Masayang masaya si Ashley na nakapamasyal. Hindi man niya nakikita ang napuntahan namin, malaking tulong ang ginagawa ni Lauro na ipinapaliwanag kung ano ang nasa paligid. Sinasagot niya lahat ng tanong ni Ashley. Hindi ko masasabing nag-enjoy ako dahil sa totoo lang, sa buong araw ay kabado ako. Lalo na sa tuwing magdidikit ang katawan namin ni Lauro sa 'di inaasahang sitwasyon.
Ngunit kung masaya si Ashley, masaya na rin ako, iyin lang naman ang hangad ko para sa kanya, ang maging masayang bata.
Tahimik kami habang pauwi na. Tulog na si Ashley sa likod at ako naman ay nakatingin sa labas. Wala akong pakialam kung mangawit ang leeg ko sa iisang posisyon. Gusto kong magkunwaring tulog pero alam kong hindi iyon uubra dahil mas lalo ko lamang binibigyan si Lauro ng pagkakataong titigan ako. Lalo na ngayon na nararamdaman ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin. Pilit ko na lamang iyon binabalewala. Hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina. Hangga't maaari, iiwas ako.
Gusto ko ng katahimikan. Pero ipinagkakait iyon ni Lauro sa akin.
"Hindi ko pinagsisisihang minahal kita, na hanggang ngayon ay mahal pa rin kita," paninimula na naman niyang guluhin ang utak ko.
Hindi ako umimik. Hindi ko rin siya binalingan ng tingin, ang gusto ko ay tumahimik siya. Ayaw kong lituhin niya ng muli ang isip ko. Maging ang puso ko.
"Hindi ko gustong ilagay ka sa gitna naming mag-ama at maipit sa sitwasyon, Ely, pero hindi mo ako mapipigilang iparamdam sa iyo na mahal kita. Hindi mo ako mapipigilang alagaan ka. Kung kailangan kong makipagkumpitensiya sa anak ko, gagawin ko, maipakita ko lamang na seryoso ako..."
Madiin ang pagkakakagat ko sa labi ko dahil sa nararamdamang tensiyon, at dahil na rin sa papabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko na rin matanto kung dahil ba sa kaba sa sinabi niya o dahil bumabalik ang damdamin ko sa kanya.
"Gusto kong bumalik sa iyo. At alam kong hanggang ngayon, hinihintay mo pa rin ako, that's why..."
"Nagkakamali ka!" Gumaralgal ang boses ko dahil sa matinding kaba. "May mga dahilan ako kung bakit wala akong naging relasyon pagkatapos mo. At wala ka sa mga dahilang iyon. Si Ali na ang dahilan ko para magpatuloy..."
"Continue the lies, Elyssa." Putol niya sa sasabihin ko. "Mahal mo ang anak ko? Sige, ipagpatuloy mo ang kasinungalingan mo, pero hindi mo ako mapapaniwala," dagdag pa niya saka ipinarada ang sasakyan.
Napatingin ako sa paligid. Nakarating na pala kami nang hindi ko namamalayan. Lumabas ako agad at hindi na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Kukunin ko na sana si Ashley sa likod pero naunahan niya ako at binuhat ang tulog kong kapatid. Napabuntong hininga na lamang ako at sinundan ang likod niya habang buhat si Ashley na payapang nakahilig ang baba sa balikat ni Lauro.
Nangilid ang luha sa mata ko. Kung tignan ay para silang mag-ama, bagay na agad kong iwinaksi sa isip ko. Agad kong pinahid ang luha at sinundan sila nang tahimik papasok sa bahay. Tumigil nga lamang ako saglit at tumingin sa lumang relo na suot ko. Alas singko pa lang ng hapon.
"Narito na kaya si Ali?" piping tanong ko sa sarili.
"Lauro, may naghihintay sa iyo sa loob."
Dinig kong sabi ni Nanay Minda kaya napahinto si Lauro sa paglalakad. Huminto rin ako nang binalingan niya ako at hinarap. Agad akong lumapit at kinuha si Ashley sa kanya.
Nang nakuha ko si Ashley ay napadako naman ang tingin ko sa taong naghihintay kay Lauro sa sala. Napaawang ang bibig ko at napakunot noo. Bakit siya narito? Ano ang kailangan niya kay Lauro?
"Hmmm."
Napatingin ako kay Lauro nang tumikhim siya at matamang nakatitig pala sa akin. Hindi ko tuloy maipagkaila ang gulat kong reaksiyon. Naging kuryoso tuloy ako sa inte siyon ng kanyang bisita.
"Pumanhik na kayo, kakausapin ko lamang ang aking bisita," pagtataboy sa akin ni Lauro dahil hindi ako tumitinag sa pagkakatayo.
Nag-atubili akong sundin iyon. Muli kong sinulyapan ang panauhin ni Lauro. Wala man lamang mababasang ekspresyon sa mukha nito. Blanko lamang na tumingin rin sa akin, parang binabasa niya kung ano ang nasa isip ko.
Pumanhik ako sa kuwarto na may pagtataka at maraming katanungan sa isip. Wala naman dapat akong paki-alam pero hindi ako kayang pakalmahin ng tinging ipinukol ng bisita ni Lauro sa akin, para bang may ibig sabihin iyon.
Bagsak ang balikat na pumasok ako sa kuwarto habang buhat pa rin ang tulog kong kapatid. Nagdahan-dahan ako sa pagsara ng pinto nang mabungaran ko si Ali na nakahiga sa kama at tulog na tulog. Marahan akong naglakad at dahan-dahan ko ring ibinaba si Ashley.
Pinagmasdan ko silang pareho na mahimbing ang tulog. Napangiti ako dahil para silang may pagkakahawig na dalawa. Para silang mag-ama...
Ipinilig ko ang aking ulo sa naisip at mapait na napangiti. Pinigilan ko rin ang luhang nagbadya. Bumalik na naman ang mapait na katotohanan ng pagkatao ni Ashley.
Malalim akong humugot ng hininga at napako ang tingin kay Ali. Pinag-aralan ko ang kanyang kabuuan. Napanguso lamang ako nang matuon ang aking mga mata sa kanyang labi.
Labing kahalikan ko kagabi.
Natangay ako sa maingat at marubrob niyang paghalik sa akin, na para bang puno iyon ng pagmamahal. Para akong nananiginip ng sobrang ganda, tila dinala.ako sa ulap ng kaligayahan. Para lang bigla niya akong gisingin sa magandang panaginip at bahagyang itulak palayo.
"Sorry," saad niyang natataranta at hindi makatingin sa akin ng diretso.
Napatayo siya bigla na hindi man lamang ako tinapunan ng tingin. Nangilid ang luha sa mga mata ko kaya agad akong napapikit para pigilan iyon. "Hindi ko dapat ginawa iyon," aniya na hindi ko pinansin. Nanatili lamang akong nakapikit. "Go and take rest. Ako na ang maglilgpit nito."
Napamulat ako ng mata at agad na tumayo. Mabilis akong nagtungo sa banyo dahil sa kahihiyan. Ewan ko kung bakit dismayado ang pakiramdam ko, dahil ba sa napakabilis kong bumigay, o dahil nabitin ako? Ewan ko...
Pagkatapos kong magsepilyo ay agad na akong nahiga. Hindi na siya muling sinulyapan habang pinupulot niya ang napag-inuman namin.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang paghiga niya sa tabi ko. Napatay na rin ang ilaw at tanging ang isang lampshape na lang ang naging tanglaw namin.
"Sorry kanina, hindi ko sinasadya..."
Napasinghap ako nang yumakap ang kanyang kamay sa aking beywang. Nakakumot ang kalahati ng katawan ko samantalang nakahiga siya sa ibabaw nito.
Gusto ko man tumahimik at magtulog-tulogan ay hindi ko naman magawa. Malakas ang loob kong pumihit paharap sa kanya. Nakaunan siya sa isa niyang braso habang nakadantay pa rin ang isa sa akin.
"Wala ka namang ginawang masama." Nagawa ko pang matawa sa sinabi ko. Tama naman, tumugon pa nga ako eh. Nagustuhan ko ang halik niyang iyon.
Ngumuso siya at nagpipigil mangiti. Nang bigla niyang higpitan ang kanyang braso sa beywang ko at hilahin ako.palapit pa sa kanya.
Napakagat labi akong nakatitig sa mga mata niya. Pagkatapos ay napupunta ang mata ko sa labi niya.
"Hindi ko gustong pagsamantalahan ka, Ely," aniyang nagpanguso lalo sa akin. Napalunok ako habang hinuhuli ang mga mata niya. "But I can't resist the fact that I'm into you."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at naiiwas ang mga mata sa kanya. Nagsisi lamang ako dahil nang bumaba ang mata ko ay napadako naman iyon sa pagitan ng kanyang hita. Agad kong iniiwas ang tingin ko sa maumbok na parteng iyon ng katawan niya.
Nagulat ako nang lalo niya akong hilain na para bang may espasyo pang namamagitan sa amin. Muli akong napatingala sa kanya habang nakanguso.
"Don't do that. Baka hindi ko mapigilang halikan kang muli," babala niya sa akin.
Tila may sariling isip na umakyat ang kamay ko para haplusin ang mukha niya.
"Huwag mong pigilan, Ali," ika ko. "Kasi ako, ayaw ko rin na pigilan ka," malakas ang loob na amin ko. Alam kong gusto ko ang nangyayari sa amin. Gusto ko ang mapalapit sa kanya.
Sinasabi ng isip kong mali na ipagkanulo ko ang sarili ko sa kanya. Sinasabi ng isip ko na hindi dapat dahil lalo lang gugulo ang lahat. Sinasabi ng isip kong umiwas, ngunit iba ang dinidikta ng puso ko at ng katawan ko.
Ngayon, alam kong ako ang mali. Maling makaramdam ako ng isang damdaming ganito para kay Ali.
Tila may kung ano sa kanya na nahihila ako. May atraksiyon akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Sa tuwing nalalapit ang katawan namin ay tila nag-uumapoy ang isang damdamin sa aking sistema. Pilit ko iyon binabalewala noon, pero hindi ko na kaya ngayon.
"I like you," sabi niyang ewan ko kung papaniwalaan ko ba? Gaano niya ako kagusto? Katulad kaya ng pagpapantasya niya sa babaeng nakamaskara? "I want to taste your lips!" muli niyang pahayag na dahilan para matigil ako sa paghaplos sa kanyang mukha at muling mapatitig sa kanya.
Binigyan ko siya ng matipid na ngiti. Hudyat na pumapayag ako.
"Baka ma-addict ako kapag lagi kong matitikman ang labi mo," bulong niya pagkatapos ay dinilaan ang kanyang labi. "Pero baka mabaliw naman ako kapag hindi ko tinikman. I really like you, Elyssa."
Napalunok ako. Naririnig ko ang malakas na pintig ng puso ko habang papalapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
"I really like you," anas niya bago tuluyang angkinin ang mga labi ko.
Mas mapusok. Mas mapaghanap ang halik niya sa akin na kusang loob kong tinugon. Parang may nasindihang apoy sa loob ko na biglang naglagablab. Ang mga kamay ko ay humaplos sa kanyang pisngi. Siya man ay nag-uumpisa nang maglakbay ang mga kamay sa katawan ko. Kahit pa nga nababalutan ito ng kumot.
Tila tinupok ng halik niyang iyon ang lahat ng problema ko. Ang tanging nasa isipan ko ay ang sensasyong ipinaparamdam sa akin ni Ali. Ginising niya ang natutulog kong pagnanasa.
Bumitiw siya sa mga labi ko pero naglakbay naman ang kanyang bibig sa pisngi, gilid ng teynga at aking leeg. Napaliyad ako. Naiba na ang puwesto namin at halos nakadagan na ang kalahati ng katawan niya sa akin.
Kinagat ko ang aking labi dahil ayaw kong lumabas ang ungol. Katabi pa naman namin si Ashley. Nang muli niyang sakmalin ang bibig ko, halos manggigil siya roon.
"Ate...."
Lagot! Napatigil kami sa ginagawa at parehong hinahabol ang hininga. Napalingon ako kay Ashley na tulog pa naman. Nananaginip lang yata kaya nagsasalita.
Muli akong lumingon kay Ali na malawak ang ngiti. Pagkatapos ay kinagat-kagat ang pang-ibabang labi na para bang nanunudyo.
"Let's sleep, baka kung ano pang magawa ko," sabi niyang kinintalan ako ng halik sa labi.
Umayos siya ng higa pero naririnig ko ang marahas niyang paghinga. Maging ako man ay hindi maitago ang pagkadismaya. Pareho kaming bitin at nagpigil kahit pa alam naming pareho ang gusto ng aming katawan.
Handa akong gampanan ang pagiging asawa sa kanya. Gaya ng pagganap niya bilang isang mabuting asawa.