Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 36 - Chapter 35

Chapter 36 - Chapter 35

Elyssa

"Ate, gising na. Mamasyal daw tayo kaya gising na."

Naalimpungatan ako sa marahang pagyugyog ni Ashley sa katawan ko. Inaantok pa ako at medyo nahihilo.

"Ate, sige na! Gising na!"

Minulat ko ang isa kong mata para silipin si Ashley, pero agad akong napabalikwas ng bangon nang mapansin ko rin ang isang bulto na nakatayo sa likod ni Ashley.

Nanlalaki ang mga mata ko at talagang gising na gising ako nang magtama ang mga mata namin ni Lauro.

"Gusto raw mamasyal ni Ashley," ika niya at pinasadahan ang buong kama kung saan naroon ako. Wala na sa tabi ko si Ali kaya alam kong nakaalis na siya para sa meeting niya. Tabi-tabi na kaming matulog simula noong gabing niyakap niya ako nang mamatay si Papa.

Namumula ang pisngi ko at hindi na makatingin ng diretso kay Lauro. Hindi ko mabasa ang tinatakbo ng isip niya ngayon.

"Lets go, Ashley. Kailangan pang magbihis ng ate mo. Hintayin na lamang natin siya sa baba."

Agad niyang hinawakan sa kamay si Ashley na halata ang saya sa mukha.

"Okay, Papa Lauro. Ate, masarap ang breakfast natin, pancake, kaya hinintay ka namin!" pagbabalita ni Ashley pero hindi sa kanya nakatuon ang tingin ko.

Ngayon kasi, matalim na ang tingin ko kay Lauro na nagkibit balikat lamang.

"Tara na, Papa Lauro." Lalong nainingkit ang mata ko kay Lauro nang hilain na siya ni Ashley paalis. At mas lalo akong nainis dahil sa iniwan niyang ngisi sa akin bago pa man niya isarang muli ang pinto.

Muli akong napaupo sa kama at napasapo sa noo. Hindi naman maipagkakailang sobrang lapit na ng loob ni Ashley kay Lauro. At natatakot ako roon. Ayaw kong maging malapit siya kay Lauro. Baka masaktan lamang si Ashley.

Napasabunot ako sa aking buhok nang mahagip ng aking tingin ang orasan. Alas diyes na pala ng umaga. Tamad akong kumilos, binabalak kong magkulong na lamang sana sa kuwarto o kaya mamasyal kami ni Ashley, iyong kami lamang na dalawa, pero nauna na siyang napangakuan ni Lauro. Alam kong sinadya ni Lauro iyon.

Mabigat ang mga paa kong inayos ang higaan namin. Pati ang pag-aayos ng sarili ay binagalan ko rin. Kaya nga lamang, muling pumasok si Ashley sa kuwarto para muli akong tawagin, siyempre kasama nito si Lauro.

Hila-hila na ako ni Ashley. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak kay Lauro. Napagitnaan namin siya.

Hindi na lamang ako umimik hanggang sa makarating kami sa kusina. Namangha ako sa mga nakahandang pagkain doon. May pancake, bacon and eggs at may ibat-ibang uri pa ng tinapay.

"Ate?"

"Ah!" Nakalimutan ko na si Ashley. Kukunin ko na sana siya para paupuin pero naunahan ako ni Lauro. Isinampa niya sa upuan si Ashley at inayos sa pagkakaupo.

"Thank you, Papa."

"You are welcome, princess," sagot niya kay Ashley dahilan para mapairap ako.

Hihila na rin sana ako ng mauupuan nang naunahan niyang muli ako. Nahila na niya ang upuan na katabi ng kay Ashley.

"You may sit," nakangiti niyang saad dahilan ng pagkarambola ng kung ano sa aking tiyan. Parang nilalamutak ang aking sikmura. At alam ko kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Ayaw ko nito. Gusto na talagang tuluyan siyang kalimutan.

Umupo akong hindi man lamang siya sinulyapan.

"Salamat..."

"Tawagin mo siyang papa, Ate!" sabad ni Ashley kaya naputol ang sasabihin ko

habang hinihintay ang pagkaing ilalagay ko sa kanyang plato. Napatigil tuloy ako sa ginagawa.

"Magandang suhestiyon iyon, Ash." Napatingala ako kay Lauro na may ngisi sa labi. "I will like that!" ika niyang ginulo ang buhok ni Ashley ngunit sa akin naman nakatitig.

Nanginig ang mga labi ko dahilan para kagatin ko iyon para pigilan. Yumuko rin ako dahil iba ang ipinapahiwatig ng mga titig ni Lauro.

"Let's eat," masaya ang tonong untag niya. Siya na rin ang humiwa sa pagkain ni Ashley na hindi ko na nagawang ilagay. Ayaw na ayaw ni Ashley na sinusubuan siya kaya hinahati-hati na lang ang pagkain at bahala na siyang kunain mag-isa.

Nanatili akong nakayuko nang lagyan ni Lauro ng bacon at itlog ang pinggan ko. Sinimulan ko iyong kainin kahit wala akong gana.

"Si, Ali, nakapag-umagahan kaya?" Kausap ko ang aking sarili pero hindi ko pala namalayang napalakas iyon dahilan upang marinig ni Ashley na katabi ko.

"Nagkape lamang siya, Ate," sagot ni Ashley kaya napabaling ako sa kanya. "Tinanong ko si Kuya kasi sabay kaming bumaba. Sabi niya magkakape lamang siya."

Lalo tuloy akong mawalan ng gana dahil sa nalaman. Wala man lamang laman ang kanyang tiyan, napuyat pa kagabi tapos ay maagang umalis para sa meeting.

Naibaba ko ang tinidor at pinagmasdan na lamang ang pagkain sa aking harap.

"Don't worry about him, sanay na si Ali. And for sure, he will grab food when he's hungry," walang emosyong saad ni Lauro. Ni hindi ko mabakasan ng pag-aalala sa kanyang anak. Magana pa ring kumain kahit alam niyang puwedeng gutom na si Ali. "Hindi na siya bata para alalahanin pa," dagdag pa niya na hi di ko na ikinagulat pa. Iba nga naman ang sitwasyon nilang mag-ama.

Natapos na kaming kumain kaya naman iniligpit ko ang pinagkainan namin. Balak ko iyong hugasan nang pigilan ako ni Lauro.

"Hayaan mo na iyan,diyan. Kapag dumating na lang si Minda."

Hindi ko sya pinakinggan at dinala pa rin ang mga pinggan sa lababo. Kaya pala hindi ko sila makita at may pinuntahan pala. Hindi ko tuloy maiwasang magduda kay Lauro. Baka sinadya niyang paalisin sila.

"Magkakasabay sana tayong magsimba pero, ibinilin ni Alyjah na huwag kang istorbohin dahil napuyat ka..."

Napaharap ako kay Lauro dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita. Parang may ibig sabihin ang kanyang kataga. Mali pala ako ng ginawa dahil ngayon ay halos magkalapit na ang katawan namin. Ang kamay niya ay itinukod sa magkabilang gilid ng sink. Ikinulong niya ako para hindi ako makawala.

"Lauro!" Nanlalaki ang nga mata ko habang itinulak siya ng mga kamay ko.

"Shhh, baka marinig ka ni Ashley," pigil niya at lalong idiniin ang kanyang katawan sa akin.

Nangatog tuloy ang tuhod ko dahil sa kaba. Nasa malapit lamang si Ashley at naglalaro. Bulag man siya, alam kong mas malakas ang pakiramdam niya, lalo na ang kanyang pandinig.

Matalim kong tinitigan si Lauro kahit gusto na talaga akong takasan ng aking kaluluwa sa ginagawa niya. Kailangan ko na talagang pagsisihan na pumayag na manatili sa bahay na ito. Ang makasama sa iisang bubong si Lauro.

"I really miss you, Elyssa," bulong niyang inilapit ang mukha sa akin. Itinagilid ko ang aking ulo at umiwas nang akma niya akong hahalikan. Yumuko rin ako dahilan para gilid ng ulo ko ang mahalikan niya. Kilala ko na siya. Iyon ang lagi niyang ginagawa sa akin. "Baby, I want to hold you in my arms again. I want you in my bed, not in my son's bed!" malamig na anas niya na nagpataas ng balahibo ko sa buong katawan.

Pumikit ako ng mariin. Walang pagsidlan ang kaba na nararamdaman ko sa sarili. Nang magmulat ako ay tinatagan ko ang aking sarili at masama ang tinging ipinukol ko sa kanya.

"Kung ayaw mong umalis ako rito. Tigilan mo ako, Lauro," matapang kong saad. Ayaw kong makipaglaro sa apoy na muling tutupok sa akin. Pinilit kong kumawala mula sa pagkakakulong sa mga bisig niya.

"I know that you still feel the same way as I do. Hindi mo mahal ang anak ko, Elyssa." Siguradong-sigurado niyang saad. Umiling ako.

Nanginig ang katawan ko nang hawakan niya ang baba ko at ibinaling paharap ang mukha ko sa kanya. Ngayon ay talagang magkalapit na kami at amoy na amoy ko ang kanyang hininga. Lalo na at bumaba pa siya para tapatan ang mukha ko.

Nanulak ang mga kamay ko pero wala halos lakas kaya mas lalo lamang inilapit ni Lauro ang kanyang sarili. Ipit na ipit ako mula sa lababo sa likod ko at sa kanyang katawan.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ng presensiya ko sa katawan mo, Elyssa. Aminin mo man o hindi, hinahanap ng katawan mo ang..."

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang mukha. Anong karapatan niya para ipaalala sa akin ang kahibangan na nagawa ko noon! Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng butil ng luha sa gilid ng mga maata ko habang galit na galit akong nakatitig kay Lauro.

"Baby..." anas niyang napapaos.

"Nagkakamali ka!" Ngitngit kong saad.

"Ate?" Mabilis kong naitulak si Lauro nang mapagtanto kong nasa gilid na namin si Ashley.

Mas lalo akong kinabahan nang tumitig ako sa blankong mga mata ni Ashley . Kahit hindi niya kami nakikita, pakiramdam ko gumagawa ako ng malaking kasalanan sa harap niya.

"Nag-aaway ba kayo ni Papa Lauro?"

Nakuyumos ko ang aking damit habang pababa para pantayan siya nang pakawalan na ako ni Lauro. Umiling ako na para bang makikita niya iyon. Umiling lamang ako ng umiling, habang patuloy ang paglandas ng luha ko sa mata.

"Hindi, Ash..." agad kong kinagat ang aking labi dahil biglang kumawala ang hikbi. "Nag-uusap lamang kami..." napalunok ako habang hinila siya payakap sa akin. Mahal na mahal ko si Ashley at ayaw ko siyang masaktan o madamay.

Ngunit hindi ko yata maiiwasan iyon. Dahil kahit anong gawin ko, damay siya sa gulo ko.