na maling naging asawa mo ako." Napabuntong hininga ako. May sasabihin pa sana ako nang muli siyang nagsalita.

"Alam mo bang mali ang sagot ko sa iyo noong tinanong mo ako kung mali ba ang magmahal ng maling tao." Kumuha siyang muli ng beer at binuksan iyon. Ang kanyang pangatlong lata. "Ngayon ko lang napagtanto na maling tao nga talaga ang minahal ko noon. Maling-mali na nahulog ako sa kanya..."

I grind my teeth as she speak. Ewan ko kung bakit may pait akong nalalasahan sa mga pinagsasabi niya. Oo nga't sinasabi niyang mali ang taong minahal niya, pero nahihimigan ko siya ng pagsisisi. Nararamdaman ko na may natitira pa siyang pagmamahal sa taong tinutukoy niya.

"I don't know who or why, but are you still in love with him?" Hindi ko mapigilan ang pagtatanong. Tila natatapakan ang pagkalalaki ko dahil asawa ko siya pero may ibang lalaki na laman ang kanyang puso.

Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga. Pagkatapos ay ang paghalakhak ng mahina pero wala man lang halong kasiyahan sa tono nito.

"Kapag nakikita ko siya, bumabalik ang sakit," mahina niyang sagot. Pinag-aralan ko ang kilos niya habang nilalarong muli ang hawak na lata. "Pero, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa siya nakakalimutan..."

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Nalasahan ko na naman ang pait sa loob ng bibig ko. Hindi gaya ng lasa ng beer, mas mapait pa ang nalalasahan ko ngayon.

"Ali..."

"Hmmmm." Ipiniksi ko ang nilalaman ng isip ko at muli siyang binalingan ng tingin. Nakaharap na siya sa akin at may pagkit mlna ngiti sa labi. Malungkot ang mga mata niyang malalim na nakatitig din sa akin.

"Puwede kitang masaktan." Tumango ako. "Baka pagsisihan mo na kinupkop mo ako at tinulungan..." gumaralgal ang boses niya hudyat ng isang hikbi. Sumilay ang butil ng luha sa magkabila niyang mata. "A-ayoko kong saktan ka."

Sa isang iglap at nakalapit ako sa kanya at hinila siya palapit sa katawan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Shhhh, kaya ko. Kakayanin ko," saad ko habang inaalo siya sa pag-iyak. Halata na rin na may tama na siya sa alak na iniinon namin.

Muli akong humugot ng malalim na hininga. Alam ko naman na puwede naming masaktan ang isa't isa, lalo na kapag hindi umayon sa sitwasyon ang lahat.

Hinalikan ko ang kanyang ulo habang kinukuwesyion ang sarili kung ready nga ba akong masaktan. Lalo ngayon na nakumpirma kong may mahal nga siyang iba. I like her, aminado ako doon pero alam ko at nararamdaman ko na lumalapit pa rin siya sa kung sino mang lalaking minamahal niya.

Pumikit ako at mapait na napangiti. I really like Ely. Kaya siguro may panlulumo ako na may nagmamay-ari ng kanyang puso.

"Sinaktan siya ng lalaking iyon. Kaya may tyansa kang magustuhan niya rin!" Pangungumbinsi ko sa aking sarili. Baka nga, puwede siguro.

Muli kong hinalikan ang kanyang ulo. Bahagya siyang lumayo sa sakin at tiningala ako. Mapupungay ngayon ang kanyang mata at nakaawang ang kanyang bibig na kanina ko pa gustong tikman.

Kaya naman hindi ko nakontrol ang sarili ko at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. I am still in my right mind ngunit noong pumikit siya ay nawala lahat ng inhibisyion ko sa sarili. She close her eye as she is ready for the kiss.

Inilapat ko ang aking labi sa kanyang labi. Marahan lamang sa una, pero kalauna'y naging mapusok at mainit ang halik na ginawad ko. Lalo akong nag-init noong tinugon niya ang aking halik.

Halos mawala ako sa aking katinuan sa sensasyong pinaramdam niya sa akin. My hands are starting to move on her body. Narinig ko ang mahina niyang pag-ungol kapag humahaplos ang aking kamay sa kanyang balat.

Mas lalong nag-alab ang halik na pinagsaluhan namin. Ang kanyang kamay ay napahawak.na.sa aking batok. Ang kamay ko naman ay ipinasok ko sa kanyang suot na t-shirt.

Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan. Habang ang aking kamay ay inaalis na ang hook ng kanyang bra nang bigla, lumitaw ang mukha ng babaeng nakamaskara mula sa aking pagkakapikit.

"I'm sorry," anas ko kasabay ng paglayo ko bahagya sa kanya.