"Stop staring. Baka matunaw ako."
Napaawang ang aking bibig at nag-init ang pisngi nang marinig ang boses ni Ali.
"Ah..." Lumunok ako dahil biglang nagbara ang akuig lalamunan. "Ay!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila dahilan para mapadagan ako sa kanya. Pinilit kong bumangon sa pamamagitan ng pagtukod ng palad ko sa kanyang dibdib ngunit lalo niya lang akong niyakap ng mahigpit kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib.
"Let's stay like this!" malambing niyang bulong kaya napatigil ako. Humaplos ang kamay niya sa aking buhok habang ramdam ko ang hininga niya sa aking bumbunan.
Katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos. Ngunit nabibingi ako sa iregular na tibok ng kanyang puso, mabilis kasi iyon at malakas. Katulad na katulad ng nararamdaman ko.
"Kumain ka na ba?" mula sa pagkakadukdok sa dibdib niya ay nagawa kong itanong.
Dinig na dinig ko pa rin ang malakas na pintig ng kanyang puso. Puso niya ba o puso ko ang naririnig ko ngayon?
"Hindi pa, ikaw? Si Ashley?"
Nakagat ko ang aking labi dahil sa totoo lang ay kumain na kami bago umuwi. Hinintay kaya niya kami?
"H-hindi pa," sagot ko na biglang nagpa-init sa aking pisngi dahil sa kasinungalingang sinabi. Buti na lang at nakatago ang mukha ko sa dibdib niya.
Naramdaman ko ang paggalaw niya, kaya naman iniangat ko ang ulo ko at tiningala siya. Nakatingin siya kay Ashley na biglang umiba ang puwesto.
"Kauuwi niyo lang ba? Saan kayo namasyal?"
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Wala naman akong ginagawang masama pero bakit parang nagi-guilty ako. Bakit parang may mali akong ginawa.
Napalunok ako ng ilang beses. Timikhim pa ako dahil tila may nagbara sa lalamunan ko.
"Ah kasi..."
Huminga ako nang malalim. Bakit ba natataranta ako? Wala naman sigurong masama kung sabihin kong kasama namin si Lauro.
"Nevermind!" Muli niya akong niyakap, kaya naman pinanatili ko na lamang ang aking sarili sa ibabaw niya.
"Ali. . ."
"Hmmmm?"
"Matagal na ba kayong magkakakilala nina Aiden at Heron?"
"Huh? Bakit mo natanong?"
Lihim akong napanguso? Sagutin ba naman ang tanong ko ng isa pang tanong. Eh, kasi naman...
"Elememtary pa lang magkakasama na kami. Parakaming pinagtagpong tatlo ng tadhana. We clicked as friends. We all suffered and neglected by our own families. We understand each other," Mahaba niyang paliwanag sa tanong ko pero hindi pa rin ako mapakali.
"Malaki siguro ang tiwala mo sa kanila?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot kaya nagpatuloy ako. "Paano kung bigla ka nilang traydurin?"
Alam kong wala ako sa puwesto o walang karapatan para magsalita ng hindi maganda sa mga kaibigan ni Ali. Hindi ko lang talaga kayang iwasan na sabihin ang nilalaman ng isip ko.
Naramdaman ko ang pagsinghap niya. Alam ko rin na hindi makapaniwalang tinititigan niya ako ngayon kaya naman iniangat ko ang aking ulo para salubungin ang mga mata niyang nagtatanong.
"Hindi ko sinasabing traydor sila, what I mean is... may posibilidad na magawa nila iyon..."
Tumawa siya at bigla niyang ginulo ang buhok ko.
"Gutom ka na yata. Tara na nga, bangon na."
Napanguso ako ngunit maingat na rin namang bumaba. Napakunot noo lamang ako ng inabot niya ang kamay niya, nagpapatulong para makatayo.
Ngumiti ako at hinawakan ang palad niya para hilain siya. Pero imbes na siya ang mahila ko, muli niya akong hinila padagan sa katawan niya. Pagkatapos ay ipinihit niya ako upang magkabaliktad ang puwesto namin.
Nanuyo ang labi ko kaya wala sa sariling binasa ko ang aking mga labi sa pamamagitan ng dila. Titig na titig siya sa ginawa ko.
"Parang mas gusto kong mabusog sa pamamagitan ng mga labi mo kesa kumain," anas niya na nagpainit sa aking pisngi.
Napapikit ako nang unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa akin. Kakaibang pakiramdam ang gumupo sa akin nang maglapat ang aming mga labi.
Banayad ang halik na ginawad ni Ali. Para akong hinehele habang tinutugon ang halik niya.
Lalong lumalim ang paghahalikan namin. Napaliyad ako nang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa aking blusa. Patungo sa aking dibdib na natatakpan pa ng panloob.
Tila nawawala ako sa huwisyo dahil sa sensasyong gumapang sa aking katawan.
"You tasted so sweet that I want more of you," bulong niya nang humiwalay saglit ang kanyang labi.
Magsasalita sana ako nang biglang may tumikhim. Naitulak ko si Ali na hindi man lamang natinag sa kanyang pagkakadagan sa akin. Kahit ang kamay niya ay nanatili sa loob ng aking blusa.
Lumingon siya sa kanyang likod habang ako naman ay sumilip din mula sa pagkakaharang niya.
Lalo kong naramdaman ang labis na pag-init ng aking pisngi nang makitang nakatayo si Lauro sa bukana ng pinto. Madilim ang mukhang nakatitig sa aming dalawa ni Ali.
"Can we have our privacy! Kumatok ka naman!" Galit na sigaw ni Ali. Matalim ang tinging ipinupukol sa kanyang ama.
"I did! Couple of times. Walang sumasagot kaya pinihit ko pabukas ang saraduhan. Kung may gagawin kayong milagro, siguraduhin niyong naka-lock ang pinto!"
Kinilabutan ako sa lamig ng tono ni Lauro nang magsalita. Hindi ko mahimigan ng anumang emosyon ang kanyang boses.
Naitulak ko si Ali nang mas malakas dahilan para tuluyan siyang tumayo.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko lalo na sa paraan ng pagtitig ni Lauro sa akin. Tutok ang mata niya at hindi niya inalintana na nasa harap niya rin lang ang kanyang anak. Bumangon ako at umayos nang upo.
Mahahalata ang pagkairita sa mukha ni Ali nang tingalain ko siya.
"What do you need?" Pati sa boses niya ay halata ang disgusto sa taong nasa pinto.
Muli akong bumaling kay Lauro na hindi natatanggal ang tingin sa akin.
"Nakalimutan mong dalhin, baka hanapin ni Ashley kapag nagising siya." Itinaas niya ang isang stuff toy na rabbit. Binili niya iyon kanina para kay Ashley. Tuwang-tuwa nga ang kapatid ko dahil kapag pinisil iyon ay gumagawa rin ng tunog.
"Ah..." Tumango ako at tumayo. Kagat-labi kong iniklian ang distansiya namin ni Lauro para abutin ang stuff toy. Hindi na rin kasi siya tuminag para pumasok pa sa loob.
Naiilang ako sa paraan ng titig niya sa akin. Tila ba sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Medyo malayo pa ako ng iabot ko ang aking kamay para kunin ang stuff toy.
Iniabot niya iyon sa akin. Nabitiwan ko nga lamang dahil sa pagdaiti ng kamay niya sa kamay kong nakalahad.
Narinig ko ang marahas na pagsinghap ni Ali sa aking likod. Malapit na pala siya sa akin na hindi ko man lang namamalayan.
"Salamat, kung wala ka nang sasabihin, I want to talk to my wife."
Napasinghap ako dahil sa nababanaag na galit sa tono ni Ali. Pinagmasdan ko siya nang yumuko siya para pulutin ang stuff toy. Mahigpit niyang hinawakan iyon na halos malamukos na sa kanyang pagkakahawak.
"Tell Ashley that we will be out again next weekend as I promise," ani niyang sa mga mata ko pa rin nakatitig. Tumalikod siya at siya na rin ang nagsara ng pinto.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumakas ang kabog ng dibidb ko. Hindi ko maatim na tingnan si Ali kaya nanatili akong nakayuko.
Sa aking pagkakayuko, kitang kita ko ang kanyang mga paa nang tumapat siya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang mukha ko para masalubong ang mga mata niya.
May pagtatanong ang kanyang tingin.
"I'm sorry," anas ko sa mababang boses. Muli kong ibinaba ang tingin pero muli niyang iniangat ang baba ko. Wala akong nagawa kundi tumingin sa kanya.
"At bakit ka nag-so-sorry? May nagawa ka bang mali?"
Hindi ko alam kung tatango ako o iiling. Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit? Una, dahil hindi ko nasabi man lang at naipagpaalam na kasama namin ang kanyang ama. Pangalawa, ay ang nakasama ko si Lauro.
"Bakit ka nag-so-sorry, Ely?" untag niya sa akin. Mas lalong naging seryoso ang kanyang mukha.
Lumunok muna ako para pawiin ang pagbabara ng aking lalamunan bago muling magsalita.
"Hindi ko nasabing kasama namin si Lau--ang iyong ama. Hindi ko alam na nakapangako siya kay Ashley, excited ang bata kaya..."
"Ely, masyado kang natataranta. Walang problema roon," putol niya sa sinasabi ko. Halos hindi na nga ako huminga sa pagpapaliwanag.
Napagdiskitahan ko tuloy ang mga daliri ko. Pinaglaro ko iyon dahil sa tensiyon na nararamdaman.
"Hindi ako magagalit, kaya hindi mo kailangan magpaliwanag," anas niyang pinigilan ang ginagawa ko.
Nang kumalma ako ay iniwanan niya ako at naglakad patungo sa kama kung nasaan si Ashley
"Ibig bang sabihin ay hindi ka na talaga gutom? Did he treat you to a fancy restuarant?" Bumaling siya sa akin pagtapos niyang ilapag ang stuff toy sa tabi ni Ashley.
Hindi ako sumagot dahil alam kong kilala niya ang kanyang ama. Pinakain kami ni Lauro sa isang sikat na Italian Restaurant.
"Bababa na muna ako para kumain," sabi niya at mabilis na nilagpasan ako patungo sa pinto.
Napanguso akong hinabol siya bago man niya maisara ito.
"Hindi naman ako nabusog kaya sasamahan kita para kumain." Pilit kong pinasigla ang aking tono. Saka siya hinila patungo sa kusina.